January 2, 2014 *umaga*

1.6K 69 10
                                    

Dear Diary,

Jusko diary! Imbyerna ng umaga ang Aya na 'yon! Biruin mo ba naman sinilipan aketch sa C.R! Ohmyghad diary! Ang virginity ko nakita! Huhuhu.. Nasaan ang katarungan?! WALA NA AKIZ DANGAL DIARY!! CAPITAL LETTERS YAN!! Kaloka talaga diary! Ang sarap ingudngod sa inidoro ang Aya na 'yon! Ang sakit niya sa puson! Pero kasalanan ko naman kasi nakalimutan kong mag lock ng pinto sa C.R tapos siya pa itong galit kasi raw ang shonget ko na nga raw pangit pa ang bumungad sa umaga niya at isa pa diary tinawanan ba naman 'yung don't touch my birdie ko!!! Diba imbyerna?!

Pero diary, kung titignan si Aya babaeng-babae siya. Hindi pa yata ladlad ang loka!! Kaya akala kagabi ng landlord namin sistereret na kami agad, todo yapos sa braso ko and everything! Feeling close ang tomboy na 'yon kapag kaharap si chorvang landlord. Tapos ito pa ah! May chika pa aketch sayo, kaya raw sinabi niya sa akin na tomboy siya para raw hindi ko siya pag samantalahan!! Kaloka! Imbyernang sagad sa pantog! Anong akala niya sa akin tomboy na rin?! Aba no way high way! Kay fafa Art lang ako forevermore by Side A!!

PS: Ang sakit ng puson ko ngayon diary, pakiramdam ko magkakaroon na ako ng regla. Huhuhu... Help me! I need napkin with wings. Kems!

Imbyernang-imbyerna,

Patricia

The Gayadventures Of Finding Mr. Left (FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon