Kabanata 4

131 8 0
                                    


"Oy Dev, tulala ka dyan."

"Nawalan na ako ng lakas Kryziah. Ikaw kasi eh! Dapat hindi mo na ako tinawagan!"

Ayan, pinagtatawanan ako. Lokong babae to!

"Magpalit ka nga ng damit! Bakat na bra mo!" Sabi saakin ni Limuel.

Nanlalaki ang mga mata ko nung sinabi niya yun. Hindi lang ako, pati na rin si Kryziah!

"Bastos!"

"Anong bastos? I'm just saying the truth Dev!"

"LQ na naman kayong dalawa."

"Hindi ah!"

"Oh kita niyo na? Sabay pa kayo!"

Hays, papansin talaga.

"Wala akong extrang damit, matutuyo din to." Sagot ko sakanya.

Walang anu-ano'y hinila niya ako at kinaladkad papunta sa locker room.

"HOOOOY! INIWAN NIYO NA NAMAN AKO!"

Narinig ni Limuel yun pero hindi na niya pinansin. Habang nasa hallway kami ay nagtitinginan ang mga estudyante sa amin. Paano ba naman kasi? Sobrang gwapo netong kumakaladkad saakin.

Siguro kapag ibang babae to, kanina pa nahimatay sa saya at kilig.

Hawak hawak niya pa rin ang kamay ko hangga't sa nakarating na kami roon sa locker room.

Kinuha niya ang puting damit at ibinigay saakin.

"Oh, magpalit ka na." Hindi ko aiya pinakinggan bagkus ay tinignan ko lang ang damit na ibinigay niya.

"Bilisan mo nang di pa ako naiinip. Kapag nainip ako dito ako mismo magsusuot nyan sayo."

"Eh? Ano.... ah.. Sige!"

Tumakbo ako sa CR ng mga babae at dun nagbihis. Nung sinuot ko ay grabe, lagpas hanggang siko ko ang damit. Nagmukhang bistida pa sakin!

Paano ba naman kasi? 5 ft lang ang taas ko. Samantalang siya 6 ft.

Itinali ko ang nasa ibaba at nagmukha iyon na maikli, pero maluwang pa din. Sa may bandang siko naman ay itinupi ko para mas lalong lumiit. Pagkatapos kong ayusan ang sarili ko ay lumabas na ako.

Nakita ko siyang nakasandal sa pader at nakataas ang isang paa na nakalagay sa pader. Ang cute niyang tignan sa posisyon niya.

Nilapitan ko siya at kinalabit.

"Okay na?" Tanong ko sakanya.

Tinignan muna niya ako mula baba hanggang sa itaas. Kumunot pa nga ang noo niya e. Nagtaas pa ng kilay.

"Nagmukha kang dancer pero okay na." Ngumiti pa ang mokong.

At umalis na kami doon. Pumasok kami sa next subject namin at subject na iyon ni Sir Padlan.

Kami nalang ang wala kaya umupo na kami kaagad sa harapan. Si Kryziah ang nagdala ng bag namin ni Limuel.

Salamat sakanya hahaha.

Naging kumportable na ako dahil sa suot kong damit ni Limuel. May tatak pa nga sa harap eh, "I'm Yours"

Yieee charot hahaha.

Maya maya pa ay dumating na si Sir Padlan at may dala dala siyang cerox copy.

"Magbayad kayo ni tatlong peso. Get one and pass."

Tinignan ko ang mga kaklase ko at lahat sila pinagpapawisan! HAHAHA!

Siguro karamihan sakanila hindi na nagreview dahil wala ng oras.

Pinili Kita Pinili Mo Ako (Under Editing)Where stories live. Discover now