MSD 17

423 26 0
                                    


One Week na ang nakalipas simula nung Kiss na yun. Pagkatapos ng araw na iyon. Hindi ko na siya nakita pa. Kahit sa School. Gustuhin ko mang itext o tawagan pero di ko kaya.

Iniiwasan ko ding magtanong sa mga kaibigan ko. Pati kila Miggy at Josh. Dahil Panigurado. Aasarin na naman nila ako.

Nakakamiss din pala.

Kausap ngayon nila Luisa at Klara ang mga Boyfriend nila. Ewan ko pero parang pangit ang araw na ito para sa akin.

"Lalim naman ng iniisip mo" napatingin ako sa taong Biglang lumapit sa kinauupuan ko.

"Wala naman akong iniisip. Bukod sa Debut ko" I lied. Pero ang totoo. Iniisip ko si Damon. Pero bakit?

"Malapit na pala, Kung Hindi lang sana Tayo nag break Siguro ako ang Es--"

"Joel Stop. Past is Past and Never Been Back" pagputol ko sa sasabihin niya. Tapos na kasi yun. Wala na sa akin yun.

He Chuckled. Na ipinagtaka ko. "You love Damon right?" Tanong niya. Hangal ba siya?

"Ano? Hindi ko mahal si Damon. Wala pa sa isip ko ang mga ganyan. Ayokong madaliin ang lahat kusang darating ang True love hindi minamadali" sabi ko at ngumiti. Masasabi kong, Wala nang anuman ang nararamdaman ko sakanya. Wala na ang dating pagmamahal ko sakanya. Tanging hanggang Friends na lang kami.

"Hindi mo mahal? Pero bakit Almost One week ka ng Wala sa Sarili?" Napansin niya yun? Ganon na ha kahalata na wala ako sa sarili?

"Lah. Hindi naman dahil kay Damon yun eh" Bakit ba lagi na lang si Damon ang isinisingit nila.

"Minsan kaylangan mo ding Ilabas ang True Feelings mo, malay mo Ang tao palang para sayo Nandyan na pero di mo lang napapansin kasi ayaw mo sakanya pero sabi ng puso at isip ko Siya na pero pinipilit mo lang na hindi" Talaga bang si Joel ang kausap ko? Siya pa talaga nag advice sakin ng ganyan hah?

Tanging ngiti na lang ang naisagot ko sa sinabi niya. Wala akong masabi grabi.

Buti na lang at tinawag na ako nila Klara at Luisa pero di na nila Kasama mga Boyfriend nila.

Nag paalam na lang ako kay Joel.

Nasa iisamg kotse lang kami nila Klara at Luisa. Sila na daw maghahatid sa akin. Ewan pero ang tahimik ng dalawang ito ngayon. Hindi ako sanay.

"Anyare sa inyo? Ang tahimik ah" pagtataray ko. Siguro Nag away-away na naman silang mga Cupal. Ganyan naman eh. Kapag may Lovelife ka tapos nag-away o nagkatampuhan, Lahat idadamay.

Nagkatinginan naman ang dalawa. Pero parang may mali.

"Ano bang problema niyong dalawa? Kinakabahan ako ah" medyo tumawa ako para mawala ang kaba ko. Ano ba ito.

"Yass. Si Damon Kasi ehh" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ako kinakahaban ng ganito?

May masama bang nangyari kay Damon? Teka. Wala na akong pake dun.

"Kung ano man ang tungkol kay Damon wala akong pakeelam" bakot may kirot sa puso ko nang sabehin ko yun? Nasasaktan ba ako ngayon?

Nagpatuloy na lang si Klara mag Drive habang si Luisa nasa Front Seat ako lang ang nasa Backseat.

"Once in a while, Kaylangan mo ding Maging totoo sa sarili mo. Kung iba ang nararamdaman mo at iba ang sinasabi mo, Hindi nagkakasundo ang puso, isip at bibig mo.-"Habang sinasabi ni Luisa yun. Naiisip ko ang mga pinagsasabi ko. Naiisip ko sa Damon. Bakit ganito?

"-Minsan Kaylangan mo ding pakinggan ang sinisigaw ng puso mo-"

"Luisa Stop. Hindi ko alam ang pinupunto mo pero ayaw kong madaliin ang lahat. I'm just waiting the right person for me" pagputol ko sa sinasabi niya. Hindi ko sila maintindihan.

"- Waiting the right person? Yassi Wake up. You're not a child anymore. Hintay ka ng hintay sa right person na yan pero di mo alam nandyan na. Buksan mo kasi ang mga mata mo. Sa kagustuhan mong maghintay sa right person mo. Mawawala na ito sayo. Bakit ba hindi mo makita na nandyan si Damon para sayo. Nakita namin, Masaya ka, masaya ka kay Damon. Mahal ka ni Damon. Mahal na mahal" May part sakin na nasasaktan at natutuwa sa sinabi ni Luisa. Mahal ako ni Damon?

Pero bakit?


"Klara Can i give it to her?" Tanong ni Luisa kay Klara na may hawak na isang notebook. Pero Para siyang Scrapbook.

"Sure" naka ngiting sabi ni Klara. Seryoso lang siyang nagdra-drive.

Inabot sa akin ni Luisa ang Scrapbook na iyon. Nag-aalangan pa ako kung kukunin ko o hindi.

Pero sa huli kinuha ko nadin.

Kinakabahan ako. Unang buklat ko pa lang picture ko kaagad ang nakita ko.

Naiiyak ako habang nakikita ang mga pictures. Yung iba Stolen, yung iba Convo namin ni Damon, Ini Screenshot pala niya mga convo namin. Mahal ba talaga ako ni Damon?

Naiiyak ako. Pakingshit.

"Binigay ni Damon yang Scrapbook sa amin. Ang sabi ibigay namin yan sayo sa Debut mo pero hindi ko kaya, para malaman mo ngayon na mahal ka ni Damon" Sabi ni Luisa. Napaluha na ako ngayon. Damon.

Nasan ka na ba? Gusto kong malinawagan...

Nang nasa huling page na ako may nakita akong sulat.



My Single Days (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon