«Ran's Point Of View»
"Sister!! wait for meee!"sigaw ni Yna,bestfriend ko.
"Ayaw ko! nagmamadali ako! may part time job pa ako!"sigaw ko mula sa malayo.
"Gaga kaba? oh sadyang ulul lang? thirteen years old kalang! saan kaba talaga pupunta? makikipag kita ka sa boyfriend mo no?!"sermon niya sakin noong naabutan na niya ako.
"Gergu! wala akong syota! ehhh....kasi....."
"Kasi ano?!"
"Ahhhhh.....kasi tinawagan ako ni mama,nawawala daw yung pustiso niya eh"
"Hala ang laki nga ng problema ng nanay mo.Sige gora kana.Ibalita mo saakin kung nakita na niya ha?"
"Sige.Naku alis na ako sister,alam mo namang nagiisa lang akong anak at walang ibang pwedeng maghanap ng pustiso ni mama"
Pagkatapos kong magpaalam sakanya umalis na ako at pumunta na sa sakayan ng jeep. Tsk! nakakabadtrip naman si mama -.- ginawa pa akong taga hanap ng pustiso! arghh kainis.
Habang naglalakad ako,feeling ko may sumusunod saakin or feeling ko lang yon?
Tak tak tak tak tak
Syet may sumusunod talaga sakin!
*lingon sa kanan* *lingon sa kaliwa*
Kung wala sa gilid ko nasaan kung ganon? leshe bakit kasi gabi na kami kung umuwi?!
Tak tak tak tak tak
Wahhhhhh! may sumusunod talaga sakin!!
"Wahhhh,kung sino ka mang sumusunod saakin! wag mo akong susundan! pwede bang b-bukas ka nalang sumunod? m-may gagawin pa ako eh! hahanapin ko pa yung pustiso ni mama. T^T"
Pagkasabi ko nun nawala yung tunog ng pagyapak kaya lumingon ako sa likod ko pero wala akong nakita! hindi kaya multo yun? dahil wala akong nakita humarap ulit ako.
"UWAHHHH!!!! m-may multo!!!!!"sigaw ko.
Tatakbo na sana ako pero bigla niyang hinablot yung braso ko.
"Hoi wag kang maingay! sumunod ka nalang saakin! pramis hindi ka magsisisi!"pagkasabi niya nun hinatak na niya ako.
~CHIKA CHIKA STATION~
"Teka teka bitaw! bakit tayo nasa isang radio station? tomboy kaba?"
"Oh ayan bumitaw na ako,at excuse me? hindi ako tomboy! kaya lang naman kita dinala dito ay para kausapin at sabihing kaya kitang tulungan!"
"Talaga bang kaya mo akong tulungan? tsk baka nagbibiro kalang! naku ipapahunting talaga kita!."ewan ko ba kung bakit napadpad ako dito at sumama sa babaeng 'to.
"Oo kaya kitang tulungan! gaga ka! para san pa't naging isa akong DJ?!"
"Wala akong pake! teka teka! ano bang pinagsasasabi mong kaya MO akong tulungan?"
"Kaya kitang tulungan para malaman mo kung inlove kaba talaga o hindi!"
"Teka pano mo nalamang hindi ko alam kung love naba talaga ang nararamdaman ko?!"
"Secret! maraming connections ang mga katulad kong magaganda! at kaya talaga kitang tulungan! at kahit NBSB ang lola mo magaling ata 'tong tagapayo!"
"ANONG SINABI MO?! ISA KARING NBSB?!"
"Eh ano ngayon kung isa akong NBSB?"
"Ah basta ewan!!"Tatalikod na sana ako pero hinila niya yung kamay ko.
"Wait! wag kang susuko! let this *turo sa sarili* DJ NBSB tell you the 10 Signs That You Are Falling Inlove *wink*"
"Ten signs what?! hahaha! baliw ka no? haha kaloka ka te! ano namang gagawin ko diyan sa ten signs mo? naku napaka bata kopa para malaman yang mga ganyang bagay!"
"Tawa tawa ka diyan! hindi ako nakikipagtawanan sayo,infact gusto nga kitang tulungan eh! ayaw mo talaga?"
"Ayaw ko! ayaw ko at ayaw ko!"
May inilabas siya sa bulsa niya at iniabot ito saakin.
"Ayan calling card ko,alam kong napakabata mo pa para malaman kung love ba talaga yung nararamdaman mo pero pangako,nangangako ako at sinisigurado kong makakatulong yon para sa future mo,pero kung ayaw mo talaga pwede mo namang itapon nalang yang calling card ko"pagkatapos ngumiti siya saakin at umalis na.
Pagkatapos ng mga pangyayaring yon umuwi na ako.At pagkadating ko sa bahay sandamakmak na sermon ang inabot ko kay mama,kesyo hindi daw ako maagang umuwi at hindi ko daw hinanap yung pustiso niya,ako naman natatawa nalang kasi hindi siya makapagsalita ng maayos. Pagpasok ko naman sa kwarto ewan ko ba kung bakit pero automatic na inilapag ko yung calling card sa ilalim ng phone ko,pagkatapos kong maghilamos natulog na ako dahil bukas may isang napakahirap na desisyon akong iisipin.
----------
Short UD xD
BINABASA MO ANG
10 Signs That You're Falling Inlove
Comédie[Taglish]-(Fantasy,Romance,Humor,Teen Fiction and etc.)--Isa ka bang NBSB? Pano kung napadpad ka sa isang lugar at may isang tao na nagsabi sayong kaya ka niyang tulungan na maramdaman ang tunay na pag-ibig? Papayag ka bang tulungan niya kung pati s...