Our second day in this island was so freaking boring. Puro games lang ang ginawa namin buong araw.
Games. Kumain. Magpahinga. Games. Kumain. Magpahinga and so on. Pero atleast, may mga nakilala ako sa ibang sections. Sina Shaira, Elisha, Micah, Wendi, Rojilyne at Angel. Masaya pala silang kasama lalo na kapag kalokohan.
May mga boys din akong nakilala na sila Gabriel, Kenneth, Mico at Joshua. Sobrang lalaki ng muscles haha. Sobrang lakas pa kumain kanina sa boodle fight na inihanda ng mga coordinators ng event.
At ngayon, day three na. Sinabi ni Sir Padlan na wala na daw games. Enjoy'in daw namin ang huling araw namin dito sa isla. Ayoko pa sanang umalis dito kaso namimiss ko na magNeargroup. Yung Chatboot sa messenger?
Makakakilala ka ng ibang lalaki. Pwede rin namang babae.
Ang sabi nila, kalandian lang daw ang hanap nila sa NG. Pero para sakin, HINDI. I gain new friends kahit na malayo ang lugar nila. I'm not that kind of person na desperada sa paghahanap ng jowa sa isang chatboot duh.
"Devorah, ready ka na?" Tanong sakin ni Kryziah habang inaayos ko ang aking suot na damit.
Magswiswimming kami sa pinakadulo ng isla na to. Kung saan halos walang katao-tao. Si Limuel ang halos nakakaalam sa lugar na ito dahil palagi raw silang nandito tuwing bakasyon kasama ang pamilya niya.
Nakasuot ako ng kulay lila na damit at short.
Lumabas ako sa CR dahil naghihintay na ang mga kasama namin. Nakita kong lahat sila ay ready na sa pupuntahan. Dadalhin ko sana ang DSLR ko kaso nakita ko sa leeg ni Limuel na nakasabit na ang kanyang Canon.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa pinakadulo ng isla. Alas otso palang ng umaga pero malamig pa rin. Buong araw kami dun para maenjoy namin ang huling araw namin rito. Nagdala na rin sila ng makakain kaya wala ng problema.
Umakyat kami sa rock formation at dumaan sa mala hagdang bato. Nahirapan pang umakyat si Kryziah dahil pagod na kaya sinamahan ng mga kasama naming lalaki. Bali dalawang babae lang kami at kasama namin ang mga classmate naming lalaki. May tiwala naman kami sa kanila.
"Kaya pa?" Nathan asked. Tumango ako sakanya at nagpatuloy sa paglalakad. Dito ko napansing sobrang ganda pala ng isla na ito. Everything was so beautiful.
Habang naglalakad kami ay iba naman ang ginagawa ng iba. Si Kyle pahinto-hinto sa paglalakad dahil kinukuhaan siya ng litrato ng kanyang photographer na si Aries. Salitan silang dalawa. Yung iba inggit na inggit dahil hindi man lang daw sila kuhaan ng litrato. Nakita kong nakikisali ang lahat sa pinipikturan.
Minsan hindi ko mapigilang ngumiti habang pinapanood sila. Sobrang saya nila sa ginagawa. Salitan rin ang ibang boys sa pagdadala ng mga pagkain. Gusto ko sanang tumulong kaso ayaw nila.
At sa wakas ay nakarating na kami sa pinakadulo ng islang ito. Mas maganda ang tanawin kaysa doon sa pinag-stay-an namin.
Walang anu-ano'y bigla nilang inilapag sa bato ang mga pagkain at nagtanggal ng damit saka tumalon sa dagat.
"Tae ang lamigggg!"
"Whooo ang sarap!"
"Hoy tara na dito! Habang di pa gaanong mainit!" Sigaw naman ni Nathan saamin.
Nakaupo muna ako katabi ng mga pagkaing dala. Si Kryziah nakisali na rin sa mga lalaki. Mabuti naman at hindi nagtwo piece ang loko haha. Ako rin naman.
"Dev, punta tayo doon."
Hindi na ako nakasagot pa dahil bigla niya akong hinila. Pumunta kami sa pinakaunahan ng bato. Tinawag pa nga nila kami kaso sumagot si Limuel na mamaya nalang daw.
"Tumayo ka lang dito ha?"
"Ano bang gagawin ko?"
"Tatayo lang."
"Okay."
Nandoon lang ako, nakatayo. Siya naman ay lumipat ng ibang pwesto. Pinagmasdan ko siyang inakyan ang isang bato. Pumunta sa tuktok nito. Atsaka nagthumbs up sakin.
"Oy baka mahulog ka!" Sigaw ko sakanya. Kapag yan nahulog, sa tubig ang bagsak niya. Damay pa ang camerang dala niya.
"Hindi! Don't worry about me Dev. Pinapakilig mo'ko!" Sambit ng loko.
Napatingin ako sa mga kasamahan namin at lahat sila ng "Ayiee".
"Tumingin ka sa kanan! Ready ka na? Wag kang magulo!"
"Fine!"
At hindi na siya nagsalita. Narinig ko ang ilang click galing sa camera niya. Nakaponytail na ako ngayon. Siya pa nagponytail sakin. Para daw maiba naman ang itsura ko. Loko talaga.
"Okay na Dev!" Sabi niya at sunundo ako kung nasaan ako. Hindi niya pinakita sakin ang picture dahil pagkatapos niyang ilagay sa bag ang kanyang gamit ay agad na siyang sumali sa mga lalaki.
Ako nalang ang naiwan sa pwesto kasama ng mga pagkain. Habang pinagmamasdan ko silang naliligo, hindi ko maiwasang kumurba ang aking labi.
Pagkatapos nilang maligo ay kumain na sila at ako naman ang naligo mag-isa. Lahat sila gutom at ako? Busog na busog. Lumangoy ako hanggang sa pinakaunahan. My oldest brother trained me how to swim. Kaya hindi ako takot sa malalim na tubig. May tiwala naman kasi ako sa sarili ko.
"Dev, kumain ka muna!" Sigaw sakin ni Kyle habang nginunguya ang hawak niyang manok.
YOU ARE READING
Pinili Kita Pinili Mo Ako (Under Editing)
ChickLitShe's not wrong starting from her thoughts to temporarily escape the world.