Sooner or later
Maaga akong nagising dahil gusto ko maglakad papunta sa school para naman maexercise tong paa ko.Pagkababa ko para kumain nagulat sila mom at manang na naghahanda pa lang ng break fast namin. Lumapit ako sa kanila.
"Oh ang aga mo ngayon ha naliligo palang ang kuya mo." Sambit ni mom sakin.
"Umupo ka na para makakain ka na." Sabi ni manang sakin.
Tumango lang ako at umupo.Nakisabay na rin silang kumain. Ang bilis kong kumain dahil ayoko kong malate.
"Oh hindi mo na ba aantayin ang kuya mo?" Tanong sakin ni mom.
"Ahh hindi na po Mom sige alis na ako. Bye Mom bye manang i love you!" Sigaw ko sa kanila.
Habang naglalakad ako nagheadphone ako at pinakinggan ang mga kanta ng BTS. Habang naglalakad ako may padamoves pa akong nalalaman.
Yung naglalakad habang sumasayaw?
Ganun yung ginagawa ko ngayon. Oh di ba baliw na ako.Tsaka habang naglalakad ako,sinasabayan kong kumanta.
Naku baliw na talaga ako. Mga ten minutes na rin akong naglalakad papunta sa school namin.Hindi pa ako napapagod dahil feel na feel ko yung pagsayaw at pagkanta habang naglalakad eh. Maya maya may huminto na kotse sa harapan ko.
Bumukas yung bintana at natanaw ko ang aking kuya."Tara na baka malate ka pa dyan eh." Aya niya sakin hindi ko siya pinakinggan at naglakad ulit ako.
Pagkatapos nun huminto na naman siya."Tara na nga baka malate ka pa niyan eh tsaka baka may mangyari pang masama dyan sayo." Aya ulit niya.
Sa puntong yun kinausap ko siya.
"Wag na lang kuya feel ko naman maglakad eh kahit ngayon lang sumunod ka rin sa gusto ko. Tsaka I can handle myself. Alis ka na sinisira mo moment ko eh alis!" Sigaw ko sakanya at maya maya umalis na rin siya susunod lang din eh.
Nagpatuloy na naman ako sa paglalakad ko at nilagay sa tainga ang headphone tsaka na naman ako kumanta. This time ang pinapatugtug ko ay yung kanta ni Morisette Amon.
Yung di mapaliwanag? Yun.
Ang ganda ng boses niya. Yung mga high notes kayang kaya niya. Yung whistle isama na rin natin. Idol ko tong babae na to eh.
Pagkatapos ng tatlong kanta nakarating na ako dito sa school.
Bago ako pumasok ng gate nagselfie muna ako at iniupload ko sa facebook.Ang nilagay kong caption sa photo na yun ay,Finish atlast nakaya ko din. Good Morning.
Yan yung nilagay ko. Napansin ko mga twenty minutes akong naglakad.Tinignan ko yung relo ko, fifteen minutes pa bago ang klase namin.
Wala pang five minutes ang dami ng likes at comments. Hindi ko na binasa yung mga comments dahil baka masira pa yung araw ko. Ang saya ko nga ngayon kasi nakapaglakad din akong pumasok.
DAPAT HINDI PURO NA LANG PASOSYAL ANG BUHAY
Pumunta ako sa locker ko para ilagay yung headphone ko dun at ilagay din yung libro na nakalimutan kong ilagay dito kahapon.
Nilagay ko ngayon dahil hindi raw namin gagamitin sabi ng teacher namin. Nagulat na lang ako nung biglang dumating si Dwane na walang dalang bag.
Psssh.
Bakit ko ba sinasabi yan tumingin siya sakin at umiwas agad ako ng tingin.
"Kuhanan mo na lang ako ng picture at doon mo ako titigan." Sambit niya.
YOU ARE READING
Pinili Kita Pinili Mo Ako (Under Editing)
ChickLitShe's not wrong starting from her thoughts to temporarily escape the world.