Tanging Mahal (Chapter 53 : Surprise Ng First Love)

5.3K 127 7
                                    

Author's Advance Note:
This part is dedicated to Eyeliner27, request nya eh.
Salamat po sa comments nyo sa previous chapters.
Nakakatuwa pong basahin reactions nyo, hehehe :-)
Enjoy reading Friends (muah tsup tsup sabay wink)

youknowyouloveme.xoxo,
-M


---------------------------------------------------

‘Just give me time...ok?’

‘Kung yan ang kailangan mo... I give it to you.’

‘Bye...’

‘Goodnight Da.’

---------------------------------------------------

 

CHAPTER 53 : Surprise Ng First Love



3rd Person POV


Linggo. 7:56AM.

Unang araw ng December.

Maagang nagising si Jerry at lumabas ng silid niya at nagtungo sa kusina. Maganda ang gising ng binata sapagkat kagabi lang ay nakausap niya ang kanyang mga magulang over the phone – long distance call from Spain. Ibinalita nilang bumuti kahit papaano ang lagay ng Lolo niya, maliban pa dun ay natanggap na niya ang confirmation letter sa pagpasa niya sa UPCAT last week.  Naikwento niya iyon kay Aila bago siya matulog kagabi nang tawagan niya ito.

Excited na din siyang ibalita lahat ng iyon sa bestfriend niyang si Ren kaya lang di pa ito bumabalik mula sa bahay nila magdadalawang lingo na ang lumipas. Umuwi kasi si Ren sa bahay ng parent niya Saturday last week na magpahatid ito kay Jerry dahil hindi daw maganda ang pakiramdam niya at mula noon di pa ito nabalik upang doon mag-stay sa bahay niya.

Pagkababa ni Jerry tungo sa kusina ay nasalubong niya si Manang Tess.

‘Ya, good morning po.’, masayang bati ni Jerry.

‘Good morning din anak, kumain ka na, nakahanda na ang mesa. Pupunta sana ako sa kwarto mo para gisingin ka pero andito ka na.’, paliwanag ng matanda.

‘Ah ganun po ba? Tara Ya, sabay na tayo.’, paglalambing ni Jerry sabay hawak sa magkabilang balikat ng matanda at sabay silang naupo sa mesa.

‘Yung batang yun? Di ba siya uuwi dito?’, pagtukoy ni Manang Tess kay Ren habang kumakain.

‘Ah si Ren po ba? Susunduin ko na lang po siya sa kanila mamaya, Ya.’, sagot ni Jerry.

Matapos ang agahan ay tinawagan ni Jerry si Aila upang kamustahin ito at kung ano ang plano nito sa buong araw. Sinabi ni Aila na may family affair ang mag-anak nila sa Tagaytay kaya nagbilin na lamang ang binata sa nobya na mag-ingat at mag-enjoy.

Matapos ang tawag ay nagpasya na lamang ito na maglaro ng PS3 on-line. Nasa sala si Jerry habang naglalaro ng makatanggap siya ng text message. Binasa naman niya iyon.


Uy bata, ano merun dito sa utol ko ah?
bakit Sunday-na-Sunday nagmumukmok?

-Kuya Mart


Napakunot saglit ang kilay ni Jerry saka siya nagpadala ng sagot.

Hahaha kuya di ko alam bka </3
djoke lng! Di ko po alam tlga...

-Jerry

Tanging Mahal [BxB/Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon