Chapter 2
para akong natulos sa aking kinatatayuan pagkatapos ng pasaring na iyon ni Carlos Gabriel.
natapos ang aming photoshoot na matiwasay ang lahat. pero ako hindi ko alam, kung bakit sobrang lakas ng hataw ng puso ko sa tuwing nakikita kong nahuhuli kong nakatingin sa akin si Carlos Gabriel.
kaya naman nagpa-kabusy ako sa loob ng cottage namin nina Ria, para lang iwasan si Carlos. hindi na din ako sumama sa kanilang lahat para mag-dinner at i-enjoy ang view sa labas.
kuntodo ako sa pag-edit ng mga pictures kahit naman tapos na iyon. maiwasan ko lang mga kulit sa akin nina Mavz para lumabas ako.
nagpabili na lamang ako ng pagkain kay Mavz. kaya dito na din ako sa cottage kumain, ng makita ko medyo okay na lahat at tapos ko na gawin. nagpasya akong lumabas.
naglakad lakad ako, pero hindi ko nakita ang aking mga kasama. baka nag-eenjoy iyon, nakikita ko ang ibang mga turista ng island na iyon na nag-eenjoy. meron pa sa kanila na nagsasayawan sa may buhangin.
tila walang pakialam ang mga ito, namulsa ako sa aking sout na hoodie jacket. naka-spaghetti straps lang ako sa aking panloob, masyado malamig ang gabi kaya nagsout ako ng jacket.
napadpad ako sa medyo hindi ma-tao. meron dalawang puno ng niyog doon na medyo mababa, at may duyan ito nakakabit.
napangiti tuloy ako, umupo ako doon paharap sa dagat. tiningnan ko ang tahimik na paghampas ng dagat sa paanan ng buhangin. inugoy-ugoy ko ang duyan na aking inuupuan.
nilipad ng mabining hangin sa gabi ang aking buhok. naamoy ko ang samyo ng dagat habang tumitingin sa mga taong sa di-kalayuan at ini-enjoy ang ganda ng islang ito.
nasa ganoong ako sitwasyon ng marinig ko ang isang pamilyar na baritonong boses. ang nasundan niya ako dito ay hindi ko alam, mukha yata kahit saan ako magpunta maramdaman ko siya palagi.
" why do you chose to be alone here..?"
lumingon ako dito at inismiran siya. kahit alam kong hindi naman niya nakikita ang ginawa ko. tanging liwanag lang ng isang poste sa may di kalayuan ang nagsisilbing liwanag ng pwesto namin.
" bakit ba parang kabute ka na lang na bigla lumalabas diyan?..sinisira mo ang katahimikan ko.."
sagot ko dito at nag-iwas ng tingin. naramdaman ko ang kanyang yabag papalapit pa sa akin, hanggang sa umikot ito sa aking harapan.
" bakit ba parati mainit ang ulo mo sa akin..ha?..that's bad pretty lady..the more you hate, the more you love.."
dinig kong sabi nito kasabay ng pahapyaw na pagtawa nito. agad nag-init ang dugo ko dahil sa sinabi nito, lakas lang ng apog!.
" wow! ang kapal mo din noh?!..not because you are the well known Carlos Gabriel Montevallo, hindi ibig sabihin nun' lahat ng babae magkandarapa sayo!..kilabutan ka nga.."
i hissed at him..i saw him entrust his one hand into his pocket, habang ang isang kamay nito nasa kanyang batok na tila minamasahe ito. tiningnan niya ako ng pailalim.
ang liwanag ng ilaw sa may di kalayuan, sapat na para makita ko ang pagsupil ng isang ngiti na nagpabilis sa paghataw ng aking puso.