Chapter 2

51 3 0
                                    

Jennielle’s POV

Nakakaloka! So ganun kailangang ungkatin yung mga ganung bagay? Nakakahiya tuloy! Pano ba naman kasi.. yung mga reaction nila… like WOAH!

Mukha namang okay na yung usapan namin nung bago kong Filipino teacher kaya bumalik na ako sa upuan ko. kahit ayokong makatabi yung kumag na yun.. wala akong choice!

“accelerated ka pala. So matalino ka?” yan agad ang binungad niya saken. Pero salamat naman dahil pinaupo niya muna ako bago banatan ng kung anu-ano.

“talk to the hand.” Sabi ko na nang-aasar pa. I told yah! Kaya kong makipag-sabayan sa mga taong katulad niya. Wala pa nga siya sa ¼ ng naka-away ko nung grade 4. Mas malala pa yun. Ayy! Ayoko ng balikan! Nai-stress lang ako!

“grade level lang yun. Kaya pa kita ngayon.” Tss! Ang hangin ah! Sige nga mr.pampam! dare me!

“then good luck!” I said then fake a smile.

Hoo! Wala naman masyadong ginawa. Nag kwento lang si ma’am ng kung anu-ano. Tapos nagpakwento kung ano’ng ginawa nung bakasyon. Mga ganun? Kairita! Paulit-ulit ayy!

Dahil first subject pa lang, matagal pa ang hihintayin ko para maka-uwi. Buryong-buryo na ako. nakakairita kasi ‘tong kumag na ‘to. Nguso ng nguso! Napakapit tuloy ako sa nguso ko. mahaba ba talaga? Eeeeer!

Finally recess na! like yesssssss! Tumayo agad ako. pero nung pag tayo ko.. aba tumayo ba naman ang hinayupak.

“makatayo ka ah. Alam mo ‘to? Alam mo canteen dito? Kala neto!” psh! Nakakairita talaga. Inirapan pa ako. ano ba siya? Kakairita na ah.

“pano pag sinabi kong oo?” nang hahamon ang pagkasabi ko nun.

“talaga? Sige nga, ituro mo saken. Kasi alam mo, baka maligaw ako. malaki kasi ‘tong academy na ‘to. TRANSFEREE po kasi ako dito.” At talagang halatang sarcastic ah. Nakooo! Patient jenn. PATIENT!

Huminga muna ako ng malalim.

“o, natameme ka? Di mo alam? Ikaw talaga psyduck. Galing mong mang hamon. Sa susunod, mang hamon ka pag 100 percent sure ka ah.”

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Gusto ko ng manapak. Gusto ko na talaga. Kuu!

“tch!” yun lang yung nasabi ko. oyy mga classmate! Tulungan niyo naman akooooooo.

Lumakad na siya. Hay! Salamat! Umalis din ang peste.

Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Pero mas dumami pa yata yun nang lingunin niya ako.

“hoy psyduck! Ano pang tinatanga-tanga mo riyan?” ah ganun?! Tanga ako? feeling close masyado ah. Kaibigan ko lang ang pwedeng mag sabi ng ganun saken.

“tara na! sa may canteen. My treat.” At nakuha pang ngumiti ah. Siya nga ang nagpapacute eh. Pero ang lakas ng loob niyang ibaliktad saken yun.

“no thanks.” Sagot ko tsaka umupo. Wala akong panahon para makasabay ang pesteng katulad niya noh? Pakamatay na lang ako.

Krwkrwkrwkrw- imaginine nyo na lang na tiyan ko yan please!

Psh! Wala namang pakisama yung sikmura ko. honestly, hindi talaga ako sanay mag-breakfast e. kaya tuwing recess lang talaga ang breakfast time ko. kaso wala pa akong friend ni isa. Huhuhu! ang poor ko na.

Napahawak ako sa sikmura ko. kasabay nun ang pag hagalpak niya. Iiiiiiiiiiiiiih! Nakakaasar talaga.

“wahahahaha! Hahahaha!”

“sinabi ko bang tumawa ka?” mataray kong tanong.

“tch! Di bagay sayo mag-inarte. Lumapit ka na dito. Tuturo ko na lang yung canteen sayo. Alam ko namang ayaw mong mag palibre.”

My Personal Enemy No.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon