January 10, 2014

1K 38 5
                                    

Dear Diary,

Medyo busy ang lola mo nitong mga nakaraang araws. Umpisa na naman sa trabaho, hays sakit sa eyebrows and everything diary! Kaya sorry na by parokya ni edgar kung wiz akong chikabels chikabels all the way sayo. Oo nga pala diary, wiz kaming pansinan ni Aya ditiz sa doll house! Kasi sobrang na hurt ang pantog ko 'nung nag dinner si fafa Art ditech isama pa 'yung girlfriend daw ni Aya na si Ingrid. Aba diary! Pinahiya ako sa harap ni fafa Art! Sinabi ba naman na maliit daw at payat ang don't touch my birdie ko!! Kaloka and imbyernang ever! DAHIL HINDI NAMAN TOTOO 'YON DIARY!!!! Kaloka talaga! Sa tuwing naaalala ko 'yon ang sarap sunugin ni Aya! Tapos itong Ingrid tinawanan ako hanggang sa matapos silang lumamon. Si fafa Art naman medyo nandiri yata sa sinabi ni Aya kaya nag walk-out fly kemelung peg niya! Sinabi niyang maaga pa raw ang trabaho niya kaya jumuwi na siya agad. Imbyernang-imbyerna talaga aketch kay Aya diary kaya wiz ko siyang pansin hanggang ngayon!

PS: May bago akong ka-officemate. Jusko diary! Mukhang mag kakasala ako kay fafa Art! Ang gwapo kasi and everything chenes ni Ian!

Imbyerna pero kinikilig naman,

Patricia

The Gayadventures Of Finding Mr. Left (FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon