Nagsasanay ang mag-amang lira at ybarro na kung saan ay madalas na magsanay noon ang mga sanggre na makalaan ang ilng sandali ay nagusap sila tungkol sa isang lalaking nakilala niya sa may bukana ang lireo at ng hatoria hindi lubos maisip kung bakit na lamang ganun sya kasaya kapag naguusap sila ni nexxus ang hari ng hatoria hindi nya lubos na maintindihan kung kayat sinabi nya ito sa kanyang ama na si ybarro.
"Itay, pwede ba po bang magtanong?!!"wika ni lira
"O, sigeh anak!, ano ba ang itatanong mo?!,"sambit ni ybarro
"Nung ba kayong nagkita ni inay?! Ano ang una mo naging reaksyon?!!"sabi ji lira
"Alam mo lira,.. sa panaginip kami nagkita ng iyong inay.. dahil si bathalang emre ang gumawa ng paraan ipang magkita kami saming panaginip at doon na nga nagbunga at ikaw nga ang naging bunga ng aming panaginip!! Wika ni ybarro
"Wow ah!! Ganun pala dito sa encantadia.. pero paano kayo nagkita ng personal ni inay?!" Wika ni lira
"PERSONAL?!! A, nagkita kami nung minsang nagpunta sila saming kuta kasama nya ang mga kawal ng lireo na si hitano at isa na syang reyne non!!" Sabi ni ybarro
"Talaga po ba,, itay!!" Si lira"So, ano nga pong naging reaksyon nio?! Masaya ba kayo, mabilis ba ang pagtibok ng puso nio?!! So ano nga itay?!! Ang sambit ni lira na tila naaliw sa kwento ng kanyang magulang
"Hindi naging maganda tinutukan kasi ako ni hitano non sapagkat noon pa man ay tinatangi na nya ang ashti alena mo at nang mga panahon na yon ay kasintahan ko ang iyung ashti alena !! Ang kwento ng kanyang ama at sumimangot ang mukha nito nang malaman niyang nagkaron pala sila ng ugnayan ng kanyang ama.
"O, anak ko!! Lira, wag ka nang magalit sa ashti alena mo matagal na naman yun ee at saka may asawa na sya at ganun din naman ako!! Wika ni ybarro
"Itay, minahal mo ba si inay?!,wika ni lira
"Oo naman,, mahal na mahal ko ang iyong ina sobra at gagawin kong lahat para hindi sya mawala sakin at ganun din sayo at kay khalil nandito lng ako para sainyo!, wika ni ybarro
"So ano ngang nangyari sa unang niong pagkikita sa inyong kuta!! Lira
" nung una syempre nagulat ako sapagkat hindi ko inaasahan na magkikita kami ni amihan at natatakot din kasi alam kong may namagitan samin dalwa kahit na isang panaginip lng iyun!! Wika ni ybarro
"At makalaan ng nilang araw ay nagpunta ako dito sa palasyo at hinanap ko sya at nakita ko sya sa may balkunahe ng palasyo at doon ko nalaman na ako pala ang ama ng dinadala niya, at walang iba kundi ikaw yung LIRA!!" Sambit ni ybarro ulit at sabay napaluha si lira at muli na namn nyang niyakap ang kanyang ama ang hindi nila alam ay kanina pa nakamasid sa kanila sila aquil at zeus.
"Ama, sobrang mahal ni lira si haring ybrahim!! Wika ni zeus
"Oo, anak!! Sobrang mahal na mahal ni lira ang kanyang magulang sapagkat simula ng lumaki ito sa mundo ng mga tao ay matagal na nyang gustong makita ito at mayakap muli!! Kaya siguro ganyan na lamang ang pagkasabik niya sa kanyang ama at ina!! Wika naman ni aquil
"Alam mo ama, maswerte pa rin po ako sapagkat nakasama ko kayo ni ina dito sa encantadia at nagabayan po nio ako ng mabuti!! Wika ni zeus at sabay napayakap na rin ito sa kanyang ama
"Avisala eshma...ama!!! Dagdag pa nito at saka umalis sila aquil at ang kanyang anak..
"Teka nga lira, may tinatangi ka na ba?!, kaya ka nagtatanong sakin ng ganyan?!! Wika ni ybarro
"Hmm, hindi ko po alam kasi kung papaano manligaw ang mg encantado dito sa encantadia kasi nga po di ba hindi naman ako dito lumaki!! Ani ni lira
"Hindi tulad ng mga tao, kasi sila kapag mahal nila ang isang babae ee: binibigyan nila ito ng bulaklak at tsokolate! ! Wika ni lira sa kanyang ama
"Ganun ba?! Ang totoo niyan, nagbibigay din ng mga bulaklak ang mga encantado sa kanilang sinisinta pero yung t-tsokolate wala nun dito sa encantadia!! Sambit nito
""Bakit anak, nagpapahiwatig na ba itong encantado na to sayo?!! Dagdag pa ni ybarro
"Itay, sekta sectum!!"wika ni reyna lira at agad syang sumugod dito mabuti na lamang at agad nasangga ni ybarro ang sugod ni lira dahil kung hindi ay tiyak na masusugatan sya.
"Bakit mo iniba agad ang usapan ha!! Siguro tama ang aking hinuha ano!, may isang encantado ngang umaaligid sa anak ko!! Wika ni ybarro habang nagsasanay sila
"Itay focus,, este basta!! Inuutusan kita! Bilang reyna ng Lireo!!, Wika na lamang ni lira parang narinig na nya yang salitang yan sa isang babae na tinatangi niya matikas at matapang ang pananalita niya at napangiti na lng ito sa naisip.
"Anak ka nga ni Amihan. ,, lira!! Ganyan na ganyan kung utusan ako ng iyung ina ang sabi nito sa kanyang anak.
"Itay, agape aveh,,.. kung sinabihan ko po kayo ng ganun... kasi naman po hindi po kayo handa..paano kung nasaktan ko kayo?!,wika ni lira at huminto na ito sa pagsasanay
"Sana po mapatawad nio ako, itay!! Wika ulit ni lira at yumakap ulit ito sa ama
"Wag mo ng isipin yun lira!, hindi naman ako napaano ee!, o kaylangan ko pang puntahan si kahlil ang iyong kapatid bago man lang ako bumalik sa sapiro!! Wika ni ybarro at sabay nalungkot si lira
"Itay, hindi ba pwedeng dito ka na lng muna sa lireo?!," si lira
"Anak, alam mong hindi pwede sapagkat tulad mo may siliranin din ako sa sapiro at walang kasama ang iyong ina doon!! Sambit ni ybarro at sa ayaw man nia o sa gusto ay muling naghiwalay sila pansamantala at pinuntahan ni ybarro ang kanyang kapatid na si kahlil.
Habang naglalakad si ybarro sa pasilyo ng lireo ay nakita nia si mira at napansin niya itong malungkot.
"O, aking anak, bat ang lungkot mo?? Wika ni ybarro at sabay nagulat si Mira
"Ah, kayo po pala haring ybrahim!! Wika ni mira at sabay yumukod ito bilang pagbigay galang sa hari ng sapiro
"Mahal na hari, hindi po ako ang anak nio.. ako po si Mira..."sambit nito
""Alam ko Mira, ngunit para sakin ay para na rin kitang tunay na anak hindi dahil ikaw ang una kong nakita noon dito sa lireo at nakilala ko bilang isang tunay ko anak... ngunit batid kong pinalaki ka ng aking asawa na si amihan na parang isang tunay nya ding anak... kung kayat para na rin kitang anak,, mahal kong mira!! Wika ni ybarro at sabay napaluha ito
"Avisala eashma, haring ybrahim!! Wika ni mira
"AMA, ama na lng ang itawag mo sakin!, mira at malugod kitang tinatanggap hindi bilang isang hadia ng aking asawa na si amihan, kundi isang tunay na anak!! Sambit ni ybarro, at tuluyan na nga itong nagpaalam upang kitain niya ang isa pa nyang anak kay alena si kahlil.
MakaLipas ang ilang sandali ng matapos ang pagsasanay ni lira ay nagtungo ito sa bukana ng lireo at ng hatoria para magbakasakaling makita niya ang lalaki nakilala niya dito.
Ngunit hindi naman siya nabigo nakita nga niya ang lalaking kanina pa nya hinahanap hindi nya alam kung bakit.
"Mahal na reyna ng lireo, may hinahanap ba kayo!! Wika ng lalaking nasa kanyang likuran na pakiwari nitoy kanina pa nagmamasid sa kanya.
"Hmmp, wala ah, wala akong hinahanap!, ang maang-maangan pa ni lira
"Kung ganun ano po ginagawa nio sa ganitong oras at madami na pong pashnea na nakakalat dito naghihintay lamang ng kanilang biktima!! Wika ni nexxus . Iiwanan na sana ni nexxus si lira ngunit hindi ito nakapagpigil sa sarili.
"Oo na,, ikaw nga ang hinahanap ko!, ano masaya kana?!,"sambit ni lira habang nakapikit ito
"Tama ba ang aking narinig mahal na reyna!! Ang pangaasar ni nexxus
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA: Ang Bagong Tagapagmana Ng Mga Brilyante
FantasyNagkaroon ng mga anak ang mga sanggre ang bawat sa kanila ay tagapagmana ng kanilang mga brilyante upang hindi na muli pa itong pag-intirisan ng mga hathor kung saan nabibilang si pirena. Ngunit ang kanyang brilyante ng apoy ay pinamana niya sa kais...