Dear Diary,
Pasensya na kung hindi na kita nasusulatan, masyado kasing naging busy at maraming problema... Oo nga pala, ikakasal na sa May si Ian. Ang bilis 'no? May fiancé na pala siya hindi niya lang sinasabi. Kaya pala sweet sa akin si Ian dahil naaalala niya raw ang kapatid niyang bakla rin na namatay... Life is so weird.
Nandito na ako sa Cavite, dito na ako tumira sa mga magulang ko tinanggap na nila ako kung ano ba talaga ako.. Pero alam mo diary, hindi ko maintindihan kung ano na ba talaga ang kasarian ko. Simula noong naging mag girlfriend at boyfriend na sila Aya at Paulo nagkaroon ako ng doubt sa sarili ko kung bakla pa ba talaga ako. Hindi ko na kilala ang sarili ko, nakakapanibago. Hindi ako ganito dati, masyadong magulo diary. Hindi na ako makapag-salita ng gay lingo, isa 'yan sa hindi ko maintindihan sa sarili ko. Noong nakaraang linggo lang ako umalis sa apartment at hindi ako nag paalam kay Aya, para saan pa? Busy siya kay Paulo baka maistorbo ko lang siya.
P.S: Kailangan ko na bang tanggapin sa sarili kong lalaki na ako?
P.PS: Buntis na pala si Ingrid. 'Yung girlfriend dati ni Aya na naging girlfriend ni Art ngayon. Ang bilis talaga ng panahon.
P.P.PS: Miss na miss na miss na miss ko na si Aya. Nasa apartment pa kaya siya? Kung dalawin ko kaya?
Hindi matanggap ang bagong kasarian,
Patrick

BINABASA MO ANG
The Gayadventures Of Finding Mr. Left (FANFIC)
Fanfic[FANFICTION OF TMOFMR BY @JHINGBAUTISTA] Ang diary ng isang malanding bakla...