Tanging Mahal (Chapter 24 : V E R S U S)

6.8K 132 10
                                    

Tumalikod si Jerry upang buksan na ang pinto pero bago pa iyon ay nag-iwan siya ng huling pahayag upang kumbinsihin si Ren na magbago ng isipan.

‘Break away from him Ren, while you still can.’

‘The only person that I need to break away from is you, Jerry. Goodbye.’

 

------------------------------------------------------

 

 

Chapter 24 :  V E R S U S

Ang daya mo naman...ikaw lang nag-enjoy sa laro natin kanina.’, reklamo ni Ren.

‘Di ba may PS3 kayo sa inyo, try mo kaya mag-practice dun?’, pang-asar ni Mike.

‘Wooo! madaya ka lang talaga, wala kasing gamitan ng hyper combo.’, sabi pa ni Ren.

‘E kung ganun, sana di na lang ako naglaro...nakita mo ba yung mga nasa likod natin kanina - panay puri sa akin!?’, pagyayabang ni Mike.

‘Hmp! Tara na nga, baka andun na si Kuya Mart sa gate.’, aya ni Ren pabalik sa school.

‘Wala pa yun...’, kontra ni Mike sabay paandar sa makina ng motorsiklo.

Mahigpit naman ang pagyakap ni Ren sa beywang ni Mike.

Isang buwan ang lumipas matapos ang sorpresang pagbisita ng pamilya ni Mike at nang pagtatalo nina Ren at Jerry. Matapos ang paliwanagan at magkaayos ang mga magulang nila ay balik sa normal ang dalawang magkaibigan, samantalang iwas at pande-dedma lang ang ginawa ni Ren sa tuwing makikita o nasasalubong niya si Jerry sa school.

May pagkakataon na dadalaw si Jerry kina Ren subalit naging malamig ang pakikitungo niya sa dating bestfriend. Sa kabilang banda,  hindi na naging padalos-dalos si Mike; ayaw na niyang maulit ang insidente na muntik ng ikapahamak ni Ren. Hatid-sundo pa din ni Martin ang bunsong kapatid, kaya naman patakas ang lakad nina Ren at Mike tuwing hapon kapag bakanteng araw sa extracurrurriculars at training.

Ngunit tulad ng nagdaang lingo ay may lungkot pa din sa mata ng binata at pansin iyon ni Ren. Batid nito ang dahilan ng kalungkutan dahil isang araw matapos ang pagbisita na iyon ay umalis na ang ama ni Mike patungong Cebu para sa bagong job assignment; ilang araw lang din matapos ay lumipad papuntang Singapore ang kuya Art nito kasama ang nobya na si Elisabeth, ang kaniyang Math teacher. Nito lang na malaman ni Ren na ang kanyang guro sa Math na si Ms. Sy ay fiancee ng kuya ni Mike; subalit nilihim nila iyon sa pamunuan ng school upang hindi na maghinala ang iba at lumikha pa ng chismis.

Sa ngayon ay nakatira na si Mike sa kanyang ina na si Daisy, ayon na din sa bilin ng amang si Miguel. Hindi man madalas na magkita ay sinisiguro ni Ren na nalilibang ang kaibigan. Naisip niya na mabuti na lang at puspusan na ang training ng varsity kung kaya kahit paano ay distracted din si Mike sa kalungkutan niya.

Tanging Mahal [BxB/Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon