Chapter 9

7.2K 255 168
                                    

Nalampasan ko rin ang bangungot na iyon. Ilang buwan na rin ang nakalipas. Na-promote ako sa trabaho. Bilang isang senior research coordinator ay hindi ko na kailangang pumunta sa malalayong lugar dahil may mga tao na akong gumagawa ng mga ito para sa akin. Ngunit minsan ay kailangan kong samahan ang mga field researchers lalo na ang mga bagito.

At ngayon nga ay narito kami sa isang malayong barangay sa Bicol. Matarik ang daan. Magubat ang paligid. Malayo sa kabihasnan. Tahimik ang lugar. Naghihintay ako sa barangay chairman. Dahil sa medyo natagalan siya ay nagpasya akong ipagpatuloy ang paggawa ng slides para sa presentation na gagawin ko sa isang research seminar sa Maynila. Resource speaker kasi ako para sa okasyon.

"Nako, pasensiya na po kayo at natagalan ako."

"Okay lang po." Hindi ko muna siya nalingon dahil may isang paragraph akong tinatapos.

"Pasensiya ka na sa lugar namin at wala na namang kuryente ngayon."

"Sanay na po ako."

"Nasaan na ang mga kasama ninyo?"

"Hinihintay ko pa po. Naghiwalay kasi kami ng sinakyan."

"Ganoon po ba? Magmeryenda muna kayo."

Napaangat ako ng tingin. Mga kakanin. Pamilyar na mga kakanin. Nang tingnan ko ang ale ay nagulat ako. "Kapitana?"

"Kamusta?" Nakangiti siya.

Kinilabutan ako. Hindi ako nakasagot dahil sa gulat.

"Sila nga pala ang maghahatid sa iyo sa tutuluyan mo."

Nilingon ko ang tinukoy niya. Ang mga halimaw na duguan ang katawan. "Hindi!"

"Kabilugan na naman kasi ng buwan mamaya, at magpipiging kami."

"Carlo!" May yumugyog sa balikat ko.

"Tonyo!" bulalas ko pagdilat ko ng mga mata ko. Agad ko siyang niyakap.

"Binangungot ka na naman," saad niya. "Sandali." Bumalikwas siya sa kama at kinunan ako ng tubig.

"Salamat," saad ko matapos kong inumin ang tubig.

"Huwag ka mag-alala, hindi ka na nila sasaktan." Niyakap niya ako. Dinama ko na lang ang hubad niyang katawan.

Wakas...

---------


Ang Lalaki sa SitioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon