Angel's POV
"RENJIE!!! SAAN MO BA AKO DADALHIN?!"si Ren kasi eh! kanina pa ako hinahatak.
"Shhh wag kang maingay.May nagkaklase pa.Sige ka,baka may makakita saatin."pabulong niyang sabi habang hatak hatak ang kamay ko.
Kainis! kasi naman pagkatunong ng bell na hudyat na malapit na ang last subject,bigla nalang akong hinatak palabas netong si Renbobo.
"Ren pag ako nainis tatadyakan ko yang kinabukasan mo."sabi ko.Aba wag niya akong ginagaya sakanya,kung siya walang pake sa grades niya,syempre ako meron.
"Pupunta tayo sa park,yung malapit sa bahay niyo."seryoso niyang sabi.Okay,bakit naman niya ako dadalhin dun?
"At bakit naman tayo pupunta doon aber?"bumitaw ako sa pagkakahawak niya.
"Magd-date tayo."nakangiting sabi niya.
"Pffft! haha Ren baliw kaba? haha adik mo rin 'no? tayong dalawa? magd-date? Ha! in your dreams!"natatawang sabi ko.Grabe hindi ko mapigilan.
"Bakit,Ran? masama bang idate ang taong mahalaga saakin?"oooookay.Why so serious Ren?
"T-teka....hindi kita maintindihan.."shocks hindi dapat ako nabubulol!
"Diba magkaibigan tayo?"tanong niya.
Anong isasagot ko? magkaibigan nga ba kami?
Kaibigan nga lang ba ang tingin mo sakanya o hingit pa doon?
Putek naguguluhan ako!!
"Syempre..."yan nalang ang naisagot ko.Magkaibigan naman kami diba? lagi kaming sabay umuwi.Nakapunta nanga ako sakanila eh,so ibig sabihin noon ay magkaibigan kami.
"Edi ibig sabihin nun ay mahalaga ka saakin.Meron bang magkaibigan na hindi pinahahalagahan ang isat isa? wala diba? kaya tara na!"saka niya ulit ako hinila.
Kaya wala akong nagawa kundi ang sumama nalang sakanya.Magkaibigan kasi kami.
"Ren bakit parang iba ka ata ngayon?"tanong ko habang kumakain ng fishball.
"Anong iba? sus ganito naman talaga ako eh."sagot niya habang nakatingin sa araw,seriously? wag niyo akong barahin.Alam kong kahit sino,hindi matatagalan ang liwanag ng araw.Kasi nga pinapanood namin ang sunset habang naka-upo sa swing.
"Sabi mo eh.Bakit mo nga pala ako dinala dito? tss oo nga pala,nagd-date pala tayo.Haha ang sweet!!"sabay kurot sa pisngi niya.
"Aray! sadista ka talaga!"saka niya hinimas yung parteng kinurot ko.
"Ren.May problema ka ano?"tanong ko.Feeling ko kasi may problema 'tong mokong nato eh.
"Mind reader ka talaga."saka siya yumuko.
"Magkaibigan tayo diba?"bigla naman siyang lumingon at tumango tango."Edi magsimula kanang magkwento.Mapagkakatiwalaan mo naman ako eh."
"Nung 7 years old ako,naghiwalay si mama at papa."huminto siya saka pinunasan yung mukha niya.What the f? bakit siya umiiyak?
Hindi ko siya ginulo.Kaya tinuloy niya ang pagk-kwento.
"Si mama nagkaroon ng affair sa kapatid ni papa.Then nagbunga yun.Kasalanan naman kasi ni papa eh,kung hindi sana siya nakuntento kay mama hindi sana mahuhulog si mama sa kapatid ni papa.Nung nalaman ni papa na may anak si mama kay tito lagi niyang sinasaktan si mama.Dahil siguro hindi na makayanang makita ni tito ang mga pasa ni mama,itinakas niya si mama at dinala sa ibang bansa.Naiwan ako kay papa,hindi naman ako galit sakanila eh.Buti nga at naghiwalay na sila,alam ko naman kasing hindi magwowork ang relationship nila,lalo na't biktima sila ng arrange marriage."this time lumuluha na talaga siya ng bonggang bongga.
Hinimas ko ang likod niya habang siya naman ay humahagulgol ng iyak.
"Tahan na.Naiiyak narin ako eh!"
"Kainis.Ang sabi nila big boys dont cry.Pero bata pa naman ako diba?"tumango nalang ako bilang sagot sa tanong niya.
Nagtagal pa kami ng isang oras sa park.Tapos hinatid niya ulit ako.At gaya nung isang araw,binagalan ko ulit ang paglalakad,pero mas mabagal kaysa doon sa kahapon.Feeling ko kasi ito naang huli naming pagkikita eh.
End of Ran's POV
Third person's POV
Pag-uwi ng binata ay hindi niya alam na may isang taong naghihintay sakanya.Hindi ang kanyang ama kundi ang kanyang......
"Ma? ano pong ginagawa niyo dito?"saka niya ito niyakap ng napakahigpit.Sino ba namang anak ang hindi yayakapin ng mahigpit ang kanyang magulang na hindi niya nakita ng amin na taon.
"Anak....inatake sa puso ang papa mo."umiiyak na sabi ng kanyang ina.
Hindi alam ni Ren kung malulungkot ba siya dahil baka isama na siya ng kanyang ina sa Amerika o matutuwa dahil sa wakas,makakasama na niya mama niya.
"At aalis na tayo papunta sa Amerika bukas na bukas...."ewan niya ba pero pagkatapos bigkasin ng kanyang ina ang mga huling pangungusap na lumabas sa bibig niya,bigla nalang nag-init ang kanyang mga mata.
Nag-empake na sila at pagsapit ng kinabukasan,hindi na niya nagawa pang tumutol sa ina.
End of Third person's POV
Ran's POV
"Reeeeen!!! Reeeeen!!!"sigaw ko sa labas ng bahay nila Renbobo.Isosoli ko kasi yung panyo niya.Siya yung umiyak pero saakin niya binigay yung panyo niya.Bobo talaga.
"Ineng sinong hinahanap mo?"tanong nung lola na biglang sumulpot.
"Yung si Ren po."
"Ay sinundo na siya ng mama niya ata yun.Umalis na sila papunta sa ibang bansa."saka siya nagwalk out.
"Pero the f?! si Ren umalis? hindi pwede!!"dali dali kong dinial ang number niya pero wala.Anak ng pusa bumalik ka Renjie!!!!!
Kinontak ko ang number ni Kong.
"Hello?"sabi ng sa kabilang linya.
"Bakit?"
"Kong alam mo ba kung nasaan si Ren?"paknes! Ren pag hindi ka bumalik,iiyak talaga ako!
"Hindi ba niya sinabi sayo? umalis na siya eh.Sinama na ng mama niya sa Amerika."
Kaagad kong naibaba ang phone ko.Kainis bakit nanghina ako bigla? bakit ako nagkakaganito? bakit naiiyak ako?
Ran gumising ka nga! galit ka sa mga lalaki diba? bakit iniiyakan mo ngayon ang isang Renbobo?
Umuwi akong luhaan.Tinanong ni mama kung bakit pero hindi ako sumagot,basta basta nalang akong pumasok sa kwarto ko.Feeling ko namatayan ako eh.
"Ran....."napalingon ako sa may pintuan.
Ate Angel?
"Ano pong ginagawa niyo dito?"nagtatakang tanong ko.
"Ran.Congrats.Tapos kana sa 3rd sign."saka niya ako niyakap.
"Talaga ate Angel?"tumango lang siya.
"Ran kailangan na nating madaliin."Hindi na niya ako hinintay magsalita."Fourth sign,'You feel shy whenever you're with him.'"mabilis niyang sabi.
Teka bakit ang bilis?Feeling ko ang weird kasi namumula kanina yung mata niya tapos she mouthed "sorry,see you soon Ran" pagkatapos niyang maglaho.
The the heck is happening?!
***
Yeah i know maraming nagulat,haha choss lang.
Manhid kasi si Ran,alam na niyang mahal niya yung tao tapos .......ay ewan!
Seriously,hindi dapat ito ang kalalabasan ng chapter 11.Kaso naisip ko,kailangan may twist.So be contented nalang.
Sayonara!
BINABASA MO ANG
10 Signs That You're Falling Inlove
Humor[Taglish]-(Fantasy,Romance,Humor,Teen Fiction and etc.)--Isa ka bang NBSB? Pano kung napadpad ka sa isang lugar at may isang tao na nagsabi sayong kaya ka niyang tulungan na maramdaman ang tunay na pag-ibig? Papayag ka bang tulungan niya kung pati s...