MSD4

562 31 3
                                    


"Ang Cute nating tingnan nohh?" Klara


Suot na nila ang Mga Cupal Shirt. At ayun nga silang apat naka Cupal shirt.

Tapos na ang Surprise nila sa Mga Boyfriends nila. Maganda naman ang kinalabasan. Kahit na sila masaya while ako? Nasa isang sulok nun.

Wala akong ibang ginawa kundi ang Kumain, Facebook, Wattpad. Yun lang naman ang kinakaabalahan ko.




"Yass. Ano ba? Bakit di mo sinuot ang Tshirt na Binili namin sayo" At ayun nga napansin na ni Luisa na di ko sinuot ang Shirt na binili sa akin. Para ano? Ipagmukha ko sa lahat na Single ako?



Pero Good Idea narin. Hahaha Mahal ko sarili ko.





"OO Nga Yass Bagay kaya sayo yun" Napangusong sabi ni Klara.


"Pinagtritripan ka na naman ng Dalawa mong kaibigan Yassmine" Josh




"Lagi ka talagang Trip. Mag boyfriend ka na kasi" Miggy



"Mag boyfriend ulit? Para ano? Para Masaktan ulit? Para, Umiyak na naman ako dahil Iniwan ng WALANG SAPAT NA DAHILAN? Naku Wag na lang" Medyo nilakasan ko ang pagkakasabi ko dahil. Pinarinig ko talaga sa Ex ko dahil nakita ko siyang malapit dito.



Napatingin naman siya. Makonsensya siyang Hayop siya. Pagkatapos ng Lahat.

"Tara na" Aya ko sa dalawang Couple. Sumunod naman sila Sa akin.


Umupo na lang kami. At Ayon naglalambingan na naman sila.

Ang ganda ng Set-Up ngayon ng Upo namin.

Miggy|Luisa|Ako|Klara|Josh


Ohh diba? Pinang-gigitnaan talaga nila ako. Tsss. Yan lagi Trip nila.



"Bihis lang ako" Paalam ko, Dinala ko din ang Bag ko dahil dala ko ang Binili nilang Tshirt para sa akin.


Maganda ang shirt. Kaya masuot na lang.



Pagkatapos kong Magpalit Lumabas na ako sa Cubicle. At naglakad na ako pabalik sa room. Baka nandon na kasi ang Professor.



Ay. Goshhh san ko ba nailagay phone ko? Kinalkal ko ang loob ng bag ko habang naglalakad. Hanggang sa may nakabangga ako at nahulog ang ibang laman ng Bag ko.



"Shit. Sorry" Sabi ko at Pinulot ang mga Gamit ko na nahulog pero napansin ko ang lalaking Nakatayo parin sa harap ko na nakatingin ng seryoso. Ohh well. Ang gwapo niya pero. He's not my typically type.



Nilagpasan ko na lang siya. Baka Ano pang magawa ko sa lalaking yun. Grabi makatingin eh!



Pagkadating ko sa Room. Nandun sila na nakatingin sakin ng Nakakalokong ngiti.




"Kyahhh. Bagay talaga sayo Yassmine" Oh. Nabaliw na naman ang kaibigan kong si Klara.


"Tama nga tayo ng pili Klara" at ayun. Nag apiran ang dalawang abnormal kong kaibigan. Tss


Umupo na lang ako sa gitna ng dalawang Couple. Ma enjoy na nga lang ang pagiging Single ko.


"Josh. Andito na si Damon" rinig naming lahat na biglang sabi ni Miggy habang hawak niya ang phone niya. Sino ba kasi yang Damon na yan?



"Tara na,Puntahan na natin" Sabi ni Josh at tumayo na. Nagpaalam muna sila sa mga Baliw kong kaibigan. And they kiss In cheeks. Duhhhh. Magbre-break din kayo tss.




Walang Poreber!!!


Natapos ang buong Klase na walang nag exist na Josh, at Miggy kaya ang dalawa kong kaibigan.



Para ng sasabog na bulkan. Kaya di halos nakikinig sa Klase. Mga lutang ang isip at Text ng text ang dalawa kong katabi.



Buti pa kapag single. Walang prinoproblema. No Boyfriend, No Load, No Heartbreaks. Hahaha That's my life now.


Ano bang silbi ng phone ko?



Alarm,Music,Wattpad,Facebook At yan Lang ang gamit sa phone ko.



"Nakakainis Na si Miggy Hindi man lang Nagtetext at hindi sinasagot ang tawag ko" Gigil na gigil na sabi ni Klara.






Palabas na kami ngayon sa room. Matatawa na lang ako sa Face ng dalawang ito dahil konti na lang magwawala na sa Inis.



Maya-maya pa nang makarating kami sa Parking Lot Biglang tumakbo si Josh at Miggy na Lumapit sa dalawang abnormal kong kaibigan.



Ayun suyuan time. Pero napansin ko lang may isang lalaking naiwan sa lugar na pinanggalingan ni Miggy at Josh. Yun na siguro yung Damon? Pero teka Siya yung lalaking nakabungguan ko kanina. Wow. Coincidence.



Napaka seryosong tao. Tsss boring siguro kasama nun.


"Ewan ko sayo Miggy" rinig kong sabi ni Luisa.


Okay. OP na naman ako. Tsss




"Mga palusot mo Josh. Tigilan mo ako" inis na sabi ni Klara kay Josh.



Suyuan time. Hahahahaha. Pero ang dalawa kong hangal na kaibigan Di man lang pag explainin si Miggy at Josh. Tss. Palambing effect pa ehh. Pag nainis yang si Miggy at Josh. Bahala sila dyan.


Maghihintay na naman ako hanggang magkasundo ang mga ito. Nag Cellphone na lang ako at nag Earphone umupo ako sa may malapit na Upuan dito sa Parking. Mga ilang minuto pa napansin kong wala na sila.


Where the hell are they?



Putspa. Iniwan ako. langya naman ohh!


Iniwan na nga ako ng Ex ko ng walang sapat na dahilan. Pati ba naman sila?


"Umalis na sila" napatingin ako sa lalaking nagsalita. Bakit pa siya nandito? Tapos ang seryoso padin niya. Pero He's a Goddamn Hot!



Padabog akong tumayo pero naalala ko. Wala nga pala akong dalang Kotse sumabay lang ako sa dalawang abnormal kong kaibigan.



"Ugghhh" inis na sabi ko at napapadyak na lang. Napatingin ako sa lalaking dumaan sa gilid ko at seryoso lang naglalakad na nakapamulsa papunta sa Kotse niya. Fvck




"Hop in" seryosong sabi nito.



"No. Thanks" Mataray na sabi ko. Goshhh. Naiinis ako sa taong ito. Bakit ba niya ako tinutulungan?




Pero Grrrr. Halos wala ng katao-tao. Tapos mag gagabi na. Takot pa naman ako mag Commute mag-isa.



"Okay" akmang papasok na siya sa kotse niya.



"Wait" sigaw ko na ikinatigil niya.


Lumapit ako. Ugh makikisabay na nga lang ako. buti nandito siya para may makasabay ako.




Ito ang hirap sa pagiging Single ehh. Walang nakakaalala sa akin at walang boyfriend na Nag Poprotect sakin. Pero masayang maging Single. Gulo ko ba? Lampake!



My Single Days (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon