Chapter 8

7 0 0
                                    


Pasukan na naman hays. Nakakatamad talaga pumasok pag galing bakasyon. Buti na lang nagawa ko na yung mga home works ko. Masipag ata mag aral to!

d^.^b

Nandito ako ngayon sa hapag kainan. Kaharap sila Mommy, Daddy at Kuya. Si Daddy hawak ang diyaryo habang si Mommy nakabusangot at si Kuya na parang ewan na tumatawa tapos biglang iiling.

'Nyare sa mundo? nawala lang ako ng isang linggo. Mukha ng Ewan ang pamilya ko.'

d-,-b

"My? Dy? Kuya? Anung nangyare at tahimik kayo?" Takang tanong ko. Hindi kasi talaga sila tahimik minsan nga nalelate pa ko sa school kasi nagaasaran pa kami. Happy family ^^.

"Hay nako baby girl yang Daddy at Kuya mo pinagtutulungan ako!" Nagmamaktol na sabi ni Mommy. Para talagang bata si Mom. Haha.

"Bakit My? Anung ginawa nila?" Sabi ko.

"Pano kahapon at nung isang araw umaalis silang dalawa at hindi ako sinasama!" Nagmamaktol pa din si Mom. Ahaha ang cute!

"Hayaan mo My tayo din aalis!" Inirapan ko si kuya.

"hala?! Wala naman kaming pinupuntahan ah? Hhahahahaha!" Natatawang sabi ni kuya. Wala daw pero tawang tawa.

"Oo nga wala kaming pinupuntahan!" Second demotion naman ni Dad. Aba wala daw eh natatawa sila.

"San kasi kayo galing!" Lalong bumusangot si Mom. Natatawa na lang din ako.

"Eto na sasabihin ko na Mom. Hahahaha. Ikaw na pala Dad. Natatawa pa din ako." Hala sila nababaliw na si kuya at may pinagmanahan.

"Kasi hahahaha Eto na sasabihin ko na. Doon kami galing sa hahahahaha. Doon sa ano-- Anu ba yun? ahh! Doon kung San nadulas ang mommy mo nung naasar siya sakin date. Way back in Teenager life. Hhahahah. Namamasyal lang kami mag-ama."Nagpipigil pa din ng tawa si Dad.

"Ang sama niyo talaga mag tatay!" Sigaw ni Mommy sabay walkout.

"Ayan Dad at Kuya lagot kayo!" Hay nako. Loko talaga sila kuya magama nga sila.

"O? Nagwalk out tapos babalik?" Nagulat kami kasi bumalik si Mom.

"Kukunin ko lang itong juice! amp!" Walkout ulit si mom. Haha. Sumunod na sa kaniya si Dad.

Pagkatapos ko kumain at makipagtalo kay kuya dumiretso na kong school, Baka mabaliw ako pag sa bahay pa ko nagstay.
Naglalakad ako papuntang room ng biglang...

'BLAG'

"Aray naman!" letse naman oh! sakit ng pwet ko dun ah! Hinarap ko yung taong bumangga sakin at..

"IKAW NA NAMAN?!" oo nakasigaw yan ako yan haha. Si totoy kasi siya ulet!

"Oh? What a coincidence? Destiny talaga ata tayo." Malanding sabi niya sabay kindat.

'Totoy'

d-.-b

"Nanadiya ka na ata! Lagi na lang kita nakikita!"

"Wait Emo girl nasa iisang school tayo, Anong magagawa ko? Alangan namang magtago ako sayo?"

"Oo magtago ka! Kakairita!" Gandang walk out na sana ko kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napabalik ako sa harap niya.

"Wala kang magagawa kung ang tadhana mismo ang naglalapit sating dalawa." Then he walk away. Ganon? siya pala magwawalk out? tss.
Wait?! Tadhana? Naglalapit?! Saming DALAWA?! WHAT THE?!!!! NO WAY!.
Kay jeje lang ako. amp.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon