Chapter 27❤ I will protect you

2.3K 88 2
                                    


Alexandra Angel's POV


"Roniel Collins." sabay na sigaw ni Danna at Rachelle ng makita nila kung sino ang lalaking nasa harapan na namin ngayon. "Waaaaaah." mabilis naman silang tumayo at agad na niyakap yung lalaki.

"Sobra ka naming na miss Ronron." sambit ni Danna ng mahiwalay na sila sa yakap.

"Oo nga, bigla-bigla ka na lang nang-iwan sa ere." nakasimangot na sambit naman ni Rachelle. Inakbayan naman sila nung lalaki na ang pangalan ay Roniel, na tinatawag ni Danna ng Ronron. Wait-- Ronron?

"Don't call me Ronron, Max. My name is Roniel. Okey?" nakangiting sambit naman ni Roniel na nagpasimangot sa dalawa.

"Aww. Nakakasad naman. Namiss pa naman kitang tawaging Ronron." sambit ni Danna. "Pero okey lang, atleast magkakasama na ulit tayo." nakangiting dugtong pa nya.

"Oo nga pala. Paano mo kami nahanap?" takang tanong ni Rachelle at kunot noo nyang tinignan si Roniel.

"Actually, Nang dahil kay Xandra kaya ko kayo natunton." nanlaki naman ang mata ko ng marinig ang pangalan ko. Umupo naman si Rachelle sa tabi ko kasunod nila Danna at Roniel.

"Si Angel?" turo sakin ni Danna. Tumango naman si Roniel na mas lalong pinagtaka ng dalawa.

"Paanong dahil sa kanya?" tinuro naman ako ni Rachelle ng nagtataka. Ngumiti muna si Roniel sa amin bago magsalita. Kaya nakita ko na naman ang dimple nya.



Roniel's POV


Ngumiti muna ako sa kanila bago tulayang magsalita. Tinignan ko na rin sila isa-isa dahil sobrang laki na rin ng pinagbago nila. Lalo na si Xandra, mas lalo syang gumanda ngayon. Kahit naman dati pa maganda na sya. Kaya nga tawag ko sa kanya dati Angel, dahil mukhang anghel ang mukha nya. Pero pagnakilala mo-- aish. nevermind. Pero dahil ang dami ng tumatawag sa kanya ng Angel hindi ko na sya tinawag ulit sa second name nya, ngayon Xandra na ang tawag ko sa kanya. Silang tatlo ay tinatawag ko sa second name nila.

"Uy. Tulala kana dyan, magkwento ka na bilis." nabalik naman ako sa katinuan ng magsalita si Max o Maxine na mas kilala nyo bilang Danna.

"So, nagkita na rin pala kayo ni Angel?" takang tanong sakin ni Ruth na mas kilala nyo bilang Rachelle, tumango lang ako sa kanya. "Hoy, Angel. Nagkita na rin pala kayo ni Ronro-- I mean Roniel." nakataas kilay naman syang tumingin kay Xandra.

"Yah." tipid na sagot ni Xandra. Inirapan naman sya ni Ruth at ibinaling sa akin ang tingin.

"Magkwento ka na kasi, wala naman kaming mapapala dyan kay Angel." sinamaan naman sya ng tingin ni Xandra dahil sa sinabi nya.

"Easy ka lang kasi, Max." natatawang sagot ko sa kanya.

"Don't call me Max. Danna, Danna ang itawag mo sakin." inis na sambit nya. Pero tinawanan ko lang ulit sya. "Stop laughing, Roniel."

"Okey fine, Danna." itinaas ko pa yung dalawa kong kamay na parang sumusuko na ako.

"Hey. And by the way, don't call me again in my second name. Rachelle is fine." maarteng sambit naman ni Ruth. Ibang-iba na talaga sila ngayon. Ang laki na ng mga pinagbago.

"Oo na, Rachelle." nakangiting sagot ko. "Buti na lang si Xandra, hindi maarte." sinamaan naman ako ng tingin nila Danna at Rachelle.

"Bilisan mo magkwento ka na. Ang dami mo pang satsat eh." nginisian ko lang si Danna dahil sa sinabi nya. Curious talaga sila.

The Gangster Princess meet The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon