Dear Diary,
Mapag-laro talaga ang tadhana ano diary? Pumunta ako SM North Edsa sa Quezon City may kliyente kasi akong pupuntahan doon. Habang nag lalakad ako sa loob ng SM, nakita ko si Aya kasama si Paulo mag ka-holding hands sila at tumatawa habang nag-lalakad. Ang sweet nila diary, para na silang mag asawa bagay na bagay sila. Alam kong mahal na mahal ni Paulo si Aya nakikita ko 'yon sa mga mata niya at ganoon din si Aya, hindi matatawaran ang mga ngiti sa labi nila... Nakaka-inggit diary, paano kaya kung maaga kong nalaman sa sarili kong mahal ko si Aya?
Kahit na halos isang buwan lang ang pag sasama namin sa iisang bubong ang dami ng nangyari, mga kulitan, asaran, pikunan lalong-lalo na kapag kumakain kami ni Aya malakas kasi 'yun dumighay. Hays buhay nga naman oh hanggang ala-ala na lang talaga.
PS: Nakita nila ako kanina, gulat na gulat silang dalawa dahil lalaking-lalaki na ako.
P.PS: Gustong-gusto kong yakapin si Aya kanina.. Pero hindi na pwede. Tangina, ang sakit diary.
Lubos na nasasaktan,
Patrick

BINABASA MO ANG
The Gayadventures Of Finding Mr. Left (FANFIC)
Fanfiction[FANFICTION OF TMOFMR BY @JHINGBAUTISTA] Ang diary ng isang malanding bakla...