Chapter 3

1 0 0
                                        

Jassie's Pov

Panglalaking paa. Shit.

Pagtingala ko sa nagmamay ari ng paang yun, napatulala ako. As in parang may anghel na bumagsak sa lupa at talagang ako ang nabagsakan ata. Nanlaki ang mga mata ko. Nagslow mo at nag glow sya kagaya ng pag glow ng araw. Paksheeet ang gwapo ng alien natoooo!

Exagerated ang peg ko nebeyen leche.

Chill Jassie chill.
"Ahm, miss? miss?" may pakaway kaway pasyang konti na tapat na tapat sa magandang mukha ko.

"Ah, oh, eh. hello. Heeeehh." Habang nabubulol ako eh hinila na nya ko patayo mula sa pagkasubsob ko. Saklap lang pero okay parin, gwapo naman yung nakabundol eh. hhahaha kapal lang.

"Okay ka lang ba?" tinanong nya ko habang hawak parin ang kamay ko. Abat pwede bitawan naman?

"Oo okay lang." Swerte ka gwapo ka, kundi baka pinasubsub narin kita sa lupa na may putik at may basta yun na yun.

Napatigil kami nang biglang lumapit ang mga unggoy kong kaibigan na dahilan ng paghalik ko sa lupa. Hay nako talaga panira ng moment.

"Hoy Jassie!" Tinawag ako ni Shelly. Parang walang nangyari kani kanila lang ah. kung makasigaw parang inagaw ko boyfriend nya. Eh wala naman sya non.

Kay Ais lang naman kasi uso ang boyfriend. Sa akin, uso ang pagkain. Chosss.

Nagtanungan kami kung bakit dumudugo nga konti tong mga tuhod ko. Pero kahit tinanggi kong masakit, sa totoo lang, ang sakit talaga. Parang nagka arthritis ako bigla nito ah.

Nagpakilala sila isa isa, para makapanira ng moment namin. At nagpakilala din naman sya.

"I-I'm Raven." pakilala nya. Mygaaaadd kasinggwapo nya yung pangalan nya Chosss.

Eto namang si Charisse, maypa I'm yours I'm yours pang nalalaman. Sarap sakalin, dejoke lang. Ang harot ha, tigilan mo yan kasi nakuuuu.

Pagpasok namin sa clinic ay ginamot agad ng nurse ang sugat ko. Pero napasigaw akong bigla. Lagyan ba naman ng alcohol? gusto nya ba kong mangisay? dejoke lang. Takot lang sa alcohol sorry naman maganda lang.

Napatawa silang lahat sa sigaw ko. Batukan ko kaya tong mga unggoy sa tabi ko.

"Hindi, hindi ka mamamatay nito. Tubig lang to na panghugas sa sugat mo iha." patawang sabi ng nurse.

Matadyakan kaya tong nurse nato?

Few minutes later ay nagpaalam narin kami sa nurse at lumabas ng clinic.
Nakabandage yung dalawang tuhod ko. Eh sa lakas pa nang bagsak ko kanina parang gustong gusto ng tuhod ko ang lupa. tsss.

Nagpaalam narin kami kay Raven. May pakaway kaway pa sila. At si Raven naman, biglang napatingin sakin.
I knoow maganda akooo. Leche may pasmile smile pa.

Tinulak akong bahagya ni Ais. Kaya tumalikod agad ako at naglakad. As if naman kinikilig ako? Psh. di kaya. Di porket gwapo sya kikiligin na ako. Nooo, alam ko na ang pattern nayuuunn. Pattern ng mga..

FUCKBOY.

Oo yun, yun talaga yun. Nagkalat na kasi yan sa mundo eh. Yang pasmile smile sayo, tapos kikiligin ka naman. Tapos mafa-fall ka. Kasi ang gwapo nya. Ganda manamit. Tapos isang kindat nya lang para kanang nakuryentehan sa kilig. Tapos pag nagsawa na sayo dahil may bibiktimahin na namang iba, iiwan kana. Then iiyak ka, then mag e-emote ka. Pero pag nakita mo status nya na ang gwapo nya sa pic eh napanganga ka na naman
Pero naaalala mong iniwan ka nya kaya yan, hahagulgol kana naman sa kakaiyak. Baliw lang? wag naaaa. Alam ko na yan.

Pero take note, base lang yan sa experience ng friend ko, i mean bestfriend ko. Si Ais. Pero atleast naman nakahanap sya ng matino tino ngayon kaya yan, mag t-two years na sila this year.

Balik sa friends ko.

Sumunod narin sila at lumabas nadin kami ng gate.

And finally...

Andito na kami sa entrance ng MG MALL.

Andito na namn kami sa eksenang magpapacute ang mga amigas ko dahil may gwapong guard na naman na titingin sa bag namin. Gwapo naman talaga sya. Mukhang Fil-Am nga eh. Pero mukhang may pamilya na, pero tong si Elly, di mapigilang kiligin.

"May kuryente ba Elly?" tanong ko ky Elly matapos icheck ang mga bag namin.

"Gwapo talaga ng guard nayoooon! hihi. Oo nga Jassie eh, naf-feel ko may spark kami." kinikilig na sabi ni Elly.

"Hala nabaliw bigla. " sabat ni Roch.

"Spark? Baka shark? oh baka dark? baka maging shark yun at nagdilim ang paningin eh ikaw una kainin sge ka." sabi ko kay Elly.

"Haaaay nakooo! gumagana na naman imagination ng bakulaw. Akyat nanga tayo nakakabobo kayo nebeyen." sabat naman ni Shelly.

Natawa nalang kaming lahat sa sabi ni Shelly. At dahan dahang sumakay sa escalator.

Aaminin ko, magaganda ang mga friends ko. May topak nga lang kung minsan.

Si Shellin Sophia David sya yung pinakamingay. Jolly at binansagang Gala Girl. Mayaman sya, pero di sya nakikisama sa mga mayayamang mayabang sa university namin. A.k.a. Shelly.

Si Elinoise Nika Lopez naman ay nag-iisang mahadera ng pamilyang Levinson. Sya yung parang walang hiya. Ahahdejoke lang. Sya yung babygirl namin. Pinakabata sa barkada eh. A.k.a. Elly.

Si Rochelyn Thalia Saragosa naman, sya yung kung mgsalita, palaging may hand gesture. Parang nahawa na nga kami eh. Nagkahawaan na ng virus. Mayaman din yan pero nasa states parents nya. May dalawa syamg kapatid at nags-study rin sa kaparehong university. A.k.a Roch.

Si Aistley Hersey Allcontin naman, sya yung pinakaclose ko. Sa kanya ko sinasabi lahat. Hindi naman sa wala akong tiwala sa iba, kaya lang basta. A.k.a. Ais.

Si Charrise Kelsie Perez naman ay yung kikay. Ang arte magsalita pero bagay naman sa kanya. At angdaling maasar.

At ako? ako si Jassie Sabrina Ramirez. Ako ang pinakamaganda sa aming lahat. Chosss haha. Hay basta.

And fyi, matatalino kami lahat. Di lang talaga maiwasang nabobobo minsan. Tapos tanga tangahan, ganon.

Hugot lang hahahaha.

To be continued...

It's Always HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon