MG Mall.
Mall kung saan nagkukulitan, nagtatawanan, at kung minsan pa ay nag iiyakan, naglalabas ng emosyon at kung ano ano pa.
Kulang nanga lang don kami matulog eh dahil kada tapos ng klase, parang yung mga paa na mismo namin ang nasanay na don ang destinasyon.
Hahay may sariling utak ganon?
Kaming magbabarkada, ginawa na naming pangalawang bahay ang mall nayan.
Oh baka first home? haha joke lang. Syempre umuuwi din nan kami, ano adik lang sa mall ganon? haha ^^
Ang palaging pinupuntahan namin don ay yung foodcourt sa 6th floor. Nilalakad namin yun dejoke lang, nag eescalator kami syempre. O di kaya naman ay elevator.
Sa foodcourt naman, may favorite spot kami dun. yung tinatawag naming green table.
Mahabang table yun, kaya kasya kami lahat.
Sa green table nayun, nangyayari ang lahat. Lahat ng katangahan, kagagahan at yung nakaupo kami sa upuan at nang sa sight ng gwapo o maganda.
Eh wala adik ang mga barkada ko eh.
At mukhang nahawa naman ako bwahaahhaha ^^
Nakakahawa naman kasi eh. Kasama ko na kaya sila halos pitong taon na no, eh imposible lang kung di ka mahawa sa kabaliwan ng mga unggoy mong kasama.
Harsh no? masanay na kayo kasi wala kayong magagawa Hahaha (evil laugh).
"Jassiieeee!!"
Kung makatawag naman to parang malapit nakong masagasaan ng tren sa kanto.
"Oh ano?""San tayo mamaya?^^"
"Tinatanong mo pa talaga ha hehee, kung san tayo dadalhin ng mga paa natin. Haha dejoke lang. Kayo bahala." sabi ko kay Shelly.
"Lugar lang naman tinatanong ko ah? dami talagang laman ng utak mo noh? may pa paa paa kapa dyan. baliw lang te?"
Ay sorry naman. Malawak lang ang imagination kaya saan saan na napupunta.
"So saan nga?"
"Sa MG nalang. kain tayo."
"Libre mo ba?"
"Eh talaga tong si Jassie, hindi noh! bilhan mo sarili mo. Lakas mo kayang kumain. Bakulaw ka sa lamesa ikawng babae ka!"
Napatawa silang lahat sa sinabi ni Shelly.
At ako, smile smile lang din.
TOTOO NAMAN KASI.
Lakas kong kumain pero payat ko padin. Hindi kasi nakikipag cooperate metabolism ko eh. Langya.
"HAHAHAHAHAH!!
Tawa sila ng tawa. Di paba sila titigil?
Andito kami ngayon sa classroom namin. Magkaklase kasi kami lahat. pero kahit papano naman, di parin kami nagsasawa sa mga pagmumukha namin.
Nakaupo lang at nag aantay ng dismissal.
"krriiiinnnggg!"
Tumunog yung bell. Parang grade school ang peg, may pa bell pang nalalaman ang school nato. Ganern.
Ngalabasan na ang ibang studentd sa mga classroom nila. Pati narin yung ibang kaklase namin.
Pero ang barkada ko? Eto, hihntayin pa atang lumindol bago lumabas ng room.
Nagpa powder, nagsusuklay na parang wala nang bukas. At ako? syempre nanghingi din ng powder.
Magpapahuli paba ako?
Haha hipokreta ang peg.
After how many years, lumabas din kami ng room. pinatay yung ilaw, lahat na pinatay. Pati ang barkadang bagal maglakad palabas.
Hahahbdejoke lang. Joker ako eh pasensya na sarcasm.
Pumunta na kami sakanya kanyang "major subjects" namin. Iba iba kasi kami, yung iba
FOODS,
ELECTRICAL
AUTOMOTIVE
ELECTRONICSAt ako? Computer lang naman.
....~...
After two hours nang pagpapa aircon sa Computer room, nagsilabasan narin kami.
At dahil ang bagal ng mga barkada kong bumaba sa building na kinaroroonan ng room nila dahil naglalakad na parang mga prinsesa, Langya lang.
Kaya naghintay ako sa lobby namin, alangan naman maghintay ako sa lobby nila no! swerte naman nila kung dun ako mag aantay. alalay lang ganon?
Pero okay lang naman maging alalay nila, wag lang sila sumobra kasi baka sila ang alalayan kong nakasaklay na.
Matapos ang ilang years kong pag aantay, dumating na ang mga prinsesa kong kaibigan.
"Jassiiiieee!" tinawag nila ako na para nanamang mahuhulog ako sa isang napakalalim na bangin.
"Oh ano? tapos naba ang fashion show? bat parang naka braid yata ang mga magaganda nyong buhok?" tanong ko sakanila at napathank you at oatalon talon pa silang bigla. May nalalaman pang pagpapacute. Nagsidaan sila sa harapan ko at inirampada ang mga buhok nila. As if naman naiinggit ako no?
"Ganda nang buhok nyo ah! pero wag masyadong feeling. Buhok nyo lang maganda hindi mukha nyo. HAHAHAAHAH"
"Panira ng moment naman tong bakulaw natoooo!" sigaw ni Ais habang iritang irita sa sinabi ko. pero hindi naman sya galit.
At dahil sa pagpapacute na sigaw ni Ais, may lumabas na teacher sa isang room at..
"Dont you have any classes you young ladies? do you want to be reported at the principals office for disturbing any classes?"
At dahil nakatingin lang sakin ang teacher, hindi ko namalayang unti unti na pala silang nag evaporate sa gilid ko.
Langya nito iniwan ako ng mga unggoy.
"Sorry po ma'am. Sge ho."
At dahan dahan na akong lumakad. At ilang saglit lang ay tumakbo na talaga ako para mahanap ko ang mga kumag nayon.
At dahil sa kakatakbo ko nakita ko sila at..
"Waaaahhhh! Lagot kayo sakiiin!!!"
"Halaaaa! takbo takbo! may bakulaw na parating!"
At dahil sa word na bakulaw, napahinto ako.
Ano daw? bakulaw?
At dahil gusto kong kurutin ang mga pisngi ng mga unggoy nayon, sinundan ko sila ulit at nagtakbuhan na naman ang mga pusa. Haynako nakakapagod na ha.
"Lagot kayo sakiiinn!" sigaw ko habang tumatakbo at.. :-
"Aray!" Natapilok ako at my isang paa akong nakita sa gilid ko..
Panglalaking paa. Shit.
To be continued..
BINABASA MO ANG
It's Always Her
RomanceThis love never ended in my heart, nor ignored. But it was forgotten by her. And the love we may have at the moment of reconciling, will never be assured for some reason. But I have to do something. Will it still be significant if I still run after...