CHAPTER 15- REWARD

391 14 0
                                    

Kyungsoo POV

Lumabas na nga kaming tatlo. Inalalayan ko si Krystal na lumabas. Alam ko namang nasa likod ko lang si Eunha.

"Krystal." bigla nalang siyang niyakap ng lalaki. Eto siguro si Kyle.

"Tapos na kyle. Titigilan na tayo ni seth." at gumanti naman ng yakap ang babae.

"Maraming salamat sa inyo mga iho, malaking tulong ang nagawa nyo." saad ng matandang babae.

"Ipapalagay ko nalang yung pera sa bank account nyo." saad naman ng lalaking matanda.

Yung dalawang unggoy naman tuwang tuwa sa narinig tss.

"Mauna na po kami." sabi ni Jung.

Nauna na ngang lumabas yung dalawa. Napatingin naman ako kay Eunha na hahawa ang likod nya.

"Tara na." i whispered.

Tumango nalang sya. Nagpaalam na nga ako. Naglalakad na kami papunta sa kotse ng mapansin ko na nasaktan nga si Eunha sa paglibag sa kanya kanina.

"Masakit ba talaga?" tanong ko.

" Di okay lang ako. Tara na?" then she smiled. A fake smile. Alam ko namang may masakit sa kanya.

-

Nakarating na nga kami sa may tapat ng apartment ko.

Lumabas na nga kaming dalawa ni Eunha.

"Men check your account nalang tomorrow." si Jin

"Okay." sagot ko.

At pinaandar na nga nila ang kotse.

Tinignan ko ulit si Eunha na dinadaing pa din yung sa likod nya.

"Lagyan mo nalang ointment mamaya." sabi ko.

Kasi naman nagpakauna una kanina yan tuloy napala.

"Okay."

Pero ang galing nya kanina ha? Akalain mo kababaeng tao neto ang galing manapak at manipa.

Lumapit ako sa kanya. At di ko alam kung anong nagtulak sakin na gawin to.

I just saw myself kissing her.


-

Eunha POV

Waaah ang sakit talaga ng likod ko. Ang lakas naman kasi nang pagtapon sakin ng lalaking yun e.

Nasa may tapat na kami ng apartment ni kyungsoo. Inutusan pa nga ako na lagyan ko nalang daw ng ointment.

Ang sakit talaga. Bwisit kasi yung kahoy na yun paharang harang.

Nakayuko kasi ako. Nagulat ako ng may isang pares ng paa na nasa may tapat ko.

Napaangat naman ako ng tingin.

Si kyungsoo na sa harap ko.

O_o



Did he kiss me?

Kiss

Kiss

Kiss

Kiss

Mamaya humiwalay din sya. Nararamdaman ko na namumula na ang mukha ko parehas din ng sakanya.

"Ah eh? Reward ko yun." nabubulol pa nyang sabi.

Reward?

Reward?

Reward?

Reward? So may nagawa akong ta------

"Aaaah! Yung ulo ko arayy!" napahawak naman ako sa ulo ko. Kumikirot nanaman sya.

"Eunha are you okay? Eunha?" kyungsoo.

Di ko na sya masyadong naririnig.

Madilim sa loob ng bodega.

Tahimik.

Malakas ang ulan.

Mamaya napansin ko may papalapit sa pwesto ko

Wait. Bat nakatali ako? Bat ano to?

"Eunha are you okay? Eunha damn! --"

Then everything went black.

"MY GIRLFRIEND IS A GHOST?!"Where stories live. Discover now