chapter 4

42 0 0
                                    

Chapter  4

Jennielle’s POV 

(note: pwede niyo po siyang tawagin ng JENNIELLE, JENN, JENNY, ZUNIGA, pero hinding-hindi pwede ang Psyduck, okay? Kasi po Si KERWIN F. SORIANO Lang ang pwedeng tumawag ng ganun sa kanya. noted by:KerwinSoriano)

Antok na antok ako sa mga oras na yun. Mabuti na lang absent si ma’am English. Pinuyat kasi ako ni Vanessa. Nagpatulong gumawa ng home reading Report. Dapat kasi hindi ko na lang sinabi na alam ko yung kwento. Inasahan ako ng bruha. Pero okay lang busog lusog naman ako e.:)

Sinamantala ko ang sandaling yon para makatulog. Pagod na pagod ang mata ko. mahigit dalawang buwan na rin ang nakalipas. Akalain niyo yon? Naka-survive ako sa hinayupak na KerwinPampam na yon?

Hwag na kayong magtaka. Nakatabi na naman. Wala e. kahit anong gawin ko hindi niya ako pinapakinggan. Akala niya lagi akong nakikipag biruan sa kanya. one time nga nasapak ko na yan e. antigas ng pagmumukha!

Pasalamat ako dahil nagbabasa siya ng manga. Buti na lang talaga! 

Hindi ako matuloy sa dreamland dahil sa harutan at tawanan ng mga kaklase kong hindi ko alam kung bakit ko naging kaklase.

Kung minsan nga gusto ko ng pagsabihan ‘tong mga ‘to e. pano ba naman kasi, pag walang teacher nagtatakbuhan, naghahabulan, nagtataguan, nagkakantahan, nagsasayawan, nag-aacting-actingan, may baliw, may inapi, may nabuntis, may family problem, may sinapian, may namalimos, may nagsabunutan, may nang-agaw ng asawa. Mga ganun bang kaewanan sa buhay?

Akala nila kinaganda nila yon. Pero iba talaga ang trip nila. Nakakatawa! Nabubwiset lang talaga ako pag tumatawa sila. Ang seductive kasi masyado. Yung tawa na … basta!

Ngayon nagtatakbuhan na naman sila. Ano bang akala nila sa room? Malawak? Hay! Asan ba ang mga utak ng mga ‘to?

Nagulat ako ng may marinig akong malakas na kalabog kasabay ang pagbagsak ng glass door.

“ang haharot kasi,” yan ang lumabas sa bibig ko. nang makita ko ang pira-pirasong bubog na nakakalat sa sahig.

Ang sama ng tingin ni Nicole. Baka narinig niya.

“anong sabi mo?” mataray niyang tanong.

“oh shocks! Tinamaan ka?” mataray ko ring tanong.

“sino ka para pagsalitaan kami ng maharot huh?”

“oooppps! Namiss interpret mo yata. May sinabi ba akong pangalan?” sabi ko. alam ko namang nakaka-offend yun pero yun talaga e.

Nagulat ako nang harangan ako ni Soriano.

“Hoy Nicole! Tigilan mo nga si Psyduck ko. totoo naman ang sinabi niya ah. Mahaharot kayo.”

Kinalabit ko siya. “hoy abnormal. Wala akong sinabing mahaharot sila. Ang sinabi ko lang… ang haharot kasi,”

Pagtataray ko. pero natutuwa ako. pinagtatanggol ako ng mortal kong kaaway. Humilera yung lima. Si Nicole, Ashly, Diane, Jade, at pinakamaganda sana kaso pinaka maingay rin, si Kerstine.

Asan na ang pagiging gentleman mo Kerwin?

“kahit na Psyduck, totoo naman , maharot sila.”

“kami pa ba? Tch! Yung iba kasi diyan, dinadaan yung kalandian direct na direct. tCH!” -Nicole

Huh? Ako ba pinapatamaan nila?sorry na lang sila kasi hindi ako tinamaan. Umalis na sila sa harap ko. pero lahat yata sila, inirapan ako. wow! Ano suntukan na lang!

***

“hoy paepal!” tawag ko sa kanya nang maupo siya.

“ano na naman ba yon Psyduck?”

My Personal Enemy No.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon