kAbanata 65: Ang bagong casiopea

777 15 0
                                    

Nagusapan sila lira at alena tungkol sa pagbabalik nila ni hitano sa mundo ng mga tao nung una ay ayaw niya itong payagan ngunit sino ba naman sya para pigilan ang kanyang ashti alena na manatili sa encantadia.

Mayamaya pa ay hinihatid na nga sila ni lira sa puno ng astamon ng matapos silang makapagpaalam sa mga kapatid nito.. ngunit ng nasa astamon tree na sila ay biglang sumulpot ang mga hathor at ang alagad  ni adhara.

Nagulat na lamang sila ng itoy biglang lumabas sa kanilang harapan at makalipas ang ilang saglit ay nagpalit na si lira ng kasuotang pandigma.. at kinalaban nga nila ang mga hathor at ang mga alagad ni adhara

"Esta sectu!! Sigaw ni lira at sabay nakipaglaban sila sa mga hathor at sa mga alagad ni adhara hindi nila ito inaasahan.

"Ashti alena,.. kunin mo muna ang susi ng astamon at tumakas na kayo habang kaya ko pang pigilan ang mga hathor!! Ang sigaw ni lira habang nakikipaglaban naman sila ni hitano

"Hitano,.. sumama kana kay ashti alena,. At sa pagpasok nio sa mundo ng mga tao ay agad nio itong isira ng sa ganun ay hindi pa makapunta sa mundo ng mga tao ang mga hathor!!! Wika ni lira habang nakikipaglaban ito

"Hindi ko kayo kayang iwan mahal na reyna lira.. lalo nat sa ganitong sitwasyon!! Sigaw ni hitano

"Sige na hitano.. sapagkat sa oras na nakalabas na kayo nang lagusan ay agad akong maglalaho.. kung kayat wag nio na akong intindihin pa.. shedamaste gesnu  (humayo at bilis)!! Sambit ulit ni lira sabay binalingan ni hitano si alena

"Alena,.. mauna kana sa mundo ng mga tao,.. at susunod na lamang ako sayo!! Wika ni hitano at mayamaya pa ay kumuha din sya ng sandata at nakipaglaban din ito sabay napalingon si lira sa kanyang ashti alena

"Ashti alena!! Wika ni lira

"Lira ikaw ay magconsentrate sa iyung kalaban sapagkat baka ikaw ay mapaslang!! Wika ni alena habang nakikipaglaban din ito

"Avisala eshma ashti alena!, sambit ulit ni lira

"Sadyang hindi sila nauubos aking hadia kung kayat kaylangan na nating bumalik sa lireo!, sambit ni alena at mayamaya pa ay pinagitna nila si hitano at saka sila naglaho.. nang nakabalik na sila sa lireo at hindi nila inaasahan na makita sila  sa ganung kalagayan ng kanyang magulang

"Lira,.. anak?! Ano at ganyan ang inyung wangis?!!" Wika ni ybarro

"Itay,.. may nakalaban kaming mga hathor at alagad ni adhara sa may astamon ng ihahatid ko na sila ashti alena at hitano!! Sambit ni lira

"Kung kaya hindi ba sila  nakaalis ang iyung ashti alena..lira! Ani naman ni amihan

''Opo,..inay...pagpasensyahan mo na ako inay!! Wika ni lira

"Wag mo nang isipin iyun.. anak mabuti na lamang at hindi kayo nasaktan ng iyung ashti alena!! Sabit ni ybarro at sabay hinalikan siya ng kanyang ama sa noo nito

"Mahal na reyna amihan agape aveh,, kung hindi ko naprotekhan ang mahal na reyna lira at si alena!! Sabi ni hintano

"Walang anuman yun.. hitano batid kong ginawa mong lahat ang iyung makakaya ngunit sa tingin ko ay sadyang madami ang inyung kalaban kung kayat napaatras na lamang kayo!! Ani ni amihan

"Avisala eshma.. ynang reyna amihan!!! Wika ni hitano

"Kng ganun ay gumagala pala rin ang mga hathor at ang mga alagad ni adhara,.. kumukuha lamang sila ng tiyempo para pakalusob muli dito sa lireo!!, si ybarro ulit

"Ashti alena,. Sa tingin ko ipagpaliban muna natin ang pagbabalik mo sa mundo ng mga tao.. hayaan mo pangako ko sayo kapag natapos na rin ito sasamahan ulit kita sa astamon!! Sambit ni lira

ENCANTADIA: Ang Bagong Tagapagmana Ng Mga BrilyanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon