Sa pagsisimula ng kaniyang pagsusulat ... Paano kaya niya didiktahan ang sarili niyang tadhana sa ginusto niyang mga pangyayari ...
"Ah tama! Naalala ko na!" Magsigla niyang sabi habang naglalakad. Kakatapos lang ng klase nito't nagmamadaling umuwi sa kanilang tahanan.
" Hindii ko pa pala na-eexplore yung diary na yun" Sabi niya sa sarili habang naglalakad.
Mga ilang minuto'y nakauwi na ito sa kanila't dumeretso agad sa kanyang kwarto.
"ZAIRA FADRIQUELA! Bumaba ka muna jan at kakain!" Sigaw ng kanyang lola.
"Opo saglit lang po! Magbibihis lang!" Pagpasok na pagpasok niya sa kaniyang kwarto ay tinungo niya agad ang kaniyang higaan upang buklatin ang nasa ilalim ng unan.
Agad na nagliwanag ang pangalan nito pagkahawak na pagkawak niya.
"Woah. Ang ganda talaga. Kay lola ba talaga to? Ba't hindi niya sinasabi na may ganito siya?" Amazed na amazed niyang sabi habang pinagmamasdan ito.
Sa ikalawang pagkakataon ay binuksan niya itong muli't nakita niya ang kakaibang panulat na nakalagay dito, pati na rin ang isinulat niya kahapon.
Oorder ng pizza si lola at ayun ang magiging .. Meryenda namin
Binuklat niya ang ikalawang pahina't mayroon nang nakalagay na date sa taas. Sa kaliwang bahagi naman nito ay may nakasulat na " Dear Future "
" Teka wala to kahapon ah ? Aba improving ah. Ang ganda ! " Itinuloy niya ang pagbubuklat dito hanggang sa umabot siya sa dulo. Sa pinakahuling pahina'y may nakasulat na " Owner "
" Masulatan na nga. Baka maagaw pa ng iba " Dali dali niyang nilagay ang kaniyang buong pangalan.
Owner : Zaira Louie Fadriquela
Pinirmahan niya ito't tumungo muli sa ikalawang pahina. Ngumiti siya habang hawak ang panulat. Sumulat itong muli't itinakda ang kaniyang tadhana sa araw na ito.
Date : December 02, 2013
Dear Future,
Pupunta ngayon dito sa bahay si Carl. Ang pinakamatalino naming kaklase upang tapusin ang aking assignment para bukas. Gagawin niya itong lahat dahil masipag siya. Matutulog ako ng mahimbing dahil sa mabait sakin si lola ngayon. Ayun lang.
Your owner,
ZairaMatapos niya itong isulat ay agad na tinawag muli siya ng kaniyang lola para kumain. Sa gitna ng kanilang hapag kainan ay may nagdoorbell. Tumayo ang lola niya para buksan ito.
" Oy Zaira kaklase mo daw. Carl daw ang pangalan " Agad na tumayo naman si Zaira dahil sa pagkaexcite. Hindi pa din siya makapaniwalang totoo ang diary na hawak niya.
" Oh carl napadaan ka ? " Inosenteng tanong ni Zaira.
" Pwede ko bang gawin ang assignment mo ? Masipag kasi ako " Deretsong tanong ni Carl. Tumango tango lamang si Zaira't nakangiting umakyat para kunin ang naihanda na niyang mga assignment dahil sa expected na niyang pupunta rito si Carl.
" Salamat Carl " Sabi niya pagkabigay niya rito. Nginitian lang siya nito't umalis na. Bumalik si Zaira sa hapag kainan at ipinagpatuloy ang pagkain.
" Oh Zaira Apo. Uminom ka muna ng gatas bago matulog para mahimbing ang tulog mo " Sandaling napatulala si Zaira dahil sa kabaitan ng lola. Kinuha din niya naman ito agad agad at tinapos ang pag kain.
Pag akyat niya'y humiga agad ito sa kama at hinagkan ang Future Diary.
" Ang galing. Totoo ka nga talaga. Let's see kung ano malalagay ko bukas " Inilagay nito ang diary sa ilalim ng kanyang unan. Pinatay ang ilaw. Ipinikit ang mata't sinabing ...
" Goodnight diary "
Sa kabilang banda ...
Hindi mapakaling nagaayos ng gamit ang lalaking ito na may pasok kinabukasan.
" F*ck ! Where's my goddamn book ! " Nilibot pa nito ang buong kwarto't hinalungkwat kung saan saan ang kaniyang hinahanap.
Maya maya'y nakita niya ito sa ibabaw lang ng kaniyang lamesa na kanina pa niya nadadaanan.
" Ahhh thank god nahanap din kita. Napakaimportante neto " Humiga siya sa kama habang hawak hawak ang libro. Binuksan niya ito at inexamin ang bawat pahina na may sulat. Napapangiti siya dahil sa nababasa niya. Ang sulat ng matagal na niyang minamahal ng palihim dahil sa biglaan niyang pagalis noon.
Ang simula ng pagpasok niya bukas ay ang kaniyang magiging magandang umpisa.
Isinara na niya ang libro't humiga na. Inilagay niya ito sa tabi ng lampshade at pinatay na ang ilaw. Ngunit kitang kita pa din ang pamagat ng librong kaniyang hawak hawak dahil sa magandang pagkakadesign nito't glow in the dark. Na may nakasulat na
" Zaira's Dairy "
-------------------------------------
- MX

BINABASA MO ANG
Future Diary
AcakWhat if, by holding a single pen and paper, we can dictate the future? -