Chapter 9❤ Chocolate

4.2K 136 1
                                    


Ilang days na rin ang nakalipas simula nung makilala ko ang younger sister ni patrick. Nagkikita kami minsan sa university pero hindi kami nagkakasama ng matagal. Actually napagplanuhan nga namin na magbonding minsan kasama ang friends nya at kasama ko naman yung dalawa. Kase yung dalawang girls na kasama ni pamella nung first meet namin, younger sister rin pala nila alvin at aaron. Kaya yun napagplanuhan namin na magbonding with the girls, and without boys.

"Tara na angel" nagnod naman ako kay rachelle.

Inayos ko lang yung bag ko, tsaka ako sumunod sa kanila sa garahe. Pumasok si rachelle sa driver seat, si danna sa likod at ako dun sa harap kasama si rachelle. Minaniobra naman ni rachelle yung kotse tsaka nya pinaandar. Syempre nagsuot muna kami ng seatbelt para safe.

"Anong plano" basag ni danna katahimikan.

"Para saan?" tanong ni rachelle.

"Para sa gagawing bonding with the girls" napa isip naman agad ako sa sinabi ni danna.

Wala pa naman kase kaming idea dun, tsaka hindi pa namin alam kung kailan at saan. Mas maganda kung sama-sama namin 'tong pagplanuhan.

"Bukas sundian natin sila sa bahay nila" nagtaka naman sila sa sinabi ko.

"For what?" nakakunot noo na sabi ni danna.

"Para mapagplanuhan natin diba? Mas maganda kung isasama natin sila sa pagpaplano. Ang pangit naman tignan kung tayo lang yung magpaplano, baka hindi nila magustuhan yung plano natin. Edi hindi sila makakapag enjoy" pagpapaliwanag ko sa kanila. tumango naman sila sa sinabi ko.

"Good idea! Ako na magsusundo kay Ayana" sabi ni danna, si ayana ay younger sister ni Alvin.

"Ako na kay April" suggest ni rachelle, nagnod naman ako sa kanila. Si april naman younger sister ni Aaron.

"Sige, ako na rin bahala kay pamella" nagnod naman ulit sila sa akin.

Tumahimik naman kami pagkatapos ng usapan. Busy si danna sa iphone nya, nakafocus naman si rachelle sa pagdadrive. At ako naman nakatingin lang sa labas. Mas okey ng ganito, kesa naman yung maingay. Namimiss kuna sila mom and dad, kailan ko kaya ulit sila makakasama. Lagi kase silang busy, minsan sa business at kadalasan sa gang ng family namin.

Iba kase yung gang naming tatlo nila rachelle at danna sa gang ng family namin. Bumuo kami ng isang gang na kaming tatlo lang, at ang gang na yun ay ang Black Angel's. Pangapat kami sa mga malalakas na gang dito sa pinas. At ang nangunguna dun ay ang gang ng parents namin.


Rachelle Ruth's POV


Ang tahimik naman, busy kase si danna sa iphone nya. Tas eto namang katabi ko nakatingin lang sa labas na parang ang lalim ng iniisip. Ayoko naman silang guluhin kase baka masaktan lang ako ng wala sa oras. Ganyan yang dalawa ayaw ng pinapakialam kapag busy sila. Kahit naman ako ganyan eh, and btw. Papunta na kami ngayon sa university, wala nga akong ganang pumasok eh. Pero syempre dahil papasok yung dalawa, papasok na rin ako.

Pagkadating namin sa university, pinark ko lang agad yung car ko. Tsaka na kami pumasok sa loob ng school. Eto na naman yung nga bulungan, sanay nako dyan. Ilang days na kaya kami dito, at lagi na lang puro bulungan ang sumasalubong samin. Alam ko naman na dahil yun sa tatlo, kase medyo naging close na kami sa kanila. Big deal ba ang maging close ang tatlong yun?

"Rachelle" lumingon naman ako sa tumawag sa name ko.

Pagkakita ko sa kanya tinuloy ko na lang agad yung paglalakad ko. Naiinis ako sa kanya, iwanan ba naman ako kagabi. Kaya ayokong pumasok eh, makikita ko na naman yung mukha nya. Badtrip!

The Gangster Princess meet The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon