Chapter 21❤ Bestfriendzoned

3.9K 114 33
                                    

(The Chapter of Rachelle and Aaron)

Aaron's POV

Hello girls! *wink*

"Hoy aaron, anong kinikindat kindat mo dyan?" pang-uusisa ni alvin. Eto talaga kahit kailan napakachismoso.

"Wala kanang pakialam dun, kung gusto kumindat kana lang rin dyan. Pakialamero!" sarcastic na sagot ko.

"Kahit hindi na ako kumindat, ngitian ko lang lahat ng mga babae dyan magtitilian na yan." pagmamayabang nya pa. Tss, kailan nya ba matatanggap na mas gwapo ako sa kanya?

"Wag mong lahatin tol, hahaha." natatawang sagot ko sa kanya. Nagtaka naman sya sa sinabi ko.

"Oh bakit? totoo naman kasi tol." nakangising sagot rin nya.

"Wag nga ako, bakit nung nginitian mo ba si danna tumili ba sya? diba hindi, sinapak ka pa nga." natatawang sabi ko sa kanya.

"Tss. Ewan ko sayo, dyan kana nga lang." inis na sagot nya. Mas lalo naman akong tumawa sa sinabi nya, asar talo amp. Tumayo naman sya sa upuan at naglakad na papalabas ng classroom.

"Sige lang, ingat ka dyan baka masapak kapa ulit." tatawatawang sabi ko sa kanya bago sya tuluyang makalabas ng room.

"G*go, si danna lang yung babaeng makakasapak sakin." sigaw nya bago tuluyang makalabas sa room.

Nakita ko naman na huminto sa paglalakad si alvin ng makasalubong nya si rachelle. May tinanong ata kay rachelle si alvin, for sure si danna lang tinanong nyan. Ilang saglit lang ay nagpatuloy na sa paglalakad si alvin at pumasok naman sa room si rachelle. Nginitian nya agad ako ng makita, syempre binalikan ko rin sya ng ngiti.

"Anong nangyari dun sa mukha ni alvin?" tanong nya agad ng makarating sya sa upuan nya na nasa harapan ko lang. Inilagay nya lang yung bag nya dun at umupo sya sa armchair na nasa tabi ko lang.

"Ah yung pasa ba na nasa mukha nya?" pagtatanong ko pa kahit alam ko naman yung tinutukoy nya.

"Ayun nga." pagsang-ayon nya at ngumiti sa akin. Napakaganda talaga neto kapag ngumingiti.

"Sinapak lang yun ni danna kaya nagkaganun." natatawang sagot ko.

"Ah, tara sa cafeteria. Nagugutom nako eh" nakasimangot na sabi nya. Napangiti naman ako at ginulo ang kanyang buhok.

"Always ka namang gutom, pareparehas lang kayong tatlo. Tara na nga, bago pa magbago yang maganda mong mood" sabi ko sa kanya na syang ikinangiti nya.

"Tse, let's go" naglakad na sya palabas ng room, sumunod naman ako sa kanya.

Nang maabutan ko na sya ay agad ko syang inakbayan. Hindi na sya nagulat sa ginawa ko, nasanay na ata sya na lagi kong ginagawa 'to sa kanya tuwing magkasama kami. Hindi na rin naman sya umaangal, dahil para samin wala namang malisya yun.

"Wala kabang balak bitawan ako?" tanong ni rachelle habang nakatingin parin sa dinadaanan namin.

"Wala, ang swerte ko na sayo tas papakawalan pa kita?" nakangising sagot ko sa kanya.

Hindi na sya nagsalita kaya tahimik lang kaming naglalakad papuntang cafeteria. Habang naglalakad kami ang dami na namang tumatawag sa pangalan ko, yung iba tumitili pa. Iba talaga kapag gwapo. tss!

"Hi Aaron"

"Aaron mylovessssss"

"Iloveyouuuuu Aaron"

"Sakin kana lang Aaron"

"Ang gwapo mo Aaron"

"Hello girls!" nagtilian naman sila sa pagbati ko. Tinignan ko naman yung reaction ni rachelle, ayun poker face lang.

"Una na ako Aaron, gutom nako. Kung gusto mo makipaglandian kana muna dyan" poker face na sabi nya.

Akmang maglalakad na sya palayo ng hilahin ko sya papalapit sakin. Nagulat naman sya sa ginawa ko pero nginitian ko lang sya.

"Girls, sorry ha? pero may bestfriend nako. Sapat na sakin 'tong bestfriend ko." sigaw sa mga babaeng nakapalibot sa samin, ginulo ko naman yung buhok ni rachelle at hinila na sya paalis dun.


Rachelle Ruth's POV

Hinila na ako ni Aaron paalis dun sa mga babaeng nagkukumpulan. May part sakin na masaya ako dahil sa sinabi nya sa maraming babae na 'Sapat na sakin 'tong bestfriend ko'. Pero may part rin sakin na nasasaktan, ewan ko kung bakit at anong dahilan.

Nandito na kami sa cafeteria, naghanap sya ng mauupuan namin. Nang makahanap na sya ng pwesto ay umorder na sya. Alam na nya ang o-orderin dahil kadalasan kami ang sabay na kumakain. Sya rin ang naghahanap ng mauupuan namin, at sya rin ang mag-oorder. Sweet man tignan pero walang malisya para sa kanya yun.

"Oh, kumain kana. Alam kong gutom kana" pambabasag katahimikan nya, inayos naman nya yung pagkain namin.

"Okey" tipid na sagot ko at nagsimula ng kumain, nagsimula na rin syang kumain.

"Ang bagal mo kumain." sabi nya habang pinagmamasdan ako kumain.

Napahinto naman ako sa pagkain at tignan ko sya pati yung pagkain nya na ubos na. Ang bilis talaga nito kumain.

"Oo na bibilisan na nga" inirapan ko muna sya bago ko pinagpatuloy ang pagkain. "Tara na, tapos nako" sabi ko ng matapos akong kumain.

Tumayo nako at tumayo na rin sya. Inakbayan nya ulit ako gaya ng kanina, kaya nagtinginan na naman samin yung ibang tao sa cafeteria.

"Hindi kaba nagsasawa?" tanong ko habang nakatingin sa dinadaanan namin.

"Huh? saan?" takang tanong nya.

Huminto ako sa isang bench malapit sa soccer field at umupo, tumabi naman sakin si Aaron. Gusto ko lang naman kasi malaman kung may malisya ba para sa kanya yung nga kasweetan namin. Ang dami na rin kasing nagtatanong kung kami daw ba. Sana nga kami na lang!

Huminga muna ako ng malalim. "Hindi kaba nagsasawa saakin? Sa mukha ka, sa kasungitan ko, sa pabago bago kong mood, sa pag-akbay sakin, sa pagiging sweet sakin. Hindi kaba nagsasawa? almost one month na tayong magkasama." sagot ko sa kanya, umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

Nagulat na lang ako ng bigla akong iharap ni Aaron sa kanya. Hinawakan nya yung mukha ko at tinitigan ako sa mata. Umiwas ulit ako ng tingin pero yung mukha ko nakaharap na sa mukha nya.

"Look at me" sabi nya, pero hindi ko ginawa. "Chelle, look at me" pag-uulit pa nya. Tinignan ko naman sya sa mata nyang nakatingin sakin.

Huminga sya ng malalim bago ulit nagsalita. "Hindi ako magsasawa sayo chelle, nakasanayan ko na lahat yan kaya hindi nako nagsasawa. Kung nagsawa man ako sayo dapat matagal pa lang iniwan na kita. Pero nakita mo naman halos lagi tayong magkasama. Almost one month na nga tayong magkasama, ayokong layuan ka, ayokong iwan ka, ayokong pabayaan ka. You know why?" bahagya syang huminto sa pagsasalita. Umiling lang ako sa mga palad nya bilang sagot na hindi ko alam kung bakit. Tsaka sya nagpatuloy sa pagsasalita.

"Because you are my bestfriend"

*****

The Gangster Princess meet The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon