Chapter 14: Bandages

20 3 0
                                    


I woke up to a blinding pain in my temples, para bang hinahampas ako ng sledgehammer ng pauli-ulit. I rubbed my face in my hands out of frustration but when I did, naramdaman ko ang magaspang na materyal na nakabalot sa aking mga kamay.

I sat up and stared at my bandaged hands in bewilderment. Sa pag kakatanda ko ay tinanggal ko ang mga benda dahil nabasa ang mga iyon. Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi hanggang sa tumindi ang sakit sa aking ulo. I collapsed back in my bed and closed my eyes hanggang sa marinig ko ang pag bukas ng pintuan. Its my mom, carrying my breakfast in a tray.

"Did you patch me up?" Itinaas ko ang aking mga kamay para ipakita sa kanya

"Hindi,"

"They're already bandaged when you got home last night." She answered as she placed my breakfast on top of the drawer beside my bed.

"Ano ba talagang nangyari sa mga kamay mo?" she sat on my bed and held my hands to inspect it. She had this look in her eyes...protective and maternal at dahil hindi ako sanay sa ganoon ay mabilis kong binawi ang mga kamay ko.

"Just a stupid accident." Sagot ko bago umalis sa aking higaan at dumiretso sa banyo ng hindi sya tinitingnan.

Tinaggal ko muli ang mga benda para makaligo ako. The cold bath refreshed me but it did nothing to soothe my gnawing confusion about last night's events.

Bumalik ako sa kwarto at wala na doon ang aking ina. Nag bihis ako at kinain ang agahan na dala nya. Scrambled eggs, bacon at orange juice, mayroon ring gamot para sa sakit ng ulo. I finished everything at tinapos narin ang pag-aayos sa sarili. I dried my hair and applied a swipe of gloss to my lips at habang ginagawa ko iyon ay bahagya akong napatitig sa aking labi sa salamin. May pakiramdam sa aking dibdib na para bang may nakalimutan akong mahalagang detalye but I dismissed the thought para tunguhin ang aking shoe rack.

"Asan na ba 'yon?" I can't find my black stilletoes anywhere. Ang alam ko ay suot ko lamang iyon kagabi pero wala ito rito ngayon kaya nude mary jane flats nalang ang aking isinuot.

Bumaba na ako para dumiretso sa aking sasakyan ng mabangga ako ni Shana, ang isa sa mga katulong at ng makita ako nito ay agad itong ngumiti.

"Pasensya na po mam!" She said as she straightened

"Ayos lang." Sagot ko at akmang lalampasan na sya ng bigla itong mag tanong

"Boyfriend nyo ba iyon mam?"

"Ha?"

"Iyong kagabi po na nag hatid sa inyo." Her question fueled my interest

"Hindi ba si Dom at Eros ang nag hatid sakin?"

"Naku mam, hindi po!" My stomach dropped

"Si Jackson ba?" Umiling- iling ito kaya napabuntong hininga ako

"Mas gwapo po iyon sa ex nyo!" Tili ni Shana

"Ako lang po ang nakakita dahil ako ang nag bukas ng pintuan, nag mamadali nga pong umalis yong lalaki eh, kaya hindi naabutan ni Mam Thalia."

"Hindi ko boyfriend 'yon." Her happy danced immediately stopped

"Ganon? Sayang naman po!" Napailing na lamang ako bago ko  sya iwan roon at sumakay sa aking sasakyan para pumasok.

NevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon