Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko sila sa sala at inumpisahan na ang gagawing task.
Ang gagawin kasi naming task ay gagawa ng bahay na gawa sa mga recycled materials pero pwede naman daw sa mga hindi recycle.
"Bakit ang tagal mo?" Salubong na tanong sakin ni Mama.
"Oy anak, anong ningingiti-ngiti mo dyan?"
Hindi ako nagsalita kaya kinurot niya ako sa balakang ko.
"Aray naman Ma!"
"Tinatanong kita, hindi ka nakikinig!" Ayan, kakarati ng ko lang ng bahay, sigaw agad ang naabot ko. Hays, nakakasawa na ito.
"May gwapo kasi akong nakasabay kumain dun sa restaurant, tapos di agad ako nakaalis. Tapos alam mo ba Ma? Nilibre niya akooo!"
Nagtatalon pa ako sa tuwa my goodness. HAHAHAHA.
"Share mo lang anak?"
"Grabe ka naman Ma. Nagtanong ka kaya, kaya ito sinagot ko."
"Osiya, tama ng kiligin, samahan mo na ang mga klasmet mo doon at maghahanda na ako ng makakain niyo."
Iniwan ako ni Mama na may ngiti ulit sa labi hehe. Sayang kasi e, hindi ko man lang natanong kung ano ang pangalan niya.
Pero kung sakaling makita ko ulit siya, tatanungin ko na talaga ang pangalan niya!
"Devorah, anong magandang ilagay dito?" Tanong saakin ni Patrick. Napabaling ako agad sakanya.
"Oh, sorry. Pag-iisipan ko pa hehe." Sagot ko.
At ayun na nga, tinapos namin ang aming task sa loob ng dalawang oras. Puro pa hiyawan kasi nalaman daw nila na may gusto pala sakin si Limuel. At saktong kagroup ko pala siya!
Ako naman ay binaliwala lang ito. Alam ko namang nagbibiro lang sila e. Ang lakas kasi ng trip ng mga kaklase ko. Pero kahit ganun sila, atleast masaya ang section namin.
Pagkatapos naming gawin iyon ay nagmovie marathon muna kami sa sala. Gusto ko ng She's Dating The Gangster pero lahat sila ang gusto ay Friends with Benefits.
Yuck.
Masyado raw madrama yung gusto ko. Eh sa kanila naman masyadong bastos.
Kaya sila nalang ang nanood at ako naman ay tinulungan si Mama sa kusina.
Nagbalat ako ng sibuyas pero hindi ako naiyak. Matapang ang mata ko, hindi ako yung basta bastang umiiyak.
Nagslice din ako ng bawang. Sobrang dami ng bawang nun para daw masarap eh.
Nagslice din ako ng sili para doon sa sukang gagawin. Minsan nga yung kamay ko napahid ko sa mata ko tapos grabe sobrang anghang! Doon ako naiyak!
Tumakbo ako sa lababo at naghilamos. Pero tae mas lalong umanghang! Dapat kasi naghugas muna ako ng kamay bago maghilamos! Sobrang tanga ko!
Kaya tumakbo nalang ako sa kwarto ko at doon nag-iiyak!
Hindi ako lumabas ng kwarto hangga't hindi na maanghang yung mata ko.
Hindi ko rin namalayan na sa pag-iyak ko, nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko ay hindi na rin masyadong maanghang ang mata ko.
Lumabas ako ng kwarto at wala na akong nadatnan na mga kagroup ko. Ang sabi ni Mama, may pupuntahan pa raw sila kaya umalis na pagkatapos manood nung Friends with Benefits.
Iniwan rin nila yung ginawa naming task tapos ang sabi daw, ako nalang magdala kung may pasok na. Baka daw kasi masira.
Gabi na kaya alam ko kung saan nagpunta ang mga iyon. Sa Bar ulit.
Kumain na lamang ako sa hapag ng mag-isa dahil tapos silang kumain lahat. Pagkatapos kong kumain ay naligo muna ako tsaka diretso na sa kwarto ulit.
Nag-open ako ng facebook ko. Nagbasa sa mga secret files.
Wala e, wala akong magawa.
Pagkalipas ng ilang araw ay pasukan na ulit.
Nandito na ako sa school at naglalakad na papuntang first subject namin. Dala-dala ko pa yung bahay na ginawa namin.
Habang naglalakad ako, napapaisip ako sa kung anong mangyayari sa araw na ito.
Siguro marami kaming activities na gagawin. Ganun talaga kapag Criminology. Tapos magrerecite kami ng Republic Act blah blah blah.
Pagkarating ko sa first subject namin ay halos lahat nandun na. Siguro ako nalang ang kulang? Haha.
Nadatnan ko silang may kanya-kanyang babae! OMG! Kay aga ang lalandi na nila!
Nung nakita ko sila ay para silang nakakita ng multo! Pati si Kryziah na kahalikan yung boyfriend niyang si Niel! Taga ibang section at course! Dumayo pa rito para makipaghalikan!
Tapos lahat sila biglang tumigil sa ginagawa.
Umupo na lamang ako sa harapan dahil halos lahat sila nasa likuran.
Maya-maya pa'y nagsisialisan na ang mga babae nila pero tahimik pa rin nila.
"Anong ibig sabihin nun?" Tanong ko sakanila at LAHAT SILA NAG-IWAS NG TINGIN SAKIN!
"Ano, ah eh wala! Katuwaan lang yung nakita mo!" Sagot sakin ni Kryziah.
"Ang aga aga, lumalandi na kayo!"
Hindi na nila ako sinagot dahil dumating na ang aming guro.
Nagdiscuss lamang siya at nagpagawa rin ng activity. Madali lang naman yun kaya mabilisang natapos rin iyon.
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung kaninang eksena. Alam ko naman na babaero sila pero sumusobra naman na ata.
Eh pano kung teacher namin ang nakakita sakanila? Oh edi diretsong office agad yun. Pasalamat sila ako ang nakakita e. Hays.
Pasalamat ako at may isang matino sakanila. Bali dalawa pala, kaming dalawa lang ni Limuel ang matino sa section namin. Si Kryziah? Ewan nalang.
Pagkatapos ng pang-umagang klase ay pumunta ako sa canteen para magmiryenda.
Kasama ko si Limuel dito sa canteen. Eh pano ba naman, di ko pinapansin yung mga kaklase ko.
Buti nalang talaga matino tong si Limuel. Sobrang gwapo rin neto. Habulin rin ng mga babae.
Yung mga kaklase ko kasi gwapo naman sila. Maraming nagkakagusto sakanila pero sila? Gosh, sobrang manhid nila.
"Oy Dev, wala ka talagang balak pansinin sila Kryziah?" Tanong niya saakin habang kumakain kaming dalawa.
"Hays, ewan ko sakanila. Ang lalandi talaga ng mga iyon."
"Buti nalang talaga hindi ako malandi e, baka magalit ka."
"Bakit naman ako magagalit aber?"
"Wala, naisip ko lang."
"Loko ka rin noh?"
"Medyo lang hahaha!"
Masaya naman kasama tong si Limuel. Madaldal siya kapag ako na ang kasama niya. Ewan sa lalaking to kung bakit ang tahimik kapag sa klase na. Halos ako lang kasi ang madalas niyang kasama, eh si Kryziah? Bespren ko e haha.
Habang kumakain kaming dalawa, nandyan na yung mga kaklase namin! Oo, lahat sila papunta sa pwesto naming dalawa ni Limuel. Aba selos much? HAHAHA
"Tinatawag kayong dalawa ni Sir Padlan sa room niya." Sabi ni Patrick samin.
Yung mga iba nasa likuran niya. Nagtaka ako kung bakit wala si Kryziah. Asan na kaya yun? Ay oo pala, baka kasama niya si Niel. Haliparut na yun! Tss.
"Ngayon na ba?"
"Oo."
"Sunod nalang kami. Tapusin lang namin to."
At umalis na silang lahat. Ano na naman kaya ang sasabihin o ipapagawa samin ni Sir Padlan?
Kaya tinapos namin kaagad ang kinakain at pumunta na sa sinasabing room niya.
YOU ARE READING
Pinili Kita Pinili Mo Ako (Under Editing)
ChickLitShe's not wrong starting from her thoughts to temporarily escape the world.