Chapter 6❤ Badboys

4.4K 150 4
                                    


Nandito pa rin kami sa room, malapit na rin mag breaktime. Gusto kuna umalis dito sa room, parang may kakaibang aura ang nagaganap. Hindi ko maipaliwanag kung ano yun, pero parang ang bigat ng aura na yun. Eto na naman ako kung ano-ano ang iniisip. Lumulutang na naman ang isip ko.

"Okey, class dismiss" umalis na yung teacher namin, at eto namang mga classmate ko parang may party sa sobrang saya.

"Uy pat, saan ka galing kanina?" lumapit si Aaron kay Patrick.

"Sa bahay" tipid na sagot nya. Napatingin naman ako sa kanila.

"Kaninong bahay naman?" natatawang sabi ni Alvin. sinamaan naman sya ng tingin ni patrick. "I'm just kidding"

"Pat may papakilala nga pala ako sayo" sabi naman ni Aaron, tsaka sya ngumiti sakin. "I just want to intruduce you to xandra"

"Who's that girl?" tipid na tanong ni pat.

"Sya yung babaeng tumulong samin ni Alvin, at sya din yung babaeng nakita mong nakikipaglaban sa kaaway namin" masayang sabi ni Aaron.

"Where is she?" gulat na tanong ni pat.

Hinila naman ako patayo ni Alvin. "Meet the girl who helped us, Alexandra Angel Ricafrente" literal na napanganga si pat nung makita nya ako.

"Ikaw?" takang tanong nya.

"Yes, any problem?" nginitian ko sya, yung ngiti kong may mapang-asar.

"None" tipid na sagot nya.

"Magkakilala na kayo?" sabay na tanong ni Alvin at Aaron.

"Yes, she's the girl I tell you that I saw in the mall, and she was also the girl in the cafeteria" ang sexy ng boses nya habang nagsasalita sya. At oo, inaamin ko pogi sya. Hindi ko tuloy maiswasan na tignan yung mga mata nya. Bigla syang napalingon sakin kaya nagtama yung mga mata namin. Hindi ko ma explain yung nararamdaman ko, ang bilis ng tibok ng puso ko.

"So, ikaw pala yung lalaking naghat--" hindi kuna pinatapos yung sasabihin ni danna. Alam ko na agad kung ano yun.

"Tara na? punta na tayo sa cafeteria" pagpuputol ko sa sasabihin ni danna. Sinamaan ko naman agad sya ng tingin.

"Wait, may sinasabi pa nga si danna" pang uusisa si Alvin, bago pa magsalita si danna bigla na agad akong sumingit.

"Huh? may sasabihin ka paba danna?" pagmamaang maangan ko. Tumingin naman agad sya sakin at binigyan ko sya ng 'subukan mong sabihin look'

"Ah, Oo wala na akong sasabihin" buti naman na gets nya agad yun. "Tara na danna at chelle" dugtong nya.

"Let's go" tumayo na si rachelle sa upuan nya, maglalakad na sana kami ng pigilan nila kami.

"Wait xandra" napatingin naman agad ako kay Alvin. "Hindi mo man lang ba papakilala samin yang mga magaganda mong kaibigan" napasmirk na lang ako sa sinabi ni Alvin.

"Bolero mo talaga Alvin" sabat naman ni Aaron, samantalang si Patrick naka poker face lang.

"Bakit? totoo naman ah, magaganda naman silang tatlo" napapout naman agad si alvin.

Ang cute nya, sarap hilahin ng nguso.

"Dalawa lang ang maganda sa kanila no, malabo na ata yang mata mo Alvin" nagulat naman si Alvin sa sinabi ni Aaron. Pati kaming tatlo nagulat.

"What? Who is not beautiful?" nagtatakang tanong ni Alvin.

Napatingin naman agad sya kay rachelle. "She" nakasmirk na sagot ni Aaron habang nakatingin kay rachelle. Oh no!

The Gangster Princess meet The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon