A/N:okay.Ahem.Dadaldal muna akez.So kung nabasa niyo ang last chapter,may mababasa kayo doon na binganggit ni Manuel ang "Angelica".I really do hate that name.Sos joke.Angel talaga ang real name ni DJ Angel.Kaso nagkamali ako ng pagkatype.Since ang Angel ay maaring kunin sa pangalang Angelica,then okay.Angelica na kasi ang buong pangalan ni DJ Angel.
And sorry for the wrong grammar and typo errors.
----------------------------
"Bestfriend! haha may fieldtrip daw tayo!"sigaw ni Yna.Aba buti hindi siya busy ngayon.
"Saan naman yan bestfriend?"nakibestfriend narin ako.Pagbigyan natin.
"Sa Pampanga!"sagot niya habang nakataas pa ang kamay.Fieldtrip? sa Pampanga?
"Oh tapos?"walang ganang sabi ko habang nakatingin kay Ren.Teka,bakit ko ba siya tinitignan?
"Tanga syempre sasama tayo tange!"hindi ako sumagot.Si Ren kasi nakaub-ob sa desk niya.Anong problema ng mokong na'to?
"Hoy makatitig wagas! aminin mo na kasing gusto mo si Re---"hindi na niya natuloy yung sinasabi niya dahil tinakpan ko ang bibig niya.Naknampusa,napaka bungangera talaga ng babaeng 'to.
"Shattap! hindi kaya! nakatitig ako sa bintana baliw! iniisip ko kasi yung pustiso ni mama!"sabi ko kahit hindi naman talaga bintana ang tinitignan ko,at hindi rin ang pustiso ni mama ang iniisip ko.
"Alisin mo nga yang kamay mo! pwe!"sabay alis sa kamay ko.Eww.Saka siya umupo at humarap saakin."So anong nangyari sa pustiso ni tita?"
Grrr kaya nga ayaw kong kausap 'to eh! lahat nalang ng bagay interesado siya.
"Nalaglag kasi sa kubeta."bulong ko.Hindi niya mapigilan ang matawa.
"Nalaglag?! dont tell me kinuha niya ulit?"pssh kinuha niya kaya ulit!
"Kinuha niya ulit.Sayang daw eh.Nalumpasay nga sa sahig kasi pinapakuha niya saakin.Ano satingin niya sakin? utu uto? duh ang dumi na kaya nun!"nagulat naman siya sa sinabi ko,at the same time nagpipigil parin ng tawa.
"Oh ano suot niya? haha grabe haha kadiri yung haha nanay haha mo! laughtrip bestfriend! nakakaloka si tita ha!"sabay hampas sa braso ko.
"Heh manahimik ka!"actually medyo natatawa rin ako eh.
"Ihhh basta bestfriend sama ka sa Fieldtrip ha?"takte kaya nga binanggit ko yung tungkol sa pustiso ni mama kasi ayokong pag-usapan yung tungkol sa fieldtrip eh.Kaso ayan nanaman siya.
"Bakit ba kasi hindi mo isama yung boyfriend mo? kung meron kaman."walang ganang sabi ko.
"Ay oo nga ano? bakit hindi ko kaya naisip yun? haha teka lang ha? i will ask Uno kung sasama siya."sabi niya saka siya umalis.Nga pala,vacant namin ngayon.Halos wala ngang ginagawa eh.Ewan koba kung anong meron.
Pero teka.Sa pagkaka-alam ko Mark ang pangalan ng boyfie ni Yna ha.Or Mike ata? basta ewan!
"Hoy bakit ang panget mo?"napalingon ako sa taong nanlait sa maganda kong mukha.Aba si Ren!
"Makalait ha.Alis dito."pagtataboy ko sakanya.Nakakainis kasi eh.Hindi ako mapakali kapag malapit siya.
"Joke lang,"saka niya hinila yung upuan ng katabi ko atsaka niya iniharap saakin tapos nagsalita ulit siya."sabay tayong umuwi mamaya."
"Ha?"teka.Nagkamali ata ako nang dinig."Tayo? sabay? bakit?"sunod sunod kong tanong.
"Wala lang.Alam mo hindi na ako magpapatumpik tumpik pa."sabi niya habang nakatitig sa mata ko.
"Hindi ka gets ni watashi."napalingon ako sa baklang nagsalita.Teka,familiar yung mukha niya ah.
"Joe?"sabay naming tanong ni Ren.
BINABASA MO ANG
10 Signs That You're Falling Inlove
Humor[Taglish]-(Fantasy,Romance,Humor,Teen Fiction and etc.)--Isa ka bang NBSB? Pano kung napadpad ka sa isang lugar at may isang tao na nagsabi sayong kaya ka niyang tulungan na maramdaman ang tunay na pag-ibig? Papayag ka bang tulungan niya kung pati s...