chapter 6

46 0 0
                                    

Chapter 6

Kerwin’s POV

Nasa study room ako kasama ang ate ko. yung ate ko na akala ko mag aaccountant na akala ko lang pala talaga. Nursing ang kinuha niya.

Hindi ako makapag-focus sa advance lesson na itinuturo ng maganda kong kapatid. Andami mo na talagang utang saken Psyduck. Andami-dami na. lagi mo akong pinupuyat! Tapos ngayon, paghihintayin mo pa ako. anong akala mo, 5 years yun. Antagal nun…

“hoy Kerwin, kanina ka pa tulala ah. Problema?” tanong ni ate.

“tuloy mo lang.” sabi ko na wala pa rin sa sarili.

“ano ka ba? Ipapatuloy mo saken tapos hindi ka naman nakikinig, para kang bangag na hindi malaman diyan. Ano ba kasing problema?”

“wala ‘to ate. Ituloy mo lang. nakikinig ako. gusto mo ulitin ko pa yung mga sinabi mo e.”

“anong wala? Kilala kita Kerwin, kaya sabihin mo na saken kung ano man yang dinadaga mo. At ako ang makikinig sayo.”

Hindi ako sumagot. 

“osige ganito na lang, huhulaan ko, natalo ka sa pustahan niyo sa dota? Magkano ba ang natalo mo? O kaya hindi ka nakapag basketball dahil sa pustahan niyo.. malawak ang basketball court naten sa labas, tara maglaro tayo. O di kaya… sinapak ka na naman nung inaasar mong_________”

“lahat mali.” Putol ko sa sasabihin niya. Nagulat naman si ate sa pagputol ko sa sinasabi niya.

“ate, naiinis ako. minsan ko na lang ‘to maramdaman ganun pa?!”

Hindi ko nakontrol ang sarili ko. gusto ko na kasing sumabog. Parang kanina lang nang sabihin kong mabuti na rin siguro yung mga narinig ko sa kanya nung magkasama pa kami. Tapos ngayon iniisip ko pa rin. 

“what are you trying to say? Spill it out baka mautot ka riyan, ikaw rin.” ayan na naman yung boses ng ate ko na kilalang-kilala ko na may idea na siya.

“ate… I’m” 

“in love.”

Bulong ko.  nahihiya ako kay ate. Alam na alam niya kung ano ang bawat galaw at kilos ko. yung mga ibig sabihin nun… alam na alam niya. Pero meron siyang hindi alam.. hindi niya alam kung paano ako magmahal.

Teka nga… paano nga ba magmahal ang isang kerwin Soriano?

“in love ka? As in? love talaga? Meaning mahal mo ganun? Yiiiiiiieeeeeeeeeeeeee!”

Tinakpan ko ang tenga ko. nakakarindi talaga yung boses ni ate. Ang oa masyado magreact. 

Pero teka nga…. Love nga ba ‘to?

Nagkibit balikat lang ako.

“first time kong marinig yan ah. Nice! Now, tell me, who’s that unlucky girl?”

“ate?”

“joke!”

“ate, anong gagawin ko? first time kong maramdaman ‘to. Oo, Masaya! Pero konti lang.”

Parang gusto kong matawa sa mga nilalabas ng bibig ko. naalala ko pa dati nung grade 4 palang ako. hindi ang mga ganitong bagay ang sinasabi ko kay ate. Laging may kinalaman sa math pag nagpapatulong ako sa kanya. umiiyak ako nun dahil hindi ko talaga masagutan ng tama ang X sa text book niya.

Pero ngayon.. parang binatang-binata na ako na hindi math ang hinihingan ng sagot kundi about kung anong gagawin ko, anong formula, anong technique? Para magustuhan niya ako.

Sinarado ni ate ang textbook at malayang ngumiti ng pagkalaki-laki. Tumayo siya at inakay ako.

“tara sa room mo, bibigyan kita ng tips. And it will help you a lot.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Personal Enemy No.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon