Author’s Advance Note:
Happy 2014 To All.
Have a Healthy and Productive 2014 Fellow Readers/Writers.
As the old saying goes: ‘Only Truth Can Set Us Free.’
And with it, comes never ending possibilities and opportunities.
Thank You to All Readers, for the votes and comments.
This one is dedicated specially to All Proud Members of LGBT.
May You All find True Love and Happiness in this world.----------------------------------------------------------
Hindi makapag-focus ng maayos ang isip ni Ren dahil sa higpit ng hawak pa din ni Mike sa kamay niya. Naisip niyang nasa loob lang ng bahay sina Jerry at kaibigan nito kaya natakot siyang may makakita sa kanila kaya tinangka niyang alisin muli ang pagkakahawak ni Mike ngunit natigil siya nang magsalita ito na talagang hindi niya inasahan.
‘I love you, Ren and I mean it.’
-------------------------------------------------------
Chapter 35 : Di Pa Ba Sapat?
Sabado. Umaaga pa lang ay umalis na si Ren sa bahay nila Jerry upang umuwi sa kanilang bahay tulad ng kanyang plano. Na-miss niya ang kanyang ina at kuya Mart. Habang kumakain ay masayang nag-usap ang mag-inang Irma at Ren tungkol sa naganap na limang araw sa school at sa pagtira nito sa bahay ng Ninang niya. Ibinahagi din ng binata sa ina ang kabaitan ni Manang Tess na siyang taga-asikaso sa kanila sa araw-araw mula sa pagkain hanggang sa pamamalantsa ng damit at uniporme. Hindi naman nila nakasalo ng umagang iyon si Martin dahil sa day-time na ang shift nito sa pinagtatrabahuan na kompanya. Matapos ang pag-uusap na iyon ay nagpahinga si Ren sa kanyang kwarto saka sinimulan ang pagtapos ng mga nabitin na school works dahil sa darating na week ay Exams na.
Bago magtanghalian ay nakatanggap siya ng tawag kina Ruby at Icko sa planong pagpunta sa birthday party ng kanilang classmate na si Melissa. Napag-usapan ng barkada na magkita ng 5PM sa isang mall upang bumili ng ireregalo sa birthday celebrant at para magsabay na pumunta sa bahay ng classmate nila. Gabi na nang simulan ang isang pagdiriwang sa tahanan ng mga Valderossa na puno ng bisita, kasiyahan at tugtugan – ika nga nila, party-party na! Namangha sila sa laki ng bahay na kanilang pinuntahan. Pagkakita pa lang sa classmate ay binati ng barkada ito sabay abot ng kani-kaniyang regalo para dito na malugod naman tinanggap at ipinagpasalamat ng nauna.
Magkakasama ang barkada ni Ren sa isang pabilog na mesa sa bandang dulo ng garden. Sa kabila ay ang isang grupo naman ng kababaihan na masayang nagkukwentuhan - mga classmates din nila. Sa di rin kalayuan ay ang pwesto nina Ken, Gab, Mac at Ole. Maliban sa kanila ay may iba pang panauhin ang birthday celebrant na si Melissa, ang classmate nilang nagwagi bilang Ms. UN para sa taon iyon. Sa ibang bahagi ng garden ay nakapwesto ang mga kaibigan nito, classmates noong Freshman at Sophomore years at Grade school. Dumalo din ang mga pinsan at iba pang kamag-anak. Sa madaling sabi, napakalaking pagdiriwang iyon na tila ba isang debut sa garbo ng preparasyon na idinaos sa malawak na garden katabi ng swimming pool.
‘Ang taray naman ng celebration ni Melissa!’, puri ni Ruby.
‘Uh, girl, bakit andito yang mga yan?’, pag-iba ni Rose sabay nguso sa direksyon ng tatlong players na kasama ni Ken.
‘Ewan, pero sabi ni Ken, inimbitahan daw sila, pinsan daw ni Melissa yung Gab parang ganun.’, sagot ni Ruby na tila lito rin sa sinabi.
Tahimik lamang sina Icko at Tim na kumakain. Tumayo naman si Ren at nagpaalam para mag-CR. Pagpasok sa loob ay namangha si Ren sa gara at eleganteng ayos ng bahay ng classmate na si Melissa. Nilapitan niya ang isa sa mga inakala niyang katulong at maayos naman itinuro kung nasaan ang banyo.