Ikaw nagsulat ng kagustuhan mong tadhana. Hindi siya, Hindi ito, Hindi kapitbahay mo. Kaya expect the unexpected ...
" Zairaaaaaaaaaaaaaaaa ! Gumising ka na diyan at may pasok ka paaaaaaaaaaaaaa "
Nagunat unat pa si Zaira bago sumagot sa sigaw ng kaniyang lola.
" Opoooooooooooooo ! Anung oras pa lang na --- " Mga tatlumpong segundo niya munang tinignan ang orasan bago nag sink in sa utak niya kung ano ang nakalagay na numero sa orasan.
' 6:30AM '
" Lola yung gamit ko pakihanda na mag seseven na pala bakit hindi nyo po ako ginising agad lagot na naman ako sa teacher kong magaling sa sermon hindi naman magaling magturooooooooooo ! Liligo na po akoooooooo ! " Derederetsong pagsasalita nito habang tumatakbo pababa ng hagdan dala ang tuwalya para maligo.
Umiling iling na lamang ang lola nito't inihanda na ang gamit.
After 5 minutes ...
" Lola sa school na lang po ako kakain. Wala ng time. Rush na kung rush " Sigaw nito habang inaayos ang gamit. Ganun na lamang niya kabilis tinapos ang paliligo at pagbibihis. Walang suklay suklay. Hanggang sa lumabas na siya't pumara ng jeep.
" Bayad ho. Dyan lang sa Mayenkanto St. "
Naalala niya na dala nga pala niya ang kaniyang future diary kaya inilabas niya ito dahil wala namang tao at dahil sa mahigpit na pangangailangan. Umilaw na naman ito ngunit hindi niya pinansin at mabilis siyang nagsulat ng mga plano niya para sa araw na ito.
Date : December 03, 2013
Dear Future,
Nagkaroon ngayong umaga ng meeting ang mga first class teachers kaya naman walang pasok ang mga estudyante ngayong umaga.
Habang nagsusulat siya ay nagisip pa siya ng maaaring maidagdag.
" Ah alam ko na. Yung crush ko na si Ezekiel. Ayiiiieeee kilig much " Sabi nito. Si Ezekiel ay isa sa kaschool mate niya na nasa ibang section at isa sa sikat na lalaki sa kanilang paaralan.
Nilapitan din ako ng crush ko na si Ezekiel at sinabi niyang crush nya din ako. Ititreat din niya ako ng date for today. At uuwing ligtas.
Your Owner,
Zaira
Matapos niya itong pirmahan ay umilaw ito't itinabi na rin niya. Maya maya'y narating na nya ang kanyang paaralan at dumeretso sa kaniyang klasrum.
" Guys wala daw tayong klase ngayon. May meeting ang mga teachers " Ito agad ang bumungad sa kaniya pagpasok na pagpasok niya. Napa'Yes' naman ito at umupo sa kaniyang upuan.
" Ansaya mo ata ? " Curious na tanong ng katabi nito. Nginitian ito ni Zaira sinagot.

BINABASA MO ANG
Future Diary
RastgeleWhat if, by holding a single pen and paper, we can dictate the future? -