Jassie's POV"halaaaa! Jasiieeee!!" sigaw nilang yung kami lang nakakarinig. Binabanggit nanaman nila ang pangalan ko na parang malulunod na ako sa sabaw na hinihigop ko. Oo, nagpabili ako ng sabaw. Tsk. Sino ba kasi tong nakita nila?
"Sino ba kasi yan? para kayong nakakita ng multo dyan eh." iritang sabi ko sabay lingon sa tinutukoy nilang tao sa may stage.
Kaming lahat-> OoO
Napanganga. "Shit multo nga." nasabi ko nalang.Eh pano ba naman, ang nakita lang naman namin ay yung taong lugmok na nga ako sa kalungkutan, sinabayan pa nya. Ah basta basta, ba't ba sya nagpakita dito.
"Nako namaaaan." *sigh* napa buntong hininga nalang kaming lahat matapos makabawi sa pagkatameme namin.
'Ba't ba kasi andito sya? Ba't nagbalik pa sya? why can't he just stay away from me para di ko na makita pagmumukha nya?' mga tanong na bigla nalang namuo sa isip ko. Isipin nyo nang bitter ako sa kanya, wala akong pake. Bitter talaga ako. As in bitter pa sa ampalaya ganon! Hmp!
"Jassie? okay ka lang?" alalang tanong ni Ais. Alam nya kasi lahat ng nangyari noon. Sya yung may pinakadetailed na alam don sa nangyari.
"Ahh..oo na-maaan.." lagot nabulol pako kainis.
"Mabuti pa umuwi na tayo. Bilis na tayo na kayo. Wala ng e-extend." utos sa amin ni Roch. Lagot na.
Tumayo naman kaming lahat at pina una nila ako. Nag aalala sila ngyaon alam ko. Galit din kasi sila sa nangyari.
Habang naglalakad na kami pababa ng mall ay nahagip ko pa talaga yung mata nya sa stage. Nako namaaan ba't ba kasi tumingin pa ko. Kainis -,-
Patrick's POV
"Pare, sama ka?" tanong ni Louie. Magkasama kasi kami ngayon at nandito kami sa bahay nya. Dito kasi muna ako dumiretso galing airport.
I was sent to California by my parents kasi. Kahit ayaw ko, pinapunta parin nila ako don. Naiwan lahat ng mga mahal ko sa buhay dito. Lahat ng mga bagay na kailangan kong gawin ay naiwan ko rin. Naiwan rin ang pamilya ko dahil hindi nman sila sumama. Including her.
FLASHBACK
"Bakit nyo ho ba ginagawa to! Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko! I don't want to go there! Why can't you understand ba ma?! pa?! Pakinggan nyo naman ho ako, kahit ngayon lang. Please!"
galit na sabi ni Patrick sa mga parents nya'."You have to go there as soon as possible! wala nang pero pero Patrick! naasikaso ko na lahat at aalis ka mamayang gabi at wala ka nang magagawa so please anak 'wag ka nang kumontra pa!" diing sagot naman ng Daddy ni Patrick.
Lumapit naman ang Mommy Celine ni Patrick sa kanya at hinimas himas ang likod nya. Umiiyak din ito sa harap nya at nakiusap sa kanya. "Son, sundin mo nalang ang Daddy mi. Okay? Ginagawa lang namin to para sa ikabubuti mo anak." Pakiusap ng Mommy Celine ni Patrick sa anak nya. Nakaupo silang dalawa sa sofa habang nakatayo naman ang Daddy Arnold nya sa harap nila. Si Patrick naman ay nakahawak lang sa ulo nya habang umiiyak.
"Mag impake kana. Mamayang 6 pm ang alis mo. You only have 1 hour para mag ayos. Bilisan mo dahil ako ang maghahatid sayo." sabi naman ng Daddy nya at agad din itong tumalikod sa kanila at naglakad palayo. Naiwan namang humahagulgul sa iyak si Patrick at ang Mommy nya.
"Ma, pano na si..*iyak* pano na sya.."
END OF FLASHBACK
"Sige sama ako. San' ba tayo?" tanong ko kay Louie.
"Sa MG MALL. Kakanta kasi kami ngayon don'. Alam mo rin naman ang mga routines don' kaya pwede karin kumanta. Ano game?" paanyaya naman ni Louie sa akin. Hindi na naman rin bago tong paanyaya nya kaya sumama na ako. Dati rin kasi akong kumakanta don'. At di nyo tinatanong, maganda rin naman talaga boses ko hehe.
****************************
Sa ilang minutong byahe ay nakarating na kami dito sa MG MALL. Gamit namin kanina ang kotse ni Louie since hindi pa naman ako umuwi samin. Alam naman ng parents ko na andito na ko. Humiling lang talaga ako na hindi muna dumeretso dun. Gusto ko munang maging malaya, kahit ngayong araw lang.
Sumakay agad kami ng elevator papuntang sixthfloor. Sa Pagkakaalala ko, sa foodcourt yun at may stage kung saan dun kami kakanta. Dala dala na namin yung mga gamit namin para don.
Kumuha kami ng apat na upuan at nilagay yun sa stage. May isa pa kasi kaming kasama, yung girlfriend ni Louie. Si Alex. At may guitarist din. Si Mang Benny.
"Good day everyone. Our songs for today til night are dedicated po para sa inyong lahat. So eto na po.." announce ni Louie gamit ang mic. Chineck muna namin yung lahat ng wirings at ang pag tune ng guitar.
Tumingin tingin muna ako sa mga tao at ngiti ngiti rin. Namiss ko talaga tong lugar nato. Marami rin kasi akong ala-ala dito kasama nya. Tawanan, iyakan, at halos di na kami umuuwi non'.
"Hoy pre, parang good mood ka ata. May pangiti ngiti kapang nalalaman dyan. Haha." tukso naman ni Louie. "Ano? may naalala ka bigla no? haha." dagdag pa nya. Haaay nako Louie talaga. Hindi ko nalang talaga namalayang napangiti ako sa mga ala alang yun.
"Wala no. Tapusin mo na kayang ginagawa mo dyan. Guest mo ko ngayon baka nakakalimutan mo. Haha. " sabi ko naman.
"Lumulusot pa talaga eh no." nagtawanan naman silang tatlo. Napangisi nalang din ako at tumingin na naman ako ulit sa mga tao.
Habang ginagawa ko yun, may isang babaeng familiar talaga. Hindi ko masyadong makita yung mukha kasi malayo yung kinalalagyan nya ng mga kasama nya. Parang ayaw pang umalis ng ibang babae pero pinilit nalang nilang umalis dahil parang may problema. Hindi-ko alam kung ano. Napatingin ako ulit sa pinakaunang babae. At sandali pa, tumingin syang bigla sakin, pagkatapos nyang mahagip ang mata ko ay bumilis sila sa paglalakad patungong escalator ng floor.
At dun ko narealize, it's her.
Yung babaeng naiwan ko dito, ang babaeng nasaktan ko sa pag alis ko. At sigurado akong mata nya ang tumingin sa akin. Yung matang yun ang hindi ko natitigan for almost 5 years. Ang matang iniwan kong luhaan. Exagerated mang pakinggan ang mga sinabi ko, kahit high school pa kami nun, alam kong nasaktan ko at napaluha ko talaga ang mga matang yun.
It's Jassie.
To Be Continued...

BINABASA MO ANG
It's Always Her
RomanceThis love never ended in my heart, nor ignored. But it was forgotten by her. And the love we may have at the moment of reconciling, will never be assured for some reason. But I have to do something. Will it still be significant if I still run after...