Nakaupo kaming dalawa sa isang malaking bato. Dinaramdam ang sarap ng hanging dala ng tubig. Yes, maalat pero nakakapagpagaan naman ng kalooban. Hindi ko alam kung bakit kami nandito ngayon ni Limuel. Bigla-bigla nalang kasing nag-aaya ang loko eh.
Habang tahimik ako sa tabi niya, napaisip ako.
Paano kung tama ang hinala ko? Sana hindi.
"Limuel, ano bang gagawin natin dito?" Hindi niya ako tinapunan ng tingin. Kainis.
"Wala, tambay lang."
"Tapos nandamay ka pa tss." Sa ngayon ay tinignan niya na ako.
"Eh sa gusto kitang makasama, masama ba yun?"
"OO!" Tatayo na sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako pabalik sa kinauupuan.
"Dito muna tayo please?"
"Mag-iisang oras na tayong nandito. Baka hinahanap na nila tayo dun."
Instead na sumagot siya ay tumayo siya at humarap sakin. Sa inis ko ay hindi ko siya tinignan. Tinutok niya ang camera saakin at pinicturan ako.
Ilang click ang narinig ko galing sa camera'ng dala niya.
"You're so beautiful."
"Tse! Alis na tayo!"
"Sungit mo."
Tinulungan niya akong makababa galing sa mataas na rock formation. Nung nakalayo na kami dun ay pinicturan niya ang rock formation. Ngiting-ngiti pa ang loko sa ginagawa.
Nung nakarating na kami sa aming tent ay agad akong nagpahinga. Humiga ako habang nakaupo naman si Kryziah sa isanh tabi.
Grabe napagod ako sa paglalakad at saktong tirik pa ang araw. Badtrip na Limuel.
Natulog ako ng isang oras at nagbihis. Alas tres na rin kasi ng hapon at dapat ay pumunta na kami sa meeting place namin. Pakiramdam ko ay may gagawin kaming activities kaya dapat pumunta kami roon.
Nung nakarating na kami ni Kryziah kasama ang mga kaklase namin ay halos lahat naroon na.
Nasa stage si Sir Padlan kasama ang mga co-teachers niya. Habang kami namang mga estudyante ay nasa baba at nakaupo sa buhangin.
"May games tayong gagawin kaya ko kayo pinatawag ngayon. Useless kasi ang pagpunta natin dito kung wala tayong lalaruing games right?"
"Tama kayo Sir!"
"Kaya ngayong first day, ang laro na aming pinaghandaan para sainyo ay tinawag naming 'Mabilisang punuan'. Ang gagawin niyo lamang ay kailangan niyong punuin ng tubig ang isang bote gamit ang kamay o towel/panyo. Hindi kayo pwedeng gumamit ng tabo o baso dahil pandaraya na iyon. Sa inyong likuran ay may nakikita kayong apat na bote at may mga towel/panyo. Bawat isang section dapat ay may representative. Sa isang section dapat ay limang miyembro lamang. Kaya guys, it's time to find your representative!"
Hindi na naghintayan kung sino ang magiging representative ng section namin dahil nagvolunteer na sila Kyle, Patrick, Nathan, Aries at Christian bilang representative ng aming section.
Nag-agree naman ang iba dahil ayaw daw muna nilang mabasa kasi kapapalit lang ng suot nila. Sabi kasing dagdagan ang damit na dadalhin eh.
Ang ibang section ay may napili ng representative kaya ang teachers ay pumunta na sa pwesto para bantayan ang gagawin ng mga maglalaro.
"Ang larong ito ay gagawin lamang sa loob ng limang minuto. Paunahan ang pagpupuno ng tubig sa bote. Nakikita niyo naman na may kalayuan ang bote sa dagat kaya diskarte niyo na yan haha!"
YOU ARE READING
Pinili Kita Pinili Mo Ako (Under Editing)
ChickLitShe's not wrong starting from her thoughts to temporarily escape the world.