MSD 18

358 23 1
                                    


Yassi,

Unang kita ko pa lang sayo through to facebook, Yung nakita ko ang picture niyong magkakasama ng mga kaibigan ko, I don't know but I think na love at first sight ako. Fvck Kaya ang ginawa ko Umuwi ako ng Phillipines. Ikaw kaagad ang nasa isip ko. At sa di inaasahan sa first day ko ikaw pa pala ang makakabanggaan ko. I'm nervous that time. I don't know what to say. Sa tuwing nakakasama kita. Gusto kong iparamdam sayo na Mahal kita. Mahal na mahal. It is very important for me to express to you how much you really mean to me. Hindi ko alam kung paano makuha ang atensyon mo kaya ang ginawa ko ang asarin ka. Pero nung una naging Stalker mo ako. Lagi kitang sinusundan. Sa Mall, Sa Church. Nung nakita kitang umiyak nun sa parking lot ng Mall. Dobleng sakit ang naramdaman ko kasi umiiyak ang Taong mahal ko dahil sa isang lalaki.  Yassi, I Love you. Please say you feel it too. I love you and I love every little thing about you, Your sweet smile,the sound of youre voice, and the glow in your eyes.  I love dreaming about you. I love each and every once-in-a-lifetime moment, I share with you. Today, Tomorrow and Forever. I love you again. I miss you. Goodbye

-Damon.

Hindi ko alam ang nangyayari sa akin
Habang binabasa ko ang sulat ni Damon sa akin tuloy-tuloy ang agos ng mga luha ko. Basta ang alam ko din Nasasaktan na natutuwa ako sa sulat na ito.

Kaylangan ko siyang makausap.

"Stop the Car" biglang sigaw ko. Napangisi naman ang dalawa sa harap.

"Where's Damon?" Tanong ko sa dalawa. Tumingin naman si Luisa sa Watch niya. Andon ba si Damon? Hangal lang?

"May oras pa ba?" Tanong ni Klara. Kay Luisa. Nagtatanong ako. Ano ba.

"Hmm. Konting minuto na lang" sagot ni Luisa. Naiirita na ako sa dalawang ito hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila.

Magsasalita pa sana ako ng biglang iniba ni Klara ang Direksyon namin. At pinaharurot niya nang mabilis ang kotse. Putspa. Kinakabahan ako. Sa langit ata ang punta namin.

"Klara. Youre too fast. Slow down. My god. Hindi pa ako handang mamatay. Where are we going? At gusto ko pang kausapin si Damon. Ano ba!" I yelled. Napaka Gulo ng dalawang ito. Pero imbis na pansinin ni Klara ang sinasabi ko. Parang wala lang siyang naririnig.

"Kung gusto mong makausap si Damon. Hayaan mo kami. Kung gusto mo pa siyang makausap kumapit ka lang dyan Yassi. Hahabulin natin siya. Sana di pa siya nakakaalis" nagtaka naman ako sa sinabi ni Luisa. Pero kinakabahan ako. Bakit ganito?

"Anong? Anong Hahabulin, Bakit? Nasan ba siya?" Nagpapanic na tanong ko. Hindi sana tama ang nasa isip ko. Hindi siya Aalis. Hindi pwede.

"Aalis na siya ng Bansa at sa mga oras na ito. Nasa Airport na sila nila Miggy,Josh at si Damon" Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Hindi pwede.

Hindi pwedeng umalis ng bansa si Damon. May gusto pa akong malaman at sabihin sakanya.

Pagkadating namin sa Airport hindi ko na nahintay sila Klara at Luisa. Tumakbo agad ako papasok.

Damon please. Don't leave me!

Habang palinga-linga ako dito sa Airport. Nakita ko ang pamilyar na likod.. agad ko itong nilapitan.




"Josh" I yelled at lumingon naman siya. Kahit konti nabuhayan ako ng loob maaaring nandito pa siya.


"Yassmine" pagtawag niya sa pangalan ko. Agad akong lumapit sakanya.

"Si Damon? Andito pa ba siya?" Hingal na hingal na tanong ko. Please. Sabehin mong Oo.

"You're too late Yassmine, Kanina pa nakaalis si Damon. Hinintay ka pa niya na dumating pero wala talaga. Bakit kasi ngayon ka lang?" Pabalik na tanong ni Josh.

Hindi ko masagot ang tanong niya. Naninikip ang dibdib ko. Iyak lang ako ng iyak. Nakaratig narin sila Luisa at Klara kasama si Miggy.

Nakaalis na nga talaga siya. Iniwan nadin niya ako!

"Try mong tawagan diba? Suggestion lang naman" kahit konti nabuhayan ako sa suggestion ni Miggy.

Wala akong inaksayang oras kinuha ko kaagad ang phone ko para tawagan siya.

Pero sa pangalawang pagkakataon. Cannot be reach na siya. Bakit Damon?

Tuloy-tuloy na umaagos na ang luha ko, Bakit niya ko iniwan? Pero ito namn ang gusto ko diba? Ang layuan niya ako. Dapat nga masaya pa ako.
Pero di ko kayang maging masaya.

"Saan daw ba siya bansang pupunta? Sa Spain ba?" Wala sa sariling tanong ko. Hahanapin ko siya.

"I think hindi.  Hindi niya sinabi kung saang bansa siya pupunta" sumikip na ng husto ang dibdib ko sa sagot ni Josh. Wala na bang pag-asang magkita ulit kami?

Naramdaman kong nahihilo na ako hanggang sa nawalan na ako ng malay.




My Single Days (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon