Chapter 15❤ Mangga/Mango

3.3K 157 3
                                    

Alexandra Angel's POV


Nandito na kami ngayon sa university. Oo nasa school na agad kami. Anong nangyari sa last day namin sa tagaytay? Haynako, sumulpot lang naman ang tatlong kuya nila pamella, april at ayana. Tss, hindi tuloy namin na-enjoy yung last day namin kasi inaya na nila patrick sila pamella umuwi. Wala naman silang magawa, kaya kahit sa ayaw pa nilang umuwi wala silang nagawa. Syempre sumama na kaming tatlo nila rachelle at danna. Wala na rin naman kaming ibang gagawin dun.


"Angel, tara kain muna tayo" tumango naman ako kay danna at sinimulan ng ayusin yung gamit ko.


Napatingin naman ako kay rachelle na ang lalim ng iniisip. Hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nang matapos na akong mag-ayos ng mga gamit ko ay tumayo nako.


Lumapit naman sakin si rachelle na pinaktaka ko. Sa pinapakita nya sakin ngayon, parang may gusto syang sabihin sakin pero pinapanguhan sya ng kaba. Napa-'tss' na lang ako sa isip ko.


"Anong sasabihin mo?" nagulat naman sya sa tinanong ko sa kanya. Hindi sya mapakali sa kinakatayuan nya. "Say it" dugtong ko pa.


Napabuntong hininga naman sya dahil sa sinabi ko. "Eto na nga eh, kasi may natanggap akong letter kanina. May magaganap na labanan mamayang 8 in the evening. Iniimbitahan tayong makipaglaban, dahil nalaman na ng karamihan na nakabalik na tayo sa pinas" diretsong sagot nya.


"Pupunta ba tayo?" kunot noo na tanong ni danna.


"Yes, ang tagal na rin simula nung nakipaglaban tayo" walang kaemo-emosyong sagot ko.


"Paano yung training nating later?" napatingin naman ako kay danna.


"Tss. Edi wag puntahan" walang emosyong sagot ko tsaka ako tuluyang lumabas ng room.


Habang naglalakad ako sa corridor ang dami na namang nakatingin sakin. tss, parang kakainin lang ako ng buhay. Napatahimik naman yung mga tao sa corridor. At biglang naghati yung mga tao na parang may dadaan na reyna. Nakita ko naman si Erica na naglalakad sa gitna ng mga nahating tao.


Nagstop sya sa paglalakad nung nakasalubong nya ako. Hindi kasi ako huminto sa paglalakad kanina habang nahahati ang mga tao. Saktong sa gitna rin ako dumaan kaya nakasalubong ko 'tong impakta na ito.


"Get out on my way" mataray na sabi nya habang nakatingin sa akin.


Kesa sagutin ko sya tinignan ko lang sya mula ulo hanggang paa at pinagpatuloy ko na lang yung paglalakad ko. Kaya ang nangyari na bangga ko sya at napa-upo naman sya sa sahig dahil sa ginawa ko. Napa-'wooooh' naman yung mga taong nandito sa corridor.


"Argh. You're bitch" nanggigigil na sigaw nya. Inalalayan naman sya ng mga alipores nya na tumayo.


Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy nako sa paglalakad. Ayokong sayangin yung oras ko sa mga taong wala namang kwenta. Hindi pa ako nakakalayo ng biglang may humila sa buhok ko.


"Hindi mo kilala kinakalaban mo" gigil na sabi nito habang hawak hawak parin yung buhok ko.


Dahil sa inis ko hinawakan ko yung kamay nyang nakahawak sa buhok ko tsaka ko 'to pinilipit. Napabitaw naman sya sa buhok ko.


"Ahhh" tili nya habang pinipilipit ko yung kamay nya.


Pumipiglas naman sya pero hindi na nya nakaya dahil sa sakit ng pagkakapilipit ko. Binitawan ko na yung kamay nya at hinablot ko buhok nya para mapaharap sya sa akin.


The Gangster Princess meet The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon