Tumango lamang ang mga kasamahan kaya nagbalik si Mike ng focus sa kanyang cellphone at binasa muli ang text na natanggap kanina lang. Mabilis niyang binasa ang mensahe.
I miss you too :-***
-Lorenzo
Pagkatapos ay agad niya itong binura.
Sa isipan ay isang bulong ang binitawan ng binata para sa sarili niya.
Onti pa Mike, mapapasaiyo muli siya at makakaganti ka na din.
-----------------------------------------------------
Chapter 28 : One Two Three – Ken Ren and Jerry
Si Jerry
Hinatid ko muna si Babe ko – syempre!
It’s no hussle for me coz her house is en’ route to my place. And now that Papa gave me his car, going to school won’t be a problem to me any longer, plus I can now go wherever and whenever I want to. Haha! Joyride na ito, wooooo! For sure mapapadalas kami sa joyride ng Babe ko nito every weekend.
Nakakalungkot nga lang kase 2 to 3 months mawawala sina Mama at Papa pero buti nalang at nakumbinsi nila Ninang Irma at Mama si bestfriend Ren na pumayag na dito muna tumira sa bahay. Andyan naman si Mang Tess na kasambahay namin, maliit pa lang ako ay sya na ang nag-alaga sa akin at kilala na din nya si Ren, pero syempre iba pa rin yung may kasama kang ka-edad mo.
At ayoko naman dun sa kanila Ren, hindi ko naman bahay yun tsaka di ako makakagalaw sa gusto ko – alam nyo na ibig-sabihin ko dun. Yeah! Noong una naisip ko sana si Babe na lang pero kelangan magkontrol ako baka di ko mapigil pag andyan na siya e, at syempre di naman papayag parents nya na tumira kasama ko dito sa house. Nai-imagine ko lang kapag kasal na kami at magkasama sa sarili naming bahay pati ng magiging anak naming. Pero sayang talaga yun...anyways, speaking of bestfriend Ren kasama ko siya ngayon pauwe na at pati itong si Kenneth.
Ewan ko bakit sumama yan, championship na next week ah, alam kaya ni Coach at Mike ‘to? Siguro naman. Hmmmm at teka bakit kanina pa tahimik at pasulyap-sulyap ‘tong si Ken, baka sa ginagawa nya ay masira ang diskarte nya?
Loko to ah! Oo merun agenda si Ken at alam ko yun, pero saka ko nalang iintindihin kase nagugutom na ako - kayo kaya ang mag-drive ng halos isang oras?! Tignan ko lang tss...
Dahil lunes ay tiis trapik – kelan pa ba uusad ang Pilipinas sa ganitong isyu? takte!!! Di ko na napansin oras basta andito na kame sa wakas sa tapat ng gate, feeling ko Manila-to-Baguio ang nilakbay namin sa pagod ko – Wew! Mabuti na lang dyan at binuksan na yung gate ni Manang Tess para mai-park ko na, di na ako bababa pa.
‘Uy Ken, ano? Dating gawi?!’, ako.
Lumingon ako sandale pagkasabi ko nun tapos nakita kong nakakunot yung noo ni bestfriend. Haha! Tumango naman si Ken tapos sabay kaming tatlo na lumabas ng kotse ko at pumasok sa loob ng bahay kasunod si Manang sa likod namin.
‘Manang pakitawag nalang po kami paghanda na po ang hapunan, sa kwarto lang po ako.’, mabilis na paalam ko at umakyat na ako sa kwarto.
Naligo ako, nagsuot ako ng boxers shorts at sando at nag-toothbrush. Pagsilip ko sa phone ko may text pala si Babe, of course tinawagan ko agad siya para ipaalam na nakauwe na ako, di na ako nag-text, tawag na agad kasi miss ko na agad boses ng mahal ko.