Patrick's POV
"It's Jassie." Nabulong ko nalang sa sarili ko. Si Jassie ang nakita ko.
"Huy Patrick narinig ko yun. Baka namalik mata ka lang." hirit naman ni Alex sa tabi ko.
"Si Jassie talaga yun. Di ako pwedeng magkamali." sabi ko habang tinitingnan ko sila Louie na takang taka sa sinabi ko.
"Oh sige na. Mamaya na natin isipin yan. Kumanta ka nalang. Naghihintay ang mga tao oh." sabi naman ni Louie.
Kumalma naman ako. Pero sigurado talaga ako dun. Familiar din kasi yung mga kasama nya. Yung mga babae. At dun sila nakaupo sa may mesang pinakagustong tambayan namin. Ang green table. Hindi ko talaga makakalimutan yun, kasi kami mismo ni Jassie ang nagpangalan sa table nayun.
I decided na kumanta nalang at wag munang isipin yun. Gaya ng sabi ni Louie.
"Anong kakantahin mo Pat?" Tanong ni Mang Benny.
"I Won't Give Up ho sana."
sabi ko naman.Nagstart namang tumugtog si Mang Benny sa intro at nag beatbox naman si Louie. At eto na nga, kakanta na 'ko.
When I look into your eyes,
It's like watching the night sky.
Or a beautiful sunrise,
Where there so much they hold.Hindi ko namalayang habang kinakanta ko ang kantang yun ay may namuong luha sa mga mata ko. Every word of that song made me realized that I failed. I always think of not giving up that time. But I still failed. I failed on fighting for my right, i failed. I Gave Up.
"Pre, okay ka lang ba? Dapat talaga hindi na kita pinasama dito eh. Magpahinga ka muna. At umuwi ka na sa inyo." Sabi ni Louie sa akin. Agad naman akong napatayo nang hindi man lang tumitingin sa kahit na sino. Bahagya lang akong nakayuko habang naglalakad at parang tumitingin sa kawalan. Na parang umiikot ang mundo ko.
Naglakad ako patungong elevator. Pinindot pindot ko yung Arrow Down Button at agad naman itong bumukas. Pumasok ako agad sa elevator na parang wala sa sarili.
5th....
4th..
3rd...
2nd....
Ground floor... ting!
Bumukas na ang elevator. Lumabas naman ako at naglakad papalabas ng mall. Napagdesisyunan kong umuwi na talaga sa amin. Pumara agad ako ng taxi at sumakay.
"Sa Hagnaya Subdivision lang ako kuya. Eto bayad oh, just keep the change. " sabi ko sa driver at nag abot ng isang libo.
Sa ilang minuting byahe ay nakarating agad ako sa 'min. Bumaba ako ng taxi at saktong saktong nasa tapat na ako ng gate namin. Pinindot ko na yung doorbell at may nagbukas naman ka agad.
"Good evening sir." Bati ng kasambahay naming si Manang Flor. Nginitian ko naman sya at dumeretso nang pumasok sa mansion. Oo mansion, ang laki lang kasi talaga ng bahay na to. Dream house kasi to ni Mommy kaya pinagawa talaga ni Daddy.
Napahinto ako sa may pinto. Hinawakan ko ang knob ng malaking pintong ito.
"Welcome home Paaaat!!" bungad nila sa akin sa saktong pagbukas ko ng pinto. Napangiti naman ako at niyakap kaagad ako ni Patrice. Nakababatang kapatid ko. Nandito ang lahat ng mga Villaroel at Cortez. Villaroel ang side ng Daddy Arnold ko At Cortez naman sa side ni Mommy Celine.
Sinalubong nila akong lahat at nag congratulate. Natapos ko na kasi ang course kong architecture sa states.
Niyakap ko rin sila Mommy at syempre si Daddy.
"Congratulations anak, at salamat." Sabi no daddy habanag nakayakap sa akin. Nag cheers silang lahat sa wine glass na hawak nila at uminom at nagsimula na ang party. Marami akong nakausap sa party. Marami daw kasing projects na gagawin at ako ang arkitektong kukunin nila. Business man kasi si papa at mama at mayroong company ang family namin.
Pagkatapos ng mahabang usapan, nagpaalam na ako sa kanila para magpahinga.
"Sige anak, go rest. Alam kong pagod ka na. " nakangiting sabi ni mama. Umakyat naman ako at pumunta sa kwarto ko.
Pagdating ko sa kwarto ko ay napahiga ako ka agad at napapikit nalang.
"Haaaaay.. ang lambot talaga ng kama ko." Nasabi ko sa sarili ko at parang baliw na nagsasalita. Nagpagulong gulong ako sa kama at may naalala akong bigla. Namiss ko rin ang bahay na to.
Sumagi ang mga ala alang iyon sa utak ko at bigla nalang pumatak ang luha sa gilid ng mata ko.
Hangga't di ko namalayang nakatulog na pala ako...
Ais POV
"Bilis na guys!" nagmamadaling sabi ni Shelly. Nagtataka lang ako kung bakit kami nagmamadali, wala namang naghahabol ah?
Sa bilis naming maglakad ay parang kami na ang papalit sa escalator. At nakalabas narin kami ng mall ka agad.
"Hooh! Hiningal naman ako sa inyo. Wala namang naghahabol ah." hinihingal na sabi ni Charisse.
"Saglit, *ha* sumakay nanga tayo. Para na tayong mga asong ulol dito. Hooh!" Daing naman ni Shelly.
"Teka sandali lang." umayos ng tayo si Jassie, then she crossed her arms at tiningnan silang lahat. "Parang ang layo ng tinakbo nyo ah, tumakbo nga ba kayo? hahaha. Bawas bawas na kasiii. Tabachoy nyo. Hmp! haha." dag dag pa nya at tumawa nalang silang lahat.
Niyakap namin ang Isa't isa. Tradisyon yun at sign na uuwi na talaga kami. Naunang sumakay si Shelly. Tapos sumunod sina Charisse, Roch at ako. Naiwan sina Elly at Jassie. Eto kasing si Jassie kahit ang antok na eh hinahatid parin kami. Ayaw nya daw kasing "mang-iwan" kaya sya nagpapahuli. Nasa isang kanto panaman yung sasakyan nya ng jeep. Oo, nagj-jeep kami lahat kahit maypera kami. Wala lang, gusto lang talaga namin. May kotse na nga yung dalawa samin eh. Yaman kasi. Pero di parin nila ginagamit. Soon nalang daw pag grumaduate kami.
Nandito kami ngayon sa jeep. Nag aalala talaga kami kay Jassie. Pano na ngayong andito na si Patrick. Haaaay nako. Mababaliw na talaga ako sa kakaisip ah.
Tahimik lang kaming tatlo sa jeep. Parang nabagsakan talaga ng mundo yung mga mukha namin eh. Mas mahaba pa sa edsa. Maya maya pa ay bumaba na si Roch. Nag-tap lang sya chaka bumaba. Tapos pagdating namin sa ikalawang kanto, bumaba naman ako. Nagpaalam ako kay Charisse tsaka bumaba ka agad.
Iniisip ko talaga ang pag-uwi ni Jassie eh. Mag-isa lang sya sa bahay. I mean nandon naman si Manang Rosa pero di pa rin sapat yun. Tsk.
Pagdating ko sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto ko. Wala kasi sila Mommy ngayon, may business trip daw. Kami nalang naiwan ni Aaron. Kapatid ko.
I immediately texted Jassie pagkaupo ko sa kama ko.
To: Jassie :)
Okay ka lang ba? nag aalala lang kami sayo eh. Magpahinga kana, wag mo na syang isipin. Wag mong isipin lahat. Matulog ka na. Good night bakulaw :)
And after a few seconds ay nagreply naman sya kaagad.
From: Jassie :)
Zzzzzzzz. Tulog naaaaa. Haha oay lang ako ano ka ba. Good niiighhtyy airport! haha.
Kahit kailan talaga dala parin nya kakulitan nya. Pffft.
Hindi nalang ako nagreply. Dahil baka kung saan mapunta yung text nya. Humuhugot pa naman yun.
"Hahaaaay" daing ko habang nakahiga na sa kama.
Sana talaga lumipat na si Jassie. Baka di nya kayanin ang 10 meters na layo ng bahay nya, tsk tsk...

BINABASA MO ANG
It's Always Her
RomanceThis love never ended in my heart, nor ignored. But it was forgotten by her. And the love we may have at the moment of reconciling, will never be assured for some reason. But I have to do something. Will it still be significant if I still run after...