Chapter 6

0 0 0
                                    

Kaibigan. Isa sa mga taong importante sayo. Isa sa mga nasasandalan mo sa oras na kailangan at sa kasiyahan. Nakakasama sa eskwela, Nakakasama sa trabaho, Nakakasama sa kalokohan. Lahat halos ng buong buhay mo kasama mo sila. Yung mga kaibigang hindi ka iniwan kahit napaka taray mo, Kahit bully ka. Pero hindi kunsintidor. Masaya magkaroon ng kaibigang pangmatagalan, Hindi man ganun kadami ngunit masaya naman. Sila ang matatawag na kapatid mo sa ibang magulang, Hindi man magkadugo pero parehas namang siraulo. Haha.

Ngunit sa pagkakaibigan hindi mawawala ang away. Ang tampuhan. Ang inisan. Maari bang masira ito?. Walang nakakaalam.
.................................


Nagplano akong magbeach kasama sila Mia at Xiara. Gusto ko silang makabonding. Sembreak na at napakasaya panigurado ng sembreak na ito.
Natext ko na sila na pumunta na dito para sabay kami. Babiyahe kami by land para naman mas feel namin. Si Kuya Ed ang maghahatid samin.

"Iha nandyan na ang mga kaibigan mo" Sabi ni manang sa labas ng kwarto. Kinuha ko na ang bag at bumaba na.

"Good morning! Besties!" Maligayang bati ko sa kanila.

"Good morning!" Sabay nilang sabi at hagikgik. Girly talaga. Haha.

"So Tara na?" Malaking ngisi na sabi ko.

"Tara!" sabay nilang tugon.

Habang nasa biyahe kami pinaguusapan namin ang mga gagawin namin pagdating doon.
Boy hunting. Ayan agad ang nirequest ni Xiara. Kakaiba talaga ang babaeng ito.

"So agree ba kayo?" Pantutukoy niya sa boy hunting na yun. May boyfriend kaya ako.

"Baka magalit si James." Agarang sabi ko.

"Wala naman siya doon. Kung ayaw mo talaga, Kami na lang ni Mia. Ano game Mia?" Nakangising tanong ni Xiara kay inosenteng Mia.

"Hoy! Babantayan ko kayo! Mamaya kung mapaano kayo." Pagbabanta ko.

"Sige Xiara." Sagot ni Mia sa kalokohang naisip ni Xiara.

"O sige xyrah! Basta magbibikini tayo!" Nanlaki agad ang mata ko.

dO.Ob -ako
dO.Ob -mia
d^.^b -xiara


"SERIOUSLY?!" sabay naming sigaw ni Mia.

"Oo naman!" Masayang sagot nito.

"Hoy Xiara! Katorse lang tayo!" Sigaw ko ng matauhan naman siya.

"So? May nakalagay ba na bawal magbikini ang 14 year old?" Nakangiwing tugon nito.

"NO WAY DI NAMIN GAGAWING MAGSUOT NON!" sabay naming sigaw ni Mia.

"Ang KJ niyo!" Nakahalukipkip na sambit nito.

Nakatulog ako sa biyahe at mukang ganoon din sila, Paggising ko maghahapon na at nandito na kami.

"Iha nandito na tayo." Sabi ni kuya ed.

"Hey! Gising na nandito na tayo!" At ayun pagkasabi ko lang na nandito na. Nagmadali ang dalawa na lumabas. Hindi sila excited grabe.

'WELCOME TO MILAN ENCHANTED BEACH RESORT!'

Ayan ang nakalagay sa bukana ng resort. Ang ganda dito. Entrance pa lang may ibubuga na pano pa kaya ang loob?.

At Hindi nga ako nagkamali Napakaganda dito! Dito na lang ako titira! Haha. jk.

Pinuntahan na ang room na pinarequest ko kay Dad. Isang linggo kami dito! Ang saya talaga!.

"Nakakapagod talaga ang biyahe" Sabi ni Mia.

"Oo nga eh. Mia make upan kita?" Ito nanaman si Xiara.

d-.-b


"Ayoko!" Mabilisang pagtanggi ni Mia.

"Oh come on! Wag kayong KJ!" Inis na sabi ni Xiara.

"Xiara nandito tayo para magenjoy! Hindi para magpacute o maghunting whatever na yan!" Inis ding sabi ko.

"Chill guys! Mabuti pa magsight seeing muna tayo? okay?" Pagitna agad ni Mia.

"Okay!" Sabay naming tugon ni Xiara.

Nandito kami ngayon sa mukang garden ng resort na ito. Maaliwalas at nakakagaan ng loob, Gusto ko talaga ang nature nakakaalis ng stress.
Habang nandoon kami ay kumukuha din kami ng litrato. Souvenir. Maraming paro paro dito, Nakakahangang lugar at napakasayang tingnan.

"Ang ganda no!?" Biglaang sulpot ni Xiara

"Ahh! Oo nga eh. Nakakagaan ng loob." Nakangiting sabi ko at di pinahalatang gulat.

Masarap sa pakiramdam na kasama ko ang mga kaibigan ko dito. Sila ang mga kaibigang nagparamdam sakin na hindi lahat ng tao ay mapag-panggap. Nung una akala ko si Xiara lang ang kaibigang ituturing kong kapatid pero Hindi lang pala siya. Si Mia. Ang kaibigang kayang balansehin lahat ng bagay. Pag nagkakapikunan kami ni Xiara, Siya ang papagitna. Dati kasi pag nagaaway kami ni Xiara. Mahigit isang linggong walang pansinan.

Masaya ako that I have them. I love them.

Pagkatapos namin sa pagsight seeing, We decided na magswimming na. Hindi kami nagbikini, Isang floral short at isang puting racerback ang sinuot ko. Ganun din sila Mia at Xiara. Ayaw namin magbikini, Malaswa para sakin. Saka na lang pag nag 18 na ako.

"Ang ganda ng dagat! Halika na swimming na!" Excited na sigaw ni Xiara at nagtakbo agad sa dagat. Ganoon din si Mia, At sumunod na ako.

Kulay asul ang dagat at puting buhangin. Sa may dulo may makikitang bundok? I guess?
Pupunta kami sa kabilang isla bukas.Napakagagandang tanawin ang nandito.

Nagbabad kami ni Xiara samantalang, Si Mia ay nagbabad sa arawan. Sa susunod na pupunta kami dito, Isasama ko na sila James at Mommy, Daddy.

I'll note this day. One of my special day and special moments. I'm happy that I know we'll enjoy this kind of place. I am really happy.

Sana ganito na lang kami lagi kasaya. Thank God that I have them, Thanks because were here.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon