Tanging Mahal (Chapter 46 : Moments From The Future)

4.8K 115 9
                                    

Magta-type sana si Ren ng reply para matahimik na sa kaka-text si Gab na biglang may pumasok na bagong private message. Binasa niya ang laman na mensahe nito.

Buks, cantin sbay tau lunch
treat ko choco ice cream ;-)

-0947-88##-###

----------------------------------------------------

 

 

Chapter 46 : Moments From The Future

 

 

Akala ko mabibigo kami, ako sa plano kong ito.

I have been thinking a lot lately, at tulad ng mga nagdaan, kailangan kong magpatuloy. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito pero isa lang ang nais ko, ang bumawi, pero bakit? Ayaw ko na maguluhan, kaya hindi ko na dapat isipin pa iyan, kailangan ko lang mag-focus dahil para sa akin ito, para sa aming dalawa - para mabawi ko ang nakaraan sa amin.

Maibabalik ko din ang dati.

Ngayon sa kinatatayuan ko ay pinagmamasdan ko siya bagaman bahagyang malayo ako sa kinatatayuan niya. Noong dumating siya sa buhay ko, hindi ko talaga iyon inaasahan. Subalit napagtanto ko na may dahilan pala ang lahat – siya lang ang solusyon sa lahat kahit alam kong hindi niya ako mapapatawad, hindi na iyon ang mahalaga.

Inaamin ko.

Naiiba siya.

Kakaiba siya sa lahat.

Naninibago ako sa kanya.

Napakatamik niya ngayon.

Ang payapa niyang pagmasdan. Nakamasid lang siya.

Ano kaya ang iniisip niya?

Bakit ganun siya makatingin?

Masaya kaya siya?  

Alam ko mahal niya ako, nararamdaman ko yun kahit itanggi ko – alam ko sa sarili ko na mahal niya talaga ako.

Sa mga sandaling ito sa aking kinatatayuan ay pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha habang siya ay nakatunghay sa malumanay na paggalaw ng mga nilalang sa tubig. Marahan pa niyang tinatapik ang salamin na akala mo’y mahahawakan niya ang mga iyon. Nakakaaliw siyang pagmasdan.

Tumingin siya sa akin – sa wari ko’y hindi ko alam kung malungkot ba siya o may dinadamdam ngunit hindi siya nakangiti.

Lumapit ako sa kanya, dahil wala na akong ibang maisip sa mga sandaling iyon kaya sinabi ko sa sarili ko na itanong sa kanya ang mga nasa isipan ko kanina pa.

But a thought suddenly came to me kaya pinigil ko na lang ang sarili ko at nag-isip na mas simpleng tanong.

‘Ayos ka lang ba?’, ang sambit ko.

Lumingon siya sa akin at binalik ang titig sa pinapanood saka siya sumagot.

 ‘Oo...  first time ko kasi dito...’

Itutuloy...

Author’s Note:

I intended to hide the person behind this (syempre) for now.
(^__^)V
Pero I’m sure, ‘makukuha’ nyo rin kung sino siya after a few chapters.
This POV is kinda supershort though, guys (but, Patience is a virtue).
Maraming Salamat Po muli sa mga tumatangkilik ng kwentong ito.

youknowyouloveme,xoxo
-M

 

P.S.
Dalawang ulit ko lang siya gagawan ng POV...


P.S.S.
This is dedicated to Saltwater, a favourite author of mine.
Love his work 'Minahal Ko'y Gangster', UD it soon please.

Tanging Mahal [BxB/Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon