EYA'S POV
"Hindi rin ako masama! Ako nga pala si Zhang Yixing!" Masigla nitong pahayag.
Hindi ko alam kung dapat ko ba syang pag katiwalaan! Peru... wala akong dapat ikatakot, may baril ako at madaming bala. Maaari ko syang patayin sa oras na gumawa sya ng masama at itapon ko nalang ang bangkay niya sa kung saang liblib.
"Ako si... Ammabela Eya Ramos... Peru... Eya nalang!" Wala ko paring ekspresyong sabi.
"Hmmf... Eya! What a beautiful name! By the way Lay nalang!" Bakit pakiramdam ko nag titiwala na sya sakin?
"I... I will give you a deal? I'm in a solo roadtrip! At dahil hindi mo pa alam kung san ka pupunta... you can join in my roadtrip! At kapag napag isipan mong manatili nalang sa kung saan man tayo makapunta you're free to live me!" Tinignan ko sya. What is he talking about? Bakit? Bakit nag titiwala na sya sakin? Bobo ba sya?
"At mukhang kailangan nating huminto muna sa isang hotel. Baha na at mahirap bumyahe at isa pa basang basa ka! Baka mag kasakit ka!" Yeah nilalamig na ako ng sobra. I think I'll take his offer.
"Palagay ko ... tama ka!" Muli kong niyakap ang sarili ko.
Sobrang lamig na at pakiramdam ko kailangan ko nang mag palit para na akong lalagnatin.
After 45mns. May hotel kaming hinintuan. Matapos naming mag park binitbit na nya ang mga gamit nya at pati bag ko peru kinuha ko yun ulit sa kanya.
"Good evening Sir, ma'am!" Bati sa amin ng Receptionist.
"Two bed room please!" May agad na nilabas ang Receptionist na log book.
"Right your name here Sir!" Agad namang kinuha ito ni Lay at sinulatan. Nag bigay ng bayad si Lay at inabot na samin ang mga susi ng kwarto namin.
Nasa thrid floor ang kwarto namin at mag katapat lang ito.
"Kapag kailangan mo ng tulong katok kalang? Okay?" Ngumiti syang muli sakin bago tuluyang pumasok sa kwarto niya.
Pumasok na din ako sa kwarto ko at nag diretso na sa banyo.
After an hour... ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Lumikha ito ng ingay.
Tinitigan ko ang kisame at huminga ng malalim.
Lalayo ako sa lugar na to kasama ng isang gwapong lalaki!
Oo gwapo sya at talagang... napaka ganda ng ngiti niya.
Peru hindi ko pa din sya dapat pag katiwalaan kahit na malaki agad ang tiwala nya sakin.
Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Tumatama sa mata ko ang sikat ng araw. Tumalikod ako upang makaiwas dito. Natanaw ko naman ang wall clock. Tanghali na.
Bumangon ako at tumungo sa labas. Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto niya.
Kumatok ako ng dalawang beses. Peru walang sumagot.
Hindi kaya tulog pa siya? Or iniwan na niya ako?
Binuksan ko ang pinto at nagulat akong hindi ito naka luck.
Malinis na ang kama nito at walang tao. Takte iniwan na nga ata ako ah?
Umupo ako sa kama. Akala ko naman mabait sya... hindi pala! Mapag panggap lang sya!!
Bakit? Bakit nya ko iniwan? Akala ko ba may deal kami? Anu napag-isipan ba nya na wag nalang ako isama? Bakit pa bigat ba ako?
Biglang bumukas ang pinto. Napalingon agad ako.
"Nandito ka po pala Ma'am!" Isang staff ng hotel lang pala. Baka lilinisin na nya ito. Ibinalik ko ang tingin ko sa binta at natanaw ko ang maaliwalas na langit.
"Nandito ka pala! Kakatok na sana ako sa kwarto mo! Sabay na tayo mag breakfast!" Napalingon akung muli sa pinto. Nakapamulsa siya at nakangiti. Gumalaw ng kusa ang katawan ko at napatakbo papalapit sa kanya at niyakap sya. Akala ko iniwan na nya ako! Akala ko mag isa nanaman ako! Akala ko...
Anung ginawa ko? Bakit ko sya niyakap?
Dahan dahan kung inalis ang kamay ko sa pag kakapulupot sa maganda nyang katawan.
"S...sorry!" Naka yuko kung sabi.
Ti-nop niya ang ulo ko.
"May deal tayo... hindi kita iiwan!" Hindi niya ako iiwan?
"Thank you!" May inabot sya sa staff matapos nitong maipasok ang cart na puno ng masasarap na pag kain.
"Thank you din po sir! Enjoy your meal po with your girlfriend!" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Agad naman umalis yung lalaki.
"Ahahaha! Pasinsya kana dun sa staff!" Parang musika sa tenga ang tawa niya. Nakakakalma at nag sisimula na akung mag tiwala sa kanya.
"Kain na tayo?" Sabi niya. Nag simula na kaming kumain.
"Can you tell me what happened to you? May tinatakasan kaba?" Tinignan ko sya. Humigot sya ng kape.
"Pwedi mo naman syang hindi sagutin." Kumain syang muli.
"May tinatakasan? Oo merun! Tinatakasan ko ang buhay ko"nakayuko kung sabi. Siguro na we-weirduhan na sya sakin.
"Pareho pala tayo!" Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakangiti siya. Peru kita ang lungkot sa mga mata nito.
"Tinatakasan ko ang tadhana kung ipakasal sa taong diko naman gusto at nakikita pa!" Nakangiti parin sya kahit kita sa mga mata nyang nasasaktan sya.
"Oy! Ang seryuso mo naman! Kain lang!" Ginulo niya ang buhok ko at nag patuloy kumain.
"Pag katapus mo kumain mag handa kana... aalis na tayo!" Napaka ganda talaga ng ngiti niya.
"Saan tayo?"
"Vigan!"
TO BE CONTINUE...
BINABASA MO ANG
ROADTRIP
FanfictionYou will find your true love in unexpected time, situation and momment!