Jassie's POVPagkatapos ko silang pasakayin ng jeep lahat ay pumunta agad ako sa kabilang kanto para sumakay rin ng jeep. Pumara agad ako ng jeep. Pumwesto ako sa frontseat. Gusto ko kasing matulog eh. At kung di nyo tinatanong, ako ang dakilang Tulog-era sa jeep. Hahah.
Proud pa talaga noh.
Patulog na sana ako ng biglang nag umapak ng break ang driver.
"Manong dahan-dahan naman po. Aatakihin ako sa puso sa inyo eh." sabi'ko sa driver ng jeep na katabi ko lang.
At hindi man lang sya sumagot, aba't 'wag ko kayang bayaran ng pamasahe to? Nakakabwiset ha.
Inalis ko na ang ang tingin ko sa driver. At napag-isipan kong di nalang ako matutulog. Eh baka hindi'na ako magising. Choss.
Tumingin tingin lang ako sa daan at pinapahanginan ang mukha ko. Sarap kasi sa mukha eh parang electic fan.
Nagred light kaya huminto muna yung jeep. May taxing huminto rin sa gilid ng jeep na nasa side ko. At dahil mausyoso talaga tomg mata ko, tiningnan ko kung babae ba o lalaki ang nakasakay nito. Tiningnan ko talaga ang pasahero, at kunya kunyari pang nanalamin lang ako.
At bigla ko nalang hiniling na sana hindi ko nalang talent ang tumingin sa mga humihintong sasakyan.
Bwisit, si Patrick.
Oo, si Patrick ang pasahero. Bago pa sya makatingin sa binatana ng taxi ay iniwas ko na agad ang tingin ko.
Sana hindi sya tumingin dito, sana, sana, SANA TALAGA HINDI.
Umayon naman ang traffic lights kasi ang green na ito. At agad namang tumakbo ang sinasakyan kong jeep.
I love you na talaga kuya driver! at dahil dyan, magbabayad na ako.
Pero naalala ko ang mukha nyang nakasakay sa taxi. Ang lungkot ng mukha nya. At ang lalim ng iniisip nya. Ano kaya yung nasa isip nya ngayon? iniisip nya ba ako? iniisip nya ba ngayon kung ano ang naramdaman ko noon? nakonsensya ba sya? bakit amg amo parin ng mukha nya?
Pero leche, ang gwapo pa rin.
Tigilan ko na nga to.
Tandaan mo Jassie, galit ka, galit ka sa kanya. Galit ka sa Patrick na yun.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
At sa kakaisip ko sa bagay nayun, hindi ko namalayang lumagpas na pala ako sa subdivision na tinitirhan ko. Bwiset.
"Ah manong bababa ho!" huminto agad ang jeel at dali-dali akong bumaba. Tumakbo ako patungong gate ng subdivision.
Patay.

BINABASA MO ANG
It's Always Her
RomanceThis love never ended in my heart, nor ignored. But it was forgotten by her. And the love we may have at the moment of reconciling, will never be assured for some reason. But I have to do something. Will it still be significant if I still run after...