"Ran tara CR tayo."
Leche hanggang ngayon nasa utak ko parin yung walang kwentang text ni Ren saakin.Nakakaimbyerna lang.
"Huy Ran"
Bakit niya kaya sinabi yun? hala baka may pagnanasa sakin si Ren.Tapos may tinatago pala siyang kamanyakan! hala jusko baka irape niya ako ≧﹏≦ wag po!!
"Hoi Ran!! ano ba? kinakausap kita eh.Kausapin mo naman akooo!baka mamaya mapanis laway ko nito!"sabi niya sabay yakap sakin.
Baka hindi si Ren ang may tinatago.Hindi kaya dating lalaki 'tong si Yna?
"Hoy Yna tantanan mo ako sa mga kamanyakan mo ha.Alis diyan inaantok ako"sabi ko sabay tulak kay Yna.
"Sus minsan nga lang ako maging sweet sayo.Date naman tayo minsan bestie! kita tayo mamaya ha?"pangungulit niya sakin.Siguro nga kailangan namin ng time ni Yna para makapagbonding.
"Oo na.Mamayang uwian sige.Teka,break naba kayo nung boyfriend mo?"
Umiwas siya nang tingin saakin bago siya sumagot."Oo eh.Haha babaero kasi,so n-nakipag hiwalay ako."
"Hoy wag ka ngang iiyak.Ilang araw lang kayong nagtagal eh."
Bago pa siya magsalita,humagulgol na siya ng iyak.
Hindi ko kasalanan yun ha.
"K-kasi naman....ang tagal ko na siyang gusto eh...."
"Haiisst! halika nga dito.Bago ako matulog hug muna tayo.Keri mo yan besfriend."sabi ko saka ko hinahaplos ang likod niya.
"Ang arte mo bestfriend.Sige CR muna ako."gusto ko sana siyang tulungan kaso agad naman siyang tumakbo palabas ng room.
Ganon ba talaga pag naiinlove? masakit ba talaga? ang bata pa ni Yna para maramdaman yun.
Ganon din kaya ang mangyayari saakin kapag naramdaman ko na kung pano mainlove?
"Boooo!"
"AyGag*KaRen!"ay tokneneng bakit ko nasabi yun?! san ko napulot yun?!
"Ha? hindi kita naintindihan Ran.Paki-ulit nga."
"Langya ka naman Ren.Alam mo kung hindi ka titigil baka mainis ako at putulan kita."
"Anong puputulin mo?"sabay lapit niya mukha niya sakin.
"Yung......yung...buhok mo! tama puputulin ko yung buhok mo.Ano naman sa tingin mo ang puputulin ko?! ang manyak mo talaga!"saka ko siya hinampas hampas.Takte kung ano ano na tuloy ang lumalabas sa bibig ko.
"Okay,sabi mo eh.Tara punta tayo sa mall."hindi pa ako nakakasagot sa alok niya,hinila na niya ako papunta sa sakayan ng jeep.
"Hoy Ren ayokong magcutting! papatayin ako ng nanay ko eh!"
"Wala tayong pasok ngayon.Haha,manong bayad po."saka niya inabot yung bayad dun sa ale.
"Hala sigurado ka? teka kung walang pasok edi uuwi na ako."
"Date muna tayo."saka niya hinawakan yung kamay ko.
"Hoy leche ka!" sabay hila ko sa kamay ko. "Bakit hinahawakan mo kamay ko?! manyak ka talaga!"saka ko hinila ang kamay ko at hinampas hampas ko siya.
"Aray! pagbigyan mo na ako! birthday ko naman bukas eh."
"Basta ayoko!--manong para!"
"Please Ran? ibibili ko ng pustiso mama mo."
BINABASA MO ANG
10 Signs That You're Falling Inlove
Humor[Taglish]-(Fantasy,Romance,Humor,Teen Fiction and etc.)--Isa ka bang NBSB? Pano kung napadpad ka sa isang lugar at may isang tao na nagsabi sayong kaya ka niyang tulungan na maramdaman ang tunay na pag-ibig? Papayag ka bang tulungan niya kung pati s...