"Gusto na kitang makita sa personal." Sambit niya saakin sa tawag.
Nakaramdam ako ng kilig at syempre ang lungkot. Isang linggo pa lamang kami pero heto, umaasang balang araw magkikita rin kami sa personal.
Long Distance Relationship kaming dalawa. Mahirap pero kinakaya.
"Anong ginagawa mo misis ko?"
"Heto, kausap ang mister ko."
"Ang sweet mo naman hihi."
"Syempre, mahal kita e."
Ganun talaga, kung mahal mo, iparamdam mo. Ang mahirap kasi sa ldr ay 'yong hindi niyo man lang mahawakan ang isa't isa. Hindi man lang kayo sabay umuwi galing sa eskwela. Hindi kayo sabay kumain.
Minsan, sumasagi sa isip ko na paano kung makakita siya ng mas hihigit sakin? Yung kaya siyang alagaan kapag may sakit. Kaya siyang samahan kung saan niya gustong pumunta.
Sa ldr kasi baka hindi mo na namamalayan na niloloko ka na pala. Dapat kapag ldr, ang palaging nasa mind set ay yung pagkatiwalaan mo lang siya.
"Pangako ko sayo, pupuntahan kita kahit napakalayo mo." Sambit niya ulit saakin.
"Maghihintay ako, i love you."
"I love you too."
YOU ARE READING
Pinili Kita Pinili Mo Ako (Under Editing)
ChickLitShe's not wrong starting from her thoughts to temporarily escape the world.