CHAPTER I - CLUB

1.1K 29 0
                                    

Kyungsoo POV

Lumabas na nga ako sa room at pumunta sa lugar kung saan madalas akong kumain.

Pagkadating ko dun agad ko nang nilabas yung dala dala kong pagkain.

Niluto ko to bago pa man ako umalis ng apartment.

Isusubo ko na sana yung kanin ng--------

Do Kyungsoo right?!

Pagkatingin ko may dalawang lalaki na ang nasa harap ko. Napatingin naman ako sa ID nila.

Senior.

Yes. Bakit?

Tinignan lang nila ako ng nakakalokong tingin. Problema ng mga to?

Umupo muna sila sa may tabi ko bago nagsimulang magsalita.

Ako si Lee Jung

At ako naman si So Jin

Ano naman problema ng mga to?

Nagsimula na nga magsalita yung payat at kung di ako nagkakamali sya si Lee Jung.

Kami ang tagapagtanggo---

Aisshh! Ano nanaman to?!

Wala akong oras para makipag usap sa i-----

Nagulat ako ng bigla akong hawakan ni So Jin para maupo ulit ako.

Tagapagtanggol ng mga espirtun-----

Wala yata sa tamang pag iisip tong kogkog na to.

I dont have a time to talk to you. Busy ako kaya iba nalang kausapin nyo. Arrasso?!

At tumayo na nga ako di ko na rin binalikan yung tupperware kung saan nakalagay yung pagkain na dapat kakainin ko.

Bago ako umuwi dumaan muna ako sa Grocery Store para bumili ng pagkain.

Nagcommute na nga ako pauwi sa apartment na pagtutuluyan ko.

Pagkauwi ko napansin ko na may nilagay pala yung dalawang kogkog na yun sa pocket ng damit ko. Agad ko naman kinuha.

A card?

Ghostnet Club?

Tss. Ghostnet nila mukha nila!

Naghanda na nga ako ng kakainin ko para ngayon.

Pagkatapos nun e. Kumain nako, Naglinis at pumasok na sa kwarto ko para gumawa ng assignment.

Binuksan ko na yung laptop ko ng biglang nag beep yung cellphone ko.

Unknown Number.

1message Received.

Agad ko naman binuksan at binasa.

"MY GIRLFRIEND IS A GHOST?!"Where stories live. Discover now