Third PersonSumakay na ng escalator sina Jassie at ang friends nya papuntang foodcourt sa sixth floor. Pagdating nila sa foodcourt, inikot nila agad ang mga ulo at mata nila para makanap ng bakante.
"May nakaupo ata sa may green table natin ah. " nalungkot na sabi ni Roch.
"Aalis din yan maya maya, mukhang tapos nadin naman silang kumain eh." sabi ni Jassie.
Maya maya pa nga ay umalis na ang mga nakaupo sa chairs ng green table. Kay biglang nagliwanag ang mga mukha ng mga girls at dali daling tumakbo to the green table. Nagtinginan ang mga taoa sa kanila at parang natatawa.
Naupo na sila at nag isip kung ano ang bibilhin nila.
"Anong bibilhin nyo?" tanong ni Charisse.
"Siguro itong buong mall bibilhin ko." sagot naman ni Jassie.
"Si Harley kaba? parang nahawa ka kasi kay JOKER eh." sabat ni Roch.
"Hay nakooo napunta na naman tayo sa usapang bobo. Hahahaha" sabi ni Shelly.
Tumawa nalan sila lahat at nagsitayuan para bumili ng pagkain. Naiwan si Ais at Jassie.
Ais POV.
"Uy Jassie, di kapa ba bibili? bili muna ko ha. May ipabibili ka ba?" tanong ko habang nakasubsob ang mukha ni Jassie sa lamesa.
"Sige, bilhan mo lang ako ng kahit ano. Yung masarap." sabi nya habang nakayuko parin sa mesa.
Tumayo na ako at iniwang mag isa si Jassie. Hay nako kanina lang parang sasabog na sa kakatawa, ngayon parang sya ata ang nasabogan ng dinamita. Bilhan ko nga to ng ice cream para ma hyper to.
Pumunta na ako sa stall ng McDo para bumili ng Hot Fudge Sundae. Tinatlo ko na. Para mahimasmasan sa katamlayan ang kaibigan ko.
Hindi ko madalas maintindihan si Jassie, pero sinasabayan ko nalang sya. Naging ganyan kasi sya mula 4 years ago. Parang nagf-flashback lahat pag may isang bagay na konektado sa nangyari noon.
Nakapag move on na siya oo, pero parang may nakakabara parin sa isip nya na ayaw nyang maalala pero pilit itong bumabalik sa kanya. Hindi ganyan si Jassie. Hindi yan tumatamlay pag kasama kami. Kasi para sa kanya, gusto nyang maging masaya kami pag andyan sya. Yun bang gusto nyang maging clown pag andyan kami sa tabi nya.Ngunit laki ng pinagbago nya, pero hindi naman namin sya masisi dun. Focus kaming lahat kay Jassie pag kasama namin sya. Oo, masaya kami, pero mag aalala kami sa kasiyahang yun dahil alam naming sa ilang sandali ay mababago na naman amg mood ng kaibigan namin. Ang weird no?
Mag isa nalang kasi sa buhay ngayon si Jassie. Namatay na kasi parents nya. At yun ang pinakamalungkot na nangyari sa buhay nya.
Jassie's Pov
Tagal naman ng mga babaeng yun. Ang bagal talagaaaa nakuuu.
Nakasubsub parin ang mukha ko sa green table.
"Hoy Jassie gising, andito na ice cream mo. Baka matunaw to sige ka." sabi ni Shelly habang tinatapik ang likod ko. Inangat ko naman ang ulo ko at nakita kong nakatingin silang lahat sa akin.
"Hoooyy, umupo na nga kayo. Para nyo kong dinadasalan dyan eh. Sige naaa upo naaaa." pagpapacute kong sabi.
Bigla na naman akong tumamlay ngayong araw. Di ko alam kung bakit. Parang nanghina lang yun katawan ko bigla. Siguro napagod ako ng kakatakbo kanina. Ilang buwan ko nang namamalayan to. Pero siguro normal lang naman mapagod ang isang tao diba?
Andito na kami sa green table lahat. Nagsimula nang magchismisan sina Shelly, Charisse, Elly, Roch, at Ais. At ako, tawa tawa lang din. Masaya na akong makita silang masaya. Sila nalang kasi ang kasa kasama ko araw araw eh. Wala na kasi yung parents ko. Kaya sa kanila lahat ng oras ko at sa studies rin naman. Kahit papano nag iwan din naman ang mga magulang ko. Para ko na kasing mga kapatid tong mga unggoy nato, kaya kahit pagod ako. Gusto ko paring samahan sila. Dahil sumasaya din naman ako.
"Jassieeee! magsalita ka nga, tawa ka ng tawa dyan para kang tuloyng baliw." natatawang sabi ni Ais.
"Kanina ka pa ha, tumamlay kana naman. Wag mo na kasing isipin yuuun." dagdag pa nya.Ano daw? ano bang iniisip ko? wala naman akong iniisip ngayon ah. Napagod lang talaga siguro ako. Tapos amg sakit pa ng sugat sa tuhod ko.
"Hindiii, napagod lang. Pinatakbo nyo kaya ako kanina. Remember?" sabi ko naman.
"Aaah oo nga pala haha, pero maswerte ka parin. Nakabundol ka ng goldfish." sabi ni Elly.
GOLDFISH, yan yung tawag namin sa mga lalaking gwapo.
"Haaay nakoo, kumain na nga lang kayo." sabi ko at tumawa na naman kami.
Maya maya pa ay may dumaang lalaki sa gilid namin hawak hawak ang push cart na panlinis. Nilinisan nya ang kabilang table.
"Homayysiomaaaii! Si Dorryyy!!" Pagttimping sigaw na boses ni Charisse. Hay nakooo magpapacute na naman to. -,-
Si Dory, isang lalaking tagalinis ng mga mesa dito sa foodcourt. Gwapo syang tagalinis. Infairness matangkad tapos ganda ng tindig. Gusto ata lahat ng customer sya na ang maglinis ng mga pinagkainan nila eh. At take note hehe, hindi naman talaga Dory pangalan nya, pero hindi parin namin alam hanggang ngayon kung ano ang real name nya. Tinawag lang namin syang Dory kasi sya ang unang hinahanap ni Charisse dito sa foodcourt. Kaya Finding Dory.
"Mukhang tapos na syang maglinis sa kabila oh, tawagin kaya natin. Tapos ipalinis natin tong mesa. Hihihi." Kinikilig na sabi ni Charisse.
"Mukha ba tayong tirang pagkain na dapat linisin? eh wala pa namang dalpat linisin sa mesa natin ah. Kakakain lang naman natin ah. Wag kang mag alala, pag tapos na tayo ako mismo tatawag dyan." sabi ko sa kanila habang kumakain.
"Eh ikaw lang naman ang hindi pa tapos kumain eh!" sigaw nilang lahat sa akin.
"Hehehe sorry naman."
Matapos ang ilang minuto natapos narin ako at tinawag ko nga talaga si Dory. Kala nyo haaaa.
To be continued...

BINABASA MO ANG
It's Always Her
RomanceThis love never ended in my heart, nor ignored. But it was forgotten by her. And the love we may have at the moment of reconciling, will never be assured for some reason. But I have to do something. Will it still be significant if I still run after...