W.R -28 ( The Family)

6.1K 145 7
                                    

Chapter 28

kinabukasan, bumiyahe din kami pauwi ni Gab. halos magdadapit-hapon na, nang maisipan naming umalis. hindi ko namalayan na nakatulog ako sa biyahe. sa sobrang pagod siguro dahil sa night swimming naming dalawa. at nagawa pa naming gumawa ng milagro doon, for another round. damn! blame Mr. Montevallo for being so perv.

naalimpungatan na lamang ako, nang isang haplos sa aking mukha, ang nagpagising sa akin.

" nandito na tayo, Li' ." malumanay na sabi sa akin, ni Gabriel.

kinusot ko ang aking mata. antok pa talaga ako, nagtaka ako parang ang tahimik ng paligid. at himala ang gate na bakal namin ay saradong-sarado.

" hindi ka ba papasok?." tanong ko kay Gab.

" is it okay with you?." sagot niya.

tumawa ako nang mahina. inayos ko ang aking pagkakaupo, at hinampas siya ng mahina sa kanyang braso.

" of course naman!. and besides you have to face my family, right?." ngiti ko sa kanya.

he shrug his shoulder, at ngumiti lang sa akin.

bumaba kami ng kanyang kotse. i saw him brush his hair. gamit ang kanyang kaliwang kamay. tumabi ako sa kanya, at tiningila siya.

" hey' you look tense..are you alright?" tanong ko dito. bahagya ko pang kinunot ang aking noo.

he pursed his lips, looking at me wearily.

" parang iba pakiramdam ko eh." natatawa niyang sabi.

hinawakan niya ang aking kamay. akma na sana kaming lalakad papunta sa gate namin, nang isang marahas na busina ang nagpatigil sa aming dalawa. sabay pa kaming lumingon ni Gabriel sa isang pulang kotse.

hindi ko mapigilan hindi itaas ang aking kilay, nang lumabas mula doon ang pigura ni Desiree. ibang klase talaga itong babae na ito. hindi pa ba siya titigil?. mas lalong hinigpitan ni Carlos Gabriel ang pagkahawak niya sa aking kamay.

nakita kong tinanggal ni Desiree ang shades na sout nito. ang maikli nitong buhok ay mas lalong nagpatingkad sa kanyang kaputian. she's wearing a dress na hanggang tuhod lamang ito.

hindi ipagkakaila na maganda siya. hindi ko alam kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni Carlos Gabriel.

" so? kaya pala wala ka sa opisina dahil nandito ka pala sa babae mo. " she said while smirking at us.

" Desiree, will you please stop this nonsense of yours. ano bang mahirap intindihin sa mga sinasabi ko sayo?..stay away from me..get out of our lives..ganyan ka na ba ka-desperada ngayon?.." malumanay na sabi ni Gabriel dito.

i saw her fist clenched. bumaling ito sa akin at matalim akong tinitigan.

" sa pagkakaalam ko kasi Carlos, we're not officially done yet. sabi mo sa akin babalik ka lang dito sa Pilipinas because you need some space. you asked me for that and i heartily give it to you..ngayon nandito na ako, i want you back. alam ko naman nasaktan kita noon. and i am so sorry Darling, i promise that i will cherish you from now on..aalagaan ko na ang relasyon natin dalawa." malambing nitong sabi habang nakatingin kay Gab.

parang nanunoud lamang ako ng isang eksena sa pelikula. pabalik balik lamang ang tingin ko sa kanila. gulat man sa mga sinasabi ni Desiree, hindi ko mapigilan ang hindi maawa ngayon sa hitsura niya. mahal niya talaga si Gab, nakikita ko iyon sa mga mata niya.

magsasalita sana ako, dahil parang lumambot ang puso ko sa mga tinuran nito ang kaso nabuwisit ako sa sumunod na sinabi niya.

" kung hindi lang kasi dumating sa buhay mo iyang malanding babae na iyan!. di sana tayo na ulit, sana nakabalik ka na sa akin.." mariin nitong sabi.

WILD RUSH (Wild Series #2 : Lianna & Carlos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon