CHAPTER 41- CONCLUSION

314 15 0
                                    

Kyungsoo POV

Nagulat nalang ako ng sabihan ako ng nurse na fully cured na ako.

Ako?

Wala nang sakit?

Sigurado na ba sila?

Ang weird ng mga tao ngayon ha?

Kanina din si Eunha. Ang higpit ng paghawak sakin na parang natatakot at nag aalala.

Palabas na kami ng Eunha ng clinic. Pero iniisip ko pa din.

Bat di agad sinabi ni Dr. Justine yung about sa fully cured ko nung pumunta ako dito last time

Kung kailan sumasakit ulit yung ulo ko dun pa gumaling?

Tindi ah?

Di pa din talaga ako matahimik. Babalikan ko nalang sya kapag di na sya nakaleave.

Sa ngayon babawi muna ako sa babaeng tuta na to na ang lalim din ng iniisip.

"Eunha? Pagpuputol ka sa iniisip nya.

"Ano? May masakit sayo? Ano?"

Nalaglag naman yung panga ko sa sinabi nya.

Ang oa naman ng tutang to.

"Ano? Napano ka?" tanong ko sa kanya.

Napano ba to? Simula kanina ganyan na sya.

"Wala." sagot naman nya.

Sa sobrang pag iisip ko hinawakan ko yung kamay nya ng mahigpit.

"May gumugulo ba sa utak mo? May naalala ka na ba?" tanong ko sa kanya

Yun kasi ang unang pumasok sa utak ko. Baka may naaalala na sya.

"Ah eh wala. Iniisip ko lang na magaling kana. Masaya ako para sayo." nakangiti naman nyang sagot.

"Sigurado ka?" tanong ko ulit sa kanya.

Tumango nalang sya.

"Kung ganun tara at may pupuntahan tayo." saad ko at mas lalo kong hinigpitan yung pagkakahawak ko sa kamay nya at tumakbo na kami.

-

Eunha POV

Nahuli tuloy ako ni Kyungsoo na ang lalim ng iniisip.

Pero nasagot ko din naman.

Iniisip ko parin kung paano ko mapapatunayan kay Kyungsoo na may balak na masama si Dr. Michael sa kanya.

At kailangan kong malaman kung anong krimen ang sinasabi nila.

Basta ang alam ko ngayon e.

Wala naman talagang sakit si Kyungsoo.

At ang totoo nyan eh.

Parehas kaming may amnesia.

Ang pinagkaiba nga lang.

Sa kanya selective amnesia.

Ako naman as in lahat walang alam.

Kung si Kyungsoo nandun sa pangyayari kung kailan ako namatay

Hindi kaya.

"Oy kanina ka pa tulala dyan. Sigurado ka ba talaga ni ayos ka lang?" tanong ni kyungsoo sakin.

Nasa may bus ulit kasi kami.

Napatingin ako sa kanya.

Tama nga ang hinala ko!

Magkakakonekta ang buhay namin ni Kyungsoo

Ako

At ni Dr. Michael.

Di kaya yung krimen na witness si kyungsoo.

Eh ang krimen kung saan pinatay ako?

At ang pumatay sakin eh

Si Dr. Michael?!

Tama!

Totoo yung panaginip ko!

Nandun nga talaga si Kyungsoo nung panahon na pinatay ako!

So it means kilala ni Kyungsoo ang pagkatao ko.

"Oy ano ba tutulo na yung laway mo." napagising naman ako sa pag iisip.

Dapat makaalala na si Kyungsoo para malaman ko kung sino ako.

Pero paano ko gagawin yun?

Di ko kailangan ng ebidensya.

Sapat na ang makaalala si Kyungsoo.

Sigurado na yun. Pero baka mali ang konklusyon ko.

Pero bago pa man yun kailangan kong makita ang itsura ng Dr. Justine na yun.

"Andito na tayo." saad ni Kyungsoo.

Pagbaba namin

O_______O

Nasa may Amusement Park kami.

"Tara na." nakangiting saad ni kyungsoo at hinila ako papasok.

Mamaya mo na isipin yun Eunha.

Sa ngayon magpakasaya ka na muna.

"Tara." sagot ko naman at panandalian kong kakalimutan muna ang mga bagay na nagpapagulo sa isip ko.

#MGIAGPuzzle

#MGIAGConclusion

"MY GIRLFRIEND IS A GHOST?!"Where stories live. Discover now